Part 19

2214 Words
“LISTEN, children,” utos ni Matthew. Magkakaharap sila sa dining table at magkakasalo sa tanghaliang si Sienna ang nagluto. Nagkausap na sila ni Matthew tungkol doon. Na basta family day ay siya ang mag-aasikaso ng pagkain. They were living together for over a week. At bagama’t nasa adjustment period pa silang lahat ay wala namang problemang dumarating. “What is it, Daddy?” As usual, si China ang palaging eager na malaman kung anuman ang bagong balita. Nilinga siya ng asawa. Bago pa man ay alam na niya ang sasabihin nito sa mga bata. “We’re going to have a honeymoon. One month tour sa States.” Namilog ang mga mata ni China. At bagama’t walang kasiyahang lumarawan sa mukha ni Mickey ay wala rin namang pagtutol. “Sana dalawin ninyo si Lola Betty. I miss her.” “Of course. Kaya nga doon namin gustong pumunta ng mommy ninyo. Para maipakilala ko na siya kay Mama.” “She’s nice, Mommy,” ani China. “Hindi siya mataray.” “Mickey,” tawag ni Matthew ng pansin dito. Ito lang ang halos hindi sumasali sa usapan. “Okay lang ba sa iyo?” “I’m not complaining, Daddy.” Halatang may natitira pa ring pagkailang kay Mickey kapag tinatawag nito si Matthew ng ganoon. “Iniisip ko lang kung puwedeng kina Lola Sylvia muna ako habang wala kayo.” “Iiwan mo ako ditong mag-isa?” reklamo ni China. “Hey!” saway ni Matthew. “Mickey, napag-usapan na namin iyan ng mommy. Sana nga ay isasama namin kayong dalawa—” “Sige, daddy, sama kami,” singit ni China. “Malapit na ang pasukan. Kung sasama kayo ay masyado kayong male-late sa mga lessons.” “Sana pala, inagahan ninyo ang honeymoon. Mommy, sana nagpakasal ka kay Daddy nang mas maaga,” nanghihinayang na wika ni China. Napangiti siya. Wala naman siyang maisip na isukli sa bata. Si Matthew uli ang nagsalita. “We already talked to Lola Sylvia, Mickey. Gusto nga niyang doon ka muna uli sa kanya. At saka ipinasasama na rin si China.” “Hindi ba nakakahiya iyon, Daddy?” si China. “Bakit naman nakakahiya?” Si Mickey ang sumagot. “Iyong mommy ko, mommy mo na rin. Iyong daddy mo, daddy ko na rin. Eh, di, iyong lola ko, lola mo na rin. Mabait si Lola Sylvia. Para ring si Mommy.” “So wala nang problema?” sabad niya sa usapan. “Will I have room there?” tanong ni China. “Iyong kuwarto ko dati ang gagamitin mo. Katabi lang iyon ng kay Mickey.” Si Mickey ang nag-react. “Naku, Mommy, di matututo na rin si China ng style mo sa paliligo?” kunwa ay puno ng disgust na wika nito. “Style?” takang-tanong ni Matthew. “You’ll find that out some time,” nangingiting wika niya. Naliligo pa rin siya nang puno ng seremonyas. Iyon ay kung wala si Matthew. Dahil imposibleng magawa niya ang mahabang proseso kung nasa tabi lang ang asawa at palagi nang may panahong sumabay sa kanya. Iniisip tuloy niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag napuno ng kung anu-anong natural tea and herb jars ang kanilang bathroom. Maluwang ang naging ngiti ni China. Hindi nito inintindi kung ano ang pinag-uusapan ng mga magulang. “Daddy, doon muna ako susunduin ng school bus?” “Of course,” tugon ni Matthew. PANATAG ang loob na iniwan nina Matthew at Sienna ang dalawang bata sa mansyon ng mga Sebastian. At bago natapos ang linggong iyon ay nakaalis silang dalawa patungo sa Amerika. Una nilang pinuntahan ang mama ni Matthew sa Chicago. Sa telepono pa lang ay kilala na siya nito at tuwang-tuwa ito nang makilala siya nang personal. Hindi nagsinungaling si China sa pagsasabing mabait si Betty Escalante. Napatunayan na naman niya ang kasabihang looks could be deceiving. Hindi nalalayo ang anyo nito kay Mama Sylvia. Typical na aristokrata ang bukas ng mukha at ang kilos ay de-numero, ngunit hindi ang ugali. At kung hindi lang nito naiintindihang kailangan nila ni Matthew na magkaroon ng solong lugar ay ipagpipilitan nitong magtagal pa sila sa bahay nito. May sariling bahay sina Matthew sa lugar na iyon. At katabi lang ng kapatid ni Betty. Noong una ay nag-offer si Betty na pansamantalang lilipat muna ito sa kabilang bahay para masarili nila ang bahay, subalit si Matthew na ang naunang tumanggi kahit na gusto rin sana niya ang ideyang iyon ng biyenan. pagkakataon na rin iyon para makasama niya ito at mas lalo itong magkilala. “Mama, I want to make the most out of our month-long vacation. I intend to bring her to different states.” “I see,” nakakaunawang tugon nito. “Basta, promise me, Matthew, babalik kayo rito bago kayo uli umuwi sa Pilipinas.” “Ako mismo ang magpapaalala sa kanya, Mama.” Siya na ang sumagot. “Kung sumabay ka na sa pag-uwi namin, Mama?” aya ni Matthew. “Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit nakakatagal ka rito samantalang malayo akong nag-iisang anak mo.” Lumabi si Betty. Noon ay alam na ni Sienna kung saan nakuha ni China ang mannerism na iyon. “Hay, naku, Matthew. Don’t kid me. Ngayon pang nag-asawa ka na? Kahit mawala ako sa mundo ay kayang-kaya mo nang mag-isa.” “Stop it, Mama. Ayokong nagsasalita ka ng ganyan,” seryosong sabi ni Matthew. “Lahat naman tayo ay papunta roon. Una-una nga lang.” “Mama!” May bahid na ng galit sa pagsaway ni Matthew. “Okay,” pagbibigay naman nito. “Just give me one valid reason at magmamadali pa akong umuwi sa mansyon.” Pati ang mga mata nito ay tumatawa nang binitawan ang mga salitang iyon. Nawala ang seryosong mukha ni Matthew. Nakangising luminga ito sa kanya. “Si Sienna ang makakasagot niyan. Sa parte ko ay hindi ako nagkukulang.” Pinanlakihan niya ng mga mata ang asawa bago nahihiyang tumingin sa biyenan. “Itong anak n’yo, Mama, hindi na ako binigyan ng kahihiyan.” “Ano ba naman ang nakakahiya roon, Sienna?” Sadyang nagkunot ng noo ang matandang babae. “Ang magkaanak naman ang talagang hinihintay mangyari ng mga bagong-kasal. At wala namang dudang pareho kayong may kakayahang magkaanak.” Hindi lingid dito ang pagkakaroon niya ng anak sa una. “Ewan ko nga ba kay Sienna, Mama,” ani Matthew. Iniunat nito ang isang braso at inakbayan siya. “Kung hindi ko pa palaging nakikita si Mickey, iisipin kong dalaga ito. Masyadong reserve, eh!” kunwa ay nagrereklamong wika ng asawa. Palihim naman niyang kinurot ito sa tagiliran. Hindi rin iyon nakaligtas sa paningin ni Betty. At aliw na aliw naman ito sa nakikita sa kanila. Hinarap nito ang anak. “You should be thankful, Matt. Sa dami ng babaeng nasaktan mo ay nakatagpo ka pa ng katulad ni Sienna. At mahal pa niya ang anak mo.” He gazed at her lovingly. Na sinuklian niya sa ganoon ding paraan. Siya ang sumagot sa biyenan. “Mahal din naman ho niya si Mickey.” The old woman smiled sweetly. “Nanghihinayang nga ako at hindi ninyo naisama ang dalawang bata. Iyang anak mo, Matthew, pulos si Mickey na lang ang laman ng kuwento. Natutuwa naman ako at magkasundo ang dalawang iyan.” “Mabait ho kasi si China,” aniya. “Mabait din naman si Mickey,” dagdag ni Matthew. “Hindi nga lang kagaya ni China na open sa possibility na mag-aasawa ang mommy niya. Pinaniwala kasi siya ng mommy niya na hindi na ito mag-aasawa. Kaso na-in love sa akin si Sienna,” pabirong wika nito. “Ako pa ba?” nakaarko ang kilay na sita niya. “O sige, ako na. Pagbibigyan kita tutal ay kaharap ang mama. Ayokong isipin niyang inaapi ko ang kanyang manugang,” ngisi nito. Bumaling siya sa biyenan. “Parang bata itong anak ninyo, Mama.” Nangingiting umiling na lang si Betty. “All I can see is he’s very much in love with you.” “You know what, Mama? Sa lahat ng sinabi mo ay iyan ang pinakatama,” nagbibirong sabi ni Matthew, pagkatapos ay binalingan siya nito. “Sweetheart, nasabi ko na ba sa iyo ngayong araw na mahal kita?” Kunwa ay nag-isip pa siya. At saka nangingiti ring sinalubong ang tingin nito. “May umaga bang nagising ka na nakalimutan mong sabihin iyan sa akin?” Pareho silang napabungisngis. At kahit nasa harap nila si Betty ay hindi nagdalawang-isip si Matthew          na hagkan siya sa mga labi. buong puso naman niya iyong tinanggap. Bago natapos ang isang buwang bakasyon nila ay dalawang beses pa nilang dinalaw si Betty. At wala itong madalas na itanong maliban sa pagkakaroon nito ng panibagong apo. “I’m not p-pregnant yet.” Hindi maikakaila ang tensyon na gumuhit sa kanyang mukha. Napakasensitibo ni Matthew para maitago niya iyon. Maagap itong humawak sa kanya at puno ng assurance na pinisil iyon. “It’s all right, Sweetheart. At least, mas may time ka pa sa akin. Hindi pa ako madaragdagan ng panibagong kahati.” Nilangkapan nito ng kaunting possessiveness ang tinig. Ngunit kahit ganoon ay siya pa rin ang sumisisi sa sarili. Madali ring naunawaan ni Betty ang nararamdaman niya. “I’m sorry, Sienna. Hindi naman kita pine-pressure. Siguro ay sabik lang talaga ako sa bagong baby. Nag-iisa ko kasing anak si Matthew.” Padaplis na hinalikan siya sa pisngi ni Matthew. “Hayaan mo, Mama. Hindi naman siguro tayo masyadong maiinip. After all, halos dalawang buwan pa lang naman kaming kasal ni Sienna.” “Kahit magdalawang taon pa,” kibit-balikat nitong sabi sa kanila. “Bata pa naman kayong pareho,” optimistic na dagdag nito. NANG makabalik sila sa Pilipinas ay ibinaba lang nila ang bagahe sa mansyon at tumuloy sa White Plains. Walang nakakaalam ng petsa ng kanilang pag-uwi. Kahit na noong huli nilang makausap ang mga anak ay hindi nila binanggit sa mga ito ang eksaktong petsa ng kanilang pag-uwi. Hindi nila nakalimutan ang mga pasalubong para sa mga ito lalo na kina Mama Sylvia at Ariel. Nasa sala si Mama Sylvia nang dumating sila. At gulat na gulat ito nang makita sila. “Bakit hindi kayo nagpasabi?” may panghihinayang na sabi nito. “Sana ay naipasundo ko kayo.” “Ayos lang, Mama Sylvia,” ani Matthew. “We took a cab at ibinaba na namin ang gamit sa Corinthian. Doon kami galing ngayon.” “Wala pa pala kayong pahinga. Siya, ako na ang bahalang magpahanda ng hapunan sa kusinera. Sienna, nasa itaas ang mga bata. Ewan ko kung magkasundo ngayon. Wala yatang araw na dumaan na hindi sila nag-away,” iiling-iling na wika nito bago tumuloy sa kusina. Dinatnan nila ang dalawang bata sa pangkaraniwang tagpo. Abala sa paglalaro ng mga remote control cars na naiwan ni Mickey doon. Bukas ang kuwarto ni Mickey. Hindi alintana ng mga ito ang tumatapong lamig ng aircon. Nasa pag-angil ng mga mamahaling laruan ang atensyon. “You lost again, China,” nang-aasar na wika ni Mickey. “Because you cheated me,” ungol naman ni China. Napahinto silang mag-asawa sa tangkang pagpasok. Kabisado ni Matthew ang tonong iyon ng anak. Gahibla na lang ang layo ni China sa natitira nitong pasensiya. “Cheated you?” kunwa ay manghang ulit ni Mickey. “Patas akong kalaban. You know that.” “I don’t know that!” “Come on, be a sport, Chin.” “Don’t call me ‘Chin’! It’s either ‘China’ or ‘Betyczelina’!” “Betyczelina,” gagad ni Mickey. “Unique kaya lang ay mahaba, pero sige. And call me ‘Miguel’.” “And don’t call my father ‘Daddy’.” “Sure!” nahahamong wika ni Mickey. “Just do the same with my mom.” Mabilis na nagkatinginan sina Matthew at Sienna na nasa likod lamang ng pinto. Hindi nagdalawang-isip na itinulak ni Matthew ang pinto. Sumunod siya. “We didn’t like what we heard. Iyon ba ang pasalubong ninyo sa amin?” walang galit, ngunit puno ng awtoridad na tanong ni Matthew. “Daddy!” magkapanabay na wika ng dalawa. Bago sumugod ng salubong si China ay matalim na sulyap ang ipinukol nito kay Mickey. “Why didn’t you tell us that you’re coming?” “So we could hear what’s going on between the two of you,” anito sa seryosong tinig. Sabik silang pareho sa mga anak ngunit naiintindihan niya na hindi nila dapat ipagwalang-bahala ang narinig. Mickey and China exchanged guilty looks. Lumapit din si Mickey. “Sorry,” sabi nitong sa kanilang dalawa pinatutungkol. Ibinuka niya ang dalawang kamay at ngumiti. “Na-miss namin kayo.” Yumakap sa kanya si Mickey. “Me, too. Hindi naman ako nahirapang mag-adjust sa high school. Classmates ko pa rin `yong iba kong classmates noong elementary,” balita nito. Si China man ay yumakap sa ama. “May family day affair sa school next week, Daddy. I told them we’re now a complete family. They’re very eager to meet my new mom.” “And brother,” mariing dugtong ni Matthew. “And brother,” napipilitang wika ni China. Isang irap pa ang ipinukol nito kay Mickey. Hinayaan na lang nila ang aksyong iyon ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD