ERINA’S POV TILA tumatagas na tubig sa tubo ang mga luha ko na walang katapusang bumubulwak. Ang sabi nila love is sweeter the second time around. Hindi yata totoo iyon. Love is more painful the second time around. Ang sakit pa rin. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kakaiyak. Dumiretso ako agad sa silid ko nang makarating sa bahay. Agad kong ni-lock ang pinto at inilubog ko ang sarili sa mga unan ko. Isang tunog mula sa mobile phone ko ang nagpa-angat sa akin. Kinuha ko iyon at pinatay kasunod ng pagbato niyon na tumama sa pader. Nagpira-piraso ang mga iyon kasabay ng paghagis ko sa mga unan at gamit na malapit sa akin. This is the worst of me. Unti-unting bumbalik ang kirot ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Bigo pa rin pala ako. Si Jake pa rin pala ang mananakit sa aki

