“DO YOU like to have a sister, Mickey?” Tinanong ni Sienna ang anak sa pinakakaswal na paraan. Ni hindi niya inagaw ang atensyon nito sa pabali-baligtad na kotse sa gitna ng lawn.
“Why not a baby brother?” Tuloy pa rin ang pindot nito sa remote control.
“Would you love him? Or her?”
Saglit lang siyang tinapunan ni Mickey ng tingin. “I will.”
She inhaled deeply. “How about a stepsister?”
Bigla ang balik nito ng lingon sa kanya. “May anak din siya?” Tila hirap ang loob nitong bigkasin ang pangalan ni Matthew.
“Yes. China is eleven years old. Mabait siya.”
Tumikom ang mga labi ni Mickey. At pati ang pagpindot nito sa buton ng remote control ay naging mariin.
“Please understand, son. He’s willing to love you. And I’m also willing to love his daughter. Pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala ang pagmamahal niya sa anak niya at malilipat sa iyo. It’s the same thing with me. I could love China in other ways but I will always love you.”
“You said that already,” matabang na tugon ni Mickey.
Pabalang ang sagot na iyon ng anak ngunit hindi niya iyon papatulan. Tuloy ang pag-andar ng kotse. At walang direksyon iyon dahil na rin sa maski papaano na lang na pagpindot nito.
“I’ll keep on saying that to you if those words would make you feel secure about us. There’ll be some changes, of course. and I’m hoping you’re willing to accept them.”
Sadyang ibinangga ni Mickey ang kotse sa isang paa ng garden set saka pinakawalan ang daliri sa mga buton.
“Hindi ikaw ang nagsabi sa akin na nag-asawa ka na, si Mama Sylvia. But you are the one who told me about his daughter. Is there anything else, Mommy? Sabihin mo na sa akin ngayon, so that all I will do is to adjust.”
Kung sinabi iyon ni Mickey sa walang tonong paraan ay iisipin niyang unti-unti na itong nagma-mature. Ngunit hindi nito itinago ang pang-uuyam sa boses.
Sa pamamagitan ng isang kamay ay nahawakan niya ito sa magkabilang panga at itinaas ang mukha para makaharap niyang mabuti.
“Huwag na huwag mong kakalimutan, Mickey. I’m your mother. And I command respect.”
Kumibut-kibot ang mga labi ni Mickey. Alam na alam nito sa tono niya kung kailan siya galit. May butil ng luhang kumislap sa mga mata nito.
“I’m sorry,” bulong nito, saka marahang tinabig ang kamay niya at iniwan siya.
Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.
WALANG kibong nakamasid lang si Mickey habang isinasakay ng katulong ang ilang gamit nila sa likod ng van. Silang mag-ina lang ang nasa labas. Tinawag ni Mama Sylvia sa loob ng bahay si Matthew upang kausapin ito nang sarilinan.
Naisakay nang lahat ang mga gamit nila. Hinihintay na lang nila si Matthew na lumabas. At hindi natagalan ay natanaw niya ito kasabay si Mama Sylvia.
“Shall we?” tanong nito.
Tumango siya at bumaling kay Mama Sylvia. “Mama—”
“Hey, I don’t want a sad parting.” Kaagad ay naputol nito ang anumang sasabihin niya. “Nandiyan lang naman kayo sa malapit. I hope I could visit you there.”
“Of course, Doña Sylvia—”
“Why don’t you make it ‘Mama’?” saway nito. “After all, Sienna is almost my daughter.”
“Mama,” ulit nito. “You’re always welcome to come anytime. You’ll meet my daughter. Matutuwa ka sa kanya.”
“Hayaan ninyo. I’ll just give you more time for yourselves. At saka ko kayo dadalawin.”
“Lola.” Tiningala ni Mickey ang abuela.
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa nakikitang anyo ng anak. Mukha itong nagpapaawa sa abuela ngunit parang hindi naman. Tila labag sa loob nitong sumama sa kanila ngunit wala namang pagtutol. Ayaw niyang isiping takot ang nagbubunsod kay Mickey kaya ito sasama.
“Ang pinag-usapan natin, Mickey. I hope you’ll always remember them.” Niyakap nito ang apo.
“I’ll call you everyday, Lola.”
“I love to hear that.” Naging maluwang ang ngiti nito. “Sige na,” banayad na taboy nito sa kanila. “Papunta naman ako sa unit ni Ariel. Nagpapatulong ang dalawa sa pag-aayos ng mga gamit.”
Sa van ay walang kibong nakaupo sa likod si Mickey. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at nakatutok sa dinaraanan. Tila noon lang nito nakita ang pamilyar na daan.
Siya man ay hindi na rin kumikibo. Mabilis lang ang biyahe at ilang sandali lang ay papasok na sila sa isang subdivision.
“Mahilig ka bang mag-swimming, Mickey?” Si Matthew ang bumasag sa katahimikan. Nilinga pa siya nito nang itanong iyon.
“Hindi po masyado,” magalang namang tugon ni Mickey.
“But you know how to swim?”
“Yes. Tinuruan ako ni Tito Ariel.”
“Once a week, China and I swim together. Mula ngayon, apat na tayo, kasama ang mommy mo.” Mula sa rearview mirror ay sinulyapan ito ni Matthew.
Ngunit ang paningin ni Mickey ay bumaling sa kanya, tila sa kanya naghahanap ng isasagot. Lumingon naman siya sa anak.
“I think it will be fun, Mickey. It will be a family day for all of us,” puno ng enthusiasm na wika niya.
Marahan lang itong tumango.
“Malapit na tayo,” ani Matthew na kay Mickey pinatutungkol ang sinabi. “China is very excited waiting for us. She wants to meet you. Nagpabili siya ng remote control car nang malamang doon ka mahilig. Gusto niyang maglaro kayo.”
“She’s a girl,” mahinang wika ni Mickey.
“Wala namang problema roon. Para na rin kayong magkapatid.”
Pareho silang nagulat sa isinagot ni Mickey. “Still, we’re not. Soon, we’ll have a common sibling.”
“Mickey,” mahinang saway niya.
“Sweetheart...” Inabot ni Matthew ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Tama naman si Mickey, hindi ba? Gusto rin ni China ng bagong kapatid. Magiging mas masaya ang bahay natin kung may darating na bagong baby. What do you like, Mickey? A baby brother?”
May kumislap na ligaya sa mga mata nito. At nakita niya iyon. She felt glad. At least ay hindi selfish ang anak pagdating sa ganoong bagay. There was a glint of excitement in his face when he nodded.
MULA sa gate ay tanaw nila si China. She was busy playing with the remote control car. At dahil hindi naman ito masyadong gamay sa larong iyon ay laging wala sa gusto nitong direksyon ang takbo ng kotse.
Napangiti si Matthew. Kung sa anak lang ay wala na itong problema. Bago pa man nito nasabi sa anak ang tungkol kay Mickey ay nauna na ito sa pagsabi na ang hilig ni Mickey ang gagamitin nitong paraan para mawala ang aloofness ng huli.
Dagli nitong binitawan ang remote nang makita silang paparating.
“She’s China,” ani Matthew kay Mickey nang halos ay humarang na sa driveway si China sa pagsalubong sa kanila.
Sinundan naman ni Mickey ang direksyon nito. Walang reaksyon sa mukha. Basta nakatingin lang ito kay China na ngiting-ngiti sa pagdating nila.
China was the true picture of finely bred young woman. Inosenteng-inosente itong tingnan ngunit kababakasan ng palatandaan na malapit na itong magdalaga. Makinis na makinis ito sa pananamit. At maging ang buhok ay maayos sa pagkaka-ponytail.
“Daddy!” Sa kasabikan ni China ay tila sampung taon nitong hindi nakita ang ama. Naglambitin pa ito sa leeg ni Matthew bago humalik sa pisngi.
Hindi na naghintay si Sienna na alalayan ni Matthew sa pagbaba. Kusa na siyang bumaba at ganoon din si Mickey. Nilapitan niya ang anak at inakbayan saka lumapit sa mag-ama.
Nilingon sila ni China at bumitiw sa ama. “Tita Sienna... or should I call you, ‘Mommy’?”
Dumilim ang mukha ni Mickey. It was the first time na bukod sa kanya ay may ibang bata na tatawag na “mommy” sa kanyang ina.
“It’s up to you, China.”
“Mommy, then,” anitong nilinga pa si Matthew. Approval ang nasa ekspresyon ng ama. “Welcome home.” Ibinuka ni China ang dalawang kamay at niyakap siya. Sandali lang iyon at bumitiw din. “You must be Mickey.” Matamis ang ngiting ibinigay nito kay Mickey. “Hello!”
Matipid ang ngiting iginanti ni Mickey, tila asiwa ito sa pagkikilalang iyon. “Hi! I wanted to be called ‘Miguel’.”
May pagkalitong luminga si China sa kanya. Nginitian niya ito. “That’s his real name. Miguel Angelo.” Marahan niyang tinapik ang balikat ni Mickey. “Come on, darling. Why don’t you want to be called Mickey?”
Nagkibit-balikat ito. “I just realized, Mommy, na pangalan iyon ng daga.”
Bumungisngis si China, hindi itinago ang kaaliwan. Nahawa na rin sila ni Matthew. Bagama‘t ang sa kanya ay pilit na itinago sa pagngiti. Mickey might treat that as an offense at dagdag na naman iyong problema.
Ngunit kahit si Mickey ay ngumiti rin. Kauna-unahang maluwang na ngiting nakita niya mula nang magmaktol ito.
“You know what?” ani China kay Mickey. “If you’re a mouse, then you are the most lovable mouse I’ve ever seen.”
Makahulugang nagkatinginan ang mag-asawa. Bawat isa ay may kani-kaniyang bersyon sa mga mata. Parehong sabik sa isasagot ni Mickey.
“If that is a compliment, then I accept.”
Pigil na pigil niya ang mapasinghap.
“China,” agaw ni Matthew, “ano ang inihandang merienda ni Nana Lubeng?”
Sumimangot si China. “Kailan naman ako nagtanong kay Nana ng tungkol doon, Daddy? Taga-kain lang ang papel ko sa iniluluto niya.” Pahilang hinawakan ni China ang isang kamay ni Mickey. “Let’s play. Doon na lang tayo magpadala ng merienda.”
Nauna na itong humakbang paalis at sumunod naman si Mickey. At bago tuluyang nakalayo sa kanila ay sumulyap pa sa kanya. She gave him a nod of approval.
Inisang-hakbang lang ni Matthew ang distansya nila. Kaagad ay nasaklit siya nito sa baywang.
“Magkasundo kaya sila?”
Magkasabay pa nilang naitanong iyon sa isa’t isa. At sa huli ay nagkatawanan na lang. Sa isang biglang pagpapalit ng segundo ay nawala ang pagtawa ni Matthew. The laughter was still in his eyes but there was something more to it.
Nang bumaba ang mukha nito sa kanya ay sinalubong niya. Their lips met. A delicious feeling of touching each other’s lips. At hindi niya alam na ganoon pala ang pakiramdam ng mahalikan sa gitna ng sikat ng araw.
Nako-conscious na ipinaling niya ang leeg sa direksyon ng dalawang bata. Ngunit ang atensyon ng mga ito ay nasa kotseng umaandar sa lawn.
“I miss you so much, Sienna.” Mainit ang mga labi nitong sadyang idinikit sa likod ng kanyang tainga. And she could feel the pleasurable shiver running down her spine.
“Matthew...”
Humigpit ang yapos nito sa kanyang baywang. “I need you.”
Parang may pakpak ang mga paa nilang nagma-madaling tinungo ang silid ni Matthew.
KUNG hindi lang inaalala ni Sienna ang dalawang bata ay magpapatangay pa siya sa panunukso ni Matthew. Ngunit bago pa siya tuluyang maakit ay mabilis na niyang dinampot ang mga damit na nagkalat sa ibaba ng kama.
“Baka naiinip na ang mga bata,” aniya habang nagbibihis.
Wala namang katinag-tinag ang asawa maliban sa naglalakbay na mga mata nitong waring pinagsasawa sa kanyang kabuuan.
“You think they will ask for us, sweetheart?” sabi ni Matthew. “Hindi nila gagawin iyon. They know that somehow.”
“Mga bata pa sila.”
“Yes, maybe. But when I was their age, wala pa sa vocabulary ko ang salitang ‘compliment’,” nanunudyong wika nito.
“Matthew—”
“I don’t mean anything. Ang concern ko lang ay magkasundo sila. What happened back there was a good sign. Mukhang hindi naman napakatigas ng anak mo.”
“Yeah. Likas namang mabait ang anak ko. At nito lang mga huling araw nagkaganyan.” Dumampot siya ng suklay at inayos ang buhok. Mula sa repleksyon sa salamin ay tanaw niya si Matthew. Hindi pa rin ito humihiwalay ng tingin sa kanya. “What do you want for dinner?”
Gumuhit ang maluwang na ngiti sa mga labi nito; bumangon at lumapit sa kanya. Ni hindi inabala ang sariling takpan ang kahubdan.
“Hindi ba ako nananaginip lang?” Mula sa likuran ay yumakap ito sa kanyang baywang. Ang isang kamay ay humawi sa sinusuklay niyang buhok. She felt his lips hot on her nape.
Panibagong kiliti na naman ang naantig nito sa kanya.
“Matthew,” masuyong pigil niya. Tila bakal ang bisig nitong nakapulupot sa kanya. “I want to prepare dinner for you.”
“You’re what I want for dinner,” tudyo nito.
She smiled tenderly. “I’m saving myself for your midnight snack.”
Natawa ito at hinayaan na siyang makalabas ng silid.
MADALING nakasundo ni Sienna ang kusinera. Ni hindi nito tinangkang makialam sa paraan niya sa pagluluto maliban sa tinulungan siyang maggayak ng mga rekado.
Masaya siya habang ginagawa iyon. Noon lang niya naranasang magluto para sa pamilya at kumpletong-kumpleto ang kanyang pakiramdam bilang maybahay.
Matatapos na siyang magluto nang bumaba si Matthew. Bagong paligo na ito at nakapambahay ng shorts na puti at ang T-shirt ay ganoon din ang kulay.
“Smells good,” bulong nito at humalik sa kanyang buhok.
“Alin?” biro niya. “Ang buhok ko?”
“Pareho,” anito. “Nasaan ang dalawa?”
“Naliligo si China. Si Mickey, nasa kuwarto niya.”
“I’m sorry, nakalimutan kong ipakita muna sa kanya ang kuwarto niya.”
“Si China na ang nagturo sa kanya. Nang lumabas ako ay magkatulong pa sila sa paglalagay ng mga damit niya sa loob ng closet.” Nagsimula na siyang maghanda ng mesa. Lumitaw naman si Nana Lubeng at tumulong ito.
“We usually dine at eight,” wika ni Matthew. “Kung masyadong late na iyon sa inyo ni Mickey, we can do it earlier.”
Tumango siya at itinuloy ang paghahain. Pati si Matthew ay nakitulong. Nang handa na ang lahat ay ito na ang nagkusang tumawag sa mga bata.
“You cook?” amused na tanong ni China nang malamang siya ang nagluto. “Wow! Mukhang masarap!”
“Talagang masarap magluto si Mommy,” saad ni Mickey. “Bihira lang niyang gawin kasi ayaw ni Lola na inaagawan niya ng trabaho ang kusinera.”
“Subukan nga natin,” ani Matthew at kumuha na ng pagkain.
Inasikaso niya ang dalawang bata. Nagpatay-malisya nang sumubo si Matthew.
“Mickey,” tawag nito matapos lulunin ang isinubo. “Hindi ka pala sinungaling. Masarap ngang magluto ang mommy.”
“Oo nga,” segunda naman ni China.
“Sabi ko na sa inyo, eh.” Ngumiti si Mickey. At sa reaksyong iyon ng anak ay gusto niyang isipin na ayos na ang lahat.
Tahimik silang nagsalu-salo sa hapunan.
“What’s for dessert, `My?” untag ni Mickey. Una na itong natapos.
“Fruit salad,” aniya at tumayo para kunin iyon sa ref. Inilagay niya iyon sa freezer para lumamig kaagad.
“My favorite,” ani China. Tinapos na rin nito ang pagkain at dessert ang pinagtuunan ng atensyon. “Creamy.” Napansin nitong tapos na rin silang kumain. “Dad, don’t you like dessert?”
Umiling si Matthew saka lumipat ang tingin sa kanya. “No. I’ll have my midnight snack later.”