ERINA’S POV TANAW KO NA AGAD SI JAKE NA NAGHIHINTAY SA LABAS NG GATE. Katatapos lang ng klase ko sa panghuling subject at hustong kakalabas ng room ay namataan ko na ang sasakyang dala ng aking nobyo nang ihatid ako kaninang umaga. Nakasandal lang ito sa gilid at nakatuon ang tingin sa hawak na mobile phone. Binilisan ko pa ang paglakad habang abala ito sa ginagawa. Sosorpresahin ko si Jake at natitiyak niya ang panlalaki ng mga mata nito kapag nagkataon. Ilang hakbang na lang ay makakalapit na ako sa likuran nito nang bigla itong humarap sa akin. “Got you,” sabi nito at mabilis na hinawakan ako sa kamay. “Ano ba iyan? Paano mo nalaman?” “I can see you, my Princess.” “Hindi ba ay busy ka sa… mobile phone mo?” Tuluyan na nitong kinuha ang bago ko pati ang ilang libro na hawak ko. “K

