ERINA’S POV ISANG BUWAN NA PALA AKONG NAGMAMAHAL. Simula ng makita ko kung paano nasaktan si Jake ay mas lalong tumatak sa isip ko na kailangan kong bigyan ng oras ang nobyo ko. Tama ito, pareho kaming nag-iisang anak ngunit hindi kami magkatulad sa usaping pamilya. Pareho kaming may mga magulang na abala sa mga karera nila sa buhay ngunit nakakasama ko ang Mommy at Daddy ko samantalang siya ay hindi. Hindi ko lubos maisip kung paano nito kinakaya na mag-isa sa lahat ng bagay. Marahil bata pa lang ay sinanay na nito ang sarili dahil na rin sa sitwasyon nito. Kaya nagdesisyon ako na iparamdam kay Jake ang nararapat para sa lalaki. “Hello, my Prince! How are you?” tanong ko habang nagsusulat ng homework. Inipit ko ang mobile phone sa taenga ko. “Princess, di naman halatang na-miss mo ako

