HINDI na nag-report si Sienna sa opisina nang sumunod na linggo. Tamang-tama na tinapos na rin ni Ariel ang vacation leave nito at hindi na kailangan pang humugot ng tao sa personnel para pansamantalang pumalit sa puwesto niya.
“Stay here, sweetheart,” sabi ni Matthew habang gumagayak ito patungong opisina. “There’s no need for a turnover of work. Kayang-kaya na ni Ariel iyon.”
“If that’s what you want,” masunurin namang wika niya.
Siya man ay nagbibihis na ng housedress. Inuna lang niyang maghanda ng almusal at saka naligo. At kung hindi lang kakapusin sa oras si Matthew ay walang kailangang magsabay silang maligo. But Matthew had a promise in his eyes na gagawin din nila iyon sa oras na magkaroon sila ng panahon.
“I bet tulog pa si China. Puyat na puyat yata iyong dalawa sa paglalaro ng play station kagabi.”
“Si Mickey man. Kahapon lang ng umaga maagang nagising dahil namahay. Pero siguro, mamaya pa ang gising ng mga iyon dahil sa puyat.”
“Natutuwa nga ako at madali namang nagkasundo ang dalawa.”
“Dahil na rin iyon sa anak mo. China has the charm na mahirap tanggihan.”
Kinuha niya ang suklay. Nasa harap ng salamin si Matthew at inaayos ang pagta-tuck in ng polo shirt nito. Binitiwan nito ang ginagawa at kinabig siya sa batok.
“Mukhang umpisa na ito ng pagkakaroon ko ng Monday sickness,” bulong nito sa kanya.
Nangingiting umiwas siya matapos itong hayaan na hagkan siya nang mabilis. “That’s not healthy, you know.”
Gumuhit ang manipis na ngiti sa mga labi ng asawa. There was passion in his eyes. “You’re like a drug, Sienna, na hindi ko gustong tigilan.”
“It’s time for you to leave, sweetheart,” aniyang gumawa ng ilang hakbang paatras.
“I’m the boss,” buo ang tiwala sa sariling wika nito.
“I can come to the office any time I want,” nanunudyo pang dugtong nito.
Mabilis na niyang tinungo ang pinto. “I prepared breakfast. Lalamig iyon, sayang naman.”
Napabuga ng hangin si Matthew na anyong sumusuko. “You’re torturing me.”
Namilog ang mga mata niya sa amusement. “I’ll just wait for you downstairs.”
“Sandali,” pigil nito at nagmamadali ang mga hakbang na lumapit sa kanya.
Sa gitna ng pintuan siya naghintay. Iniluwang niya ang pagkakabukas ng pinto at hindi na inisip pa ang lamig ng aircon na tumatapon sa labas.
“Ano naman kaya ngayon?” sadyang inartehan niya ang tinig. She felt like she was seventeen again, hopelessly in love. Lalo na at ganoon din ang nababasa niya sa ekspresyon ng asawa.
Masuyong sinapo ng dalawang palad nito ang magkabila niyang pisngi; magaang-magaan ang mga pulso na hindi siya gustong masaktan.
“Hindi ko pa nasasabi sa iyo ngayong araw na ito na mahal kita.”
And once more, she tasted his sweet, devouring kiss.
MAAGANG umuwi si Matthew. Wala pa halos alas-kuwatro. Nagulat siya dahil normal nang umaalis ito ng opisina nang pasado alas-sais. Inabutan siya nitong nakababad sa pool kasama sina China at Mickey.
Halos kaliligo lang niya. Natutuwa siyang pagmasdan ang dalawang bata na nag-e-enjoy maglunoy sa tubig kaya hindi siya nagdalawang-isip na samahan ang mga ito nang kawayan siya para ayain.
Inalalayan siya ni Matthew na makaahon. At anyo siyang hahapitin ng asawa nang umiwas siya. Napakunot ang noo nito.
“Mababasa ka,” katwiran niya. Inabot niya ang tuwalyang nasa malapit at ikinuskos sa sarili.
“So what?” walang pakialam na wika nito. Nakita nitong pumihit siya para umalis. “Saan ka pupunta?”
“Magbibihis. Maghahanda na ako ng hapunan.”
Napangiti si Matthew. “Hayaan mong si Nana Lubeng naman ang gumawa n’on. Mula nang dumating kayo ay alalay na lang ang papel ng matanda. For all I know ay masama na ang loob noon at baka nag-iisip na gusto na natin siyang paalisin.”
“Gusto ko lang na ako ang personal na mag-asikaso sa inyo,” tugon niya.
“I know that. At marami namang ibang paraan. Dito ka na lang. I’ll change at makikisali ako sa inyo.” He planted a brief kiss on her lips saka ito pumasok sa loob ng bahay.
Mabilis itong nakapagbihis ng pampaligo. He was wearing swimming trunks at kahit na kabisado na niya ang mga bahagi ng katawan nito ay hinahangaan pa rin niyang pagmasdan iyon.
“Daddy!” Umagaw ng atensyon si China. She was a very good swimmer. At dahil kanina pa ito nakikipagpaligsahan ng pagsisid kay Mickey ay noon lang napansin ang ama. “I thought you were out,” anito nang makalapit si Matthew.
“I just arrived,” tudyo ni Matthew. “Tell me, how long can you now stay underwater?”
Sumimangot si China. “It’s sad. Kung hindi kami magkapantay ni Mickey ay palaging siya ang mas matagal.” Nilingon nito si Mickey na nakamasid lang sa kanila.
Matthew reached for Mickey. “Really? Kung tayo naman ang mag-contest?” hamon nito.
“Right!” game na wika ni China at i-s-in-et ang timer.
Bantulot si Mickey ngunit sinenyasan niya ito. “Okay,” pagkuwa ay wika nito.
“Ready?” ani China. “One... two... three!”
Sabay na lumubog ang dalawa. Dalawa sila nitong nag-aabang kung sino ang mauunang lumutang sa tubig at kung sino ang makatatagal at makakarating sa mas malalim. Maraming sandali rin silang naghintay.
Naunang lumutang si Matthew.
“Yuck ka naman, Daddy!” kantyaw ni China. “Magaling pa sa iyo si Mickey.”
“How long did I go?” anito at hindi na hinintay ang sagot. Kinuha nito ang timer sa kamay ni China. Lumalim ang gatla sa noo nito nang makita ang oras ng itinagal sa ilalim. Napatingin ito sa kanya.
“Why?” kabadong tanong niya.
“Masyado na siyang matagal sa ilalim.” Paitsa nitong ibinalik kay China ang timer at lumangoy papunta sa posibleng kinaroroonan ni Mickey.
“Mickey!” Parehong nanulas sa mga labi nila ni China ang pangalan nito. Hindi maikakaila ang bumangong takot sa dibdib niya. At nakalalamang sa tinig ni China ang guilt.
Bago makalapit si Matthew sa lugar ni Mickey ay saglit itong lumitaw sa tubig.
“M-mom-my!” malabong wika nito at lumubog uli.
“Anak!” Takot na talaga si Sienna. Hindi niya alam kung susunod pa o hahayaan na lang si Matthew.
Naabot na ito ni Matthew. At dahil halos hindi na ito nagkakalayo ng laki ay mabagal na naibalik ni Matthew ang bata sa mababaw na bahagi ng pool.
Ubo nang ubo si Mickey. Ginawa ni Matthew ang paraan para mailabas nito ang tubig na nainom.
Namumutla si Mickey. Nang mahimasmasan ay yumakap ito kay Sienna; hindi nahiyang umiyak.
Tahimik namang nakamasid sina Matthew at China. Parehong nakaguhit ang guilt sa mukha.
“Mickey...” Naunang kumibo si China. “I’m sorry. Dapat—”
“No,” agap ni Matthew. “Ako ang dapat mag-sorry. I shouldn’t have asked you to compete with me.” Bumaling ito sa kanya. “Sienna.”
Tiningnan niya ito nang nakakaunawa at lumipat ang tingin kay China. Nginitian niya ito upang maski papaano ay makabawas sa guilt na nararamdaman.
“How do you feel now, son?” tanong niya sa anak. Tinuyo niya ng tuwalya ang katawan nito.
“I’m okay now, I think.” Huminga ito nang malalim. “Masakit na lang sa lalamunan saka sa ilong.” Sinulyapan nito ang mag-ama.
“Am I forgiven now, Mickey?” hindi mapakaling untag ni China.
Tumango ito.
“How about me?” Si Matthew.
Napatitig ito at makaraan ay kumibo rin. “It’s nobody’s fault,” mahina nitong wika.
Si Sienna ang nakahinga nang maluwag sa narinig. At bago pa niya masabi ang gusto sanang sabihin ay nauna na uli si China na magsalita.
“Talaga, Mickey?” Dagling lumipad ang tensyon palayo sa kanila.
“Yes, I wanted to win that’s why I stayed longer,” anito sa kanilang lahat ngunit mas matagal itong tumingin kay China. “I should be the one to be sorry. Natakot ko kayo.”
Lumuwang ang ngiti ni China. “Oo nga. Akala namin, nalunod ka na.”
“Sorry.”
“Accepted. But let’s have a deal.” Mischief filled China’s eyes.
Nagkatinginan sina Sienna at Matthew. Kanina pa sila parang audience sa usapan ng dalawa. Bigla ay parang hindi na sila kasali sa usapang iyon. Ngunit wala namang may gustong magbukas ng salita ng protesta sa kanilang mag-asawa.
“What’s that?” tanong ni Mickey.
Tumingin pa muna si China sa kanya bago ito sumagot. “I really want to call your mommy ‘Mommy’, too.”
“Okay,” ayon ni Mickey.
“But I can’t.”
“You can’t?” Nag-trio pa silang tatlo sa pagre-react sa narinig.
Tumango si China. “Mickey, I can call her like that kahit hindi ko sabihin sa iyo. But it would have more meaning if you will call my father ‘Daddy’, too.”
Muling nagtagpo ang tingin nila ni Matthew; may pinipigil na ngiti sa mga labi.
Luminga si Mickey kay Matthew. “Daddy.”
Napalunok si Matthew. It really meant something. Acceptance, for one.
“Mukha ka namang napipilitan,” nasisiyahang kantiyaw ni China. “Say ‘Daddy’,” anito sa mas malambing na tono.
“Daddy,” ulit naman ni Mickey.
Hindi na nakatiis si Matthew. Inabot nito ang kamay ni Mickey at masuyong ginulo ang buhok. “Thanks, son,” parang may bikig sa lalamunang wika nito.
“Let’s change, maginaw na,” pag-iiba niya sa topic. She was touched by the scene ngunit hindi niya gustong mauwi iyon sa drama kung mapapansin ng mga itong naluluha na siya sa kaligayahan.
Ngunit alam niyang hindi nakaligtas kay Matthew ang pagkislap ng luha sa mga mata niya.
NAKAHIGA na sila ni Matthew nang malaman niya ang dahilan ng maagang pag-uwi ng asawa.
“I settled everything, sweetheart. Hindi lang naman secretary ang papel ni Ariel sa opisina. He’s my right arm, actually. At kayang-kaya na niya ang iiwanan kong trabaho.”
“Bakit?”
“Bakit?” gagad ni Matthew. “I’d like us to have a honeymoon, Sienna. At gusto kong mangyari na iyon as soon as possible.” Iniyakap nito ang isang bisig sa kanyang baywang.
Natawa siya. “Kinakabahan ako sa iyo, Matthew. The last time na narinig ko sa iyong as soon as possible, nang hapon ding iyon ay pinakasalan mo ako. Now you’re saying that again, and I think you mean right this minute. Don’t tell me, aalis tayo ngayon din?”
Bumiling ito paharap sa kanya. “Sinabi ko bang kailangan pa nating umalis?” tukso nito. Sa isang iglap ay nakuha ng asawang maipailalim siya sa katawan nito.
AFTER an hour or so ay saka nagseryosong muli si Matthew.
“When would you like to have a grand wedding?”
Nagulat siya sa tanong na iyon. Mula nang makasal sila sa huwes ay hindi na siya nag-iisip pa ng en grandeng kasal. Sapat na sa kanyang pinakasalan siya nito.
“Puwede naman kahit wala na,” matapat na wika niya.
“Are you sure?”
“Hindi ko naman pinangarap ang ganyang klase ng kasal. Noong mawala si Mike, hindi ko na nga inisip na makakapag-asawa pa ako.”
“Sweetheart, he’s past. Narito ako, puwede kong ibigay iyon sa iyo. All I want to know is when will you like it to take place.”
“Honestly, kahit hindi na tayo gumastos para roon.”
Natawa ito nang marahan. “You amazed me, Sienna. Bakit ka nag-iintindi ng gastusin? Hayaan mong ako ang umintindi pagdating sa bagay na iyon. At saka ipinaalam ko na sa opisina na kasal na tayo. They are all eager to join the long table.”
Mariin siyang umiling. “The civil wedding is enough for me. Isa pa ay malalaki na ang mga bata. Let’s just throw a party for them kung iyon lang ang inaalala mo.”
“Ikaw ang main concern ko. I want to give you the kind of a wedding that every woman dreams of. At isa pa, nagpaparinig si China. Siguro raw mas bagay na siyang junior bride maid kaysa naman flower girl.”
“If you insist. Pero, marahil puro bisita mo ang pupuno sa okasyon. Wala namang imbitadong manggagaling sa akin maliban sa mga Sebastian.”
“Wala kang kaibigan?”
Umiling siya. “Umikot ang mundo ko sa pagpapalaki kay Mickey. It’s Ariel who always provides me an ear to listen to my problems. Sa kanya ko na natagpuan ang maaaring ibigay sa akin ng isang kaibigan.”
“So you really don’t want it?”
“I don’t want it,” ulit niya.
“Baka iniintindi mo iyong financial aspect?”
“Hindi naman. Teka nga, bakit ba ang kulit mo?” Nakahalata na siya sa sadyang paulit-ulit na wika nito.
“All right, kung ayaw mo, hindi na lang kita pipilitin. Iba na lang ang kukulitin ko sa iyo,” anito sa tonong alam na alam na niya ang ibig sabihin.
“Hmm, here we go again,” she said teasingly. Seconds later, she was giving herself to him completely again.