PRESENT TIME ERINA’S POV THAT’S how I ended my relationship with Jake and started a new one with Kyle. Sa puting kisame kung saan ako nakahiga ay iyon ang naging laman ng isipan ko. Inaamin kong minahal ko si Kyle ngunit hanggang ngayon ay mas matimbang pa rin ang nararamdaman ko kay Jake. Halos ito ang umuokupa sa isip sa tuwing nakatitig ako sa kawalan. Paano kaya kung hinarap ko ito noon? Kami pa rin kaya hanggang ngayon? Masaya pa rin kaya kami? Ano kaya ang nangyari kung hindi ako naging duwag nang mga oras na iyon? Marahil ay walang isang Kyle ngayon sa buhay ko. Wala naman akong maipipintas sa nobyo ko ngayon dahil wala akong makitang pagkukulang nito sa akin. Ngunit may pakiramdam akong may isang bagay akong hinahanap. Gusto ko ng makalabas ng hospital upang masiguro ang mga

