Araw ng kanyang pagtatapos sa kursong abogasya, Nanghahaba ang leeg nya sa kakatingin sa kanyang likuran, kanina pa nya hinahanap ang taong gusto nyang makita sa espesyal na araw na iyon - Ang kanyang kasintahan, Si Rodrigo San Gabriel. Napangiti sya ng makita eto, kumaway sya dito ngunit ngiti ang ang tinugon nito na sapat na para sa kanya, alam nya ang kanilang sitwasyon. Saglit lang eto sa venue at nagpaalam na rin sa pamamagitan ng pagtango. Naiintidihan nya ang kasintahan, kasalukuyan etong may kinakasama, hindi nito maiwan dahil may sakit sa puso ang babae, meron din etong isang anak na babae na mas bata lang sa kanya ng limang taon.
"Uy Celine! kanina ka pa lingon ng lingon, ano bang meron sa likod at halos mabali na ang likod mo?" nagtatakang saway sa kanya ni Jill, isa eto sa matalik nyang kaibigan.
"Wala, may hinahanap lang ako, asan na ba sina Marian? Darating pa ba sila?" pag-iiba nya ng usapan.
"Hay naku, umaasa ka pa talaga na darating ang isang yun eh baka hindi na payagan ng asawa at kabuwanan na" sagot nito, mabuti pa ang kaibigan nya masaya sa piling ng asawang si Jegs. Sino ba ang mag-aakala na magkakatuluyan ang dalawang yun na dati ay parang asot-pusa. Nagkakilala lang ang dalawa sa isang bar na pag-aari ng lalaki, at dun nagsimula ang pag-iibigan nila.
"Eh si JM, don't tell me na hindi rin pupunta ang babaeng yun?" halos manlaki ang butas ng ilong nya, napakatagal na nyang hindi nakikita ang kaibigan. Pangako nila sa isat-isa na hindi mawawala sa mahahalagang okasyon sa buhay ng bawat isa.
"Ano ka ba naman, lalo na ang isang yun, alam mo naman na nagtatago ang isang yun! eh malabo pa sa sabaw ng pusit na pumunta yun dito dahil hina-hunting sya ni Richel!" muling sagot nito.
"Tsk!" tangi na lang nasabi nya.
"Teka nga lang bakit ka ba hanap ng hanap ng iba?, parang ayaw mo na nandito ako, nakaka hurt ka na ha!" kunwari ay nasasaktan eto na nakahawak sa dibdib.
"Baliw! syempre gusto ko kumpleto tayo! Halika na nga!" napapailing nyang aya sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.
Lihim nyang sinulyapan ang lugar kung saan nya nakita si Rodrigo ngunit wala na eto dun, mapait syang napangiti.
Flashback:
"Rod, sana naman iregalo mo sakin ang araw ng aking graduation" lambing ni Celine sa kasintahan habang nakasakay sila sa kotse ng lalaki, sinundo sya nito galing sa isang event.
Narining nya ang buntunghininga nito.
"You know I can't do that, maraming mga mata ang pwedeng makakita satin"
"Hindi naman nila malalaman ang relasyon natin, pwede ba magkikita lang tayo hindi tayo magsi s*x!" naiiritang wika ni Celine
"Come on! Let's talk about it pagdating natin sa condo mo" mahinahong wika ni Rodrigo.
"Nakakainis kase, lalo na siguro kung inaya kitang magsex, baka dasalan mo pa ako at sermonan, haist!" nakasimangot na sabi nya sa lalaki sa malakas ng boses.
"Let's talk later!"
"No, it's okay, I understand, pumunta ka na lang kung gusto mo"
Ilang araw nyang hindi kinibo ang lalaki, hanggang sa mag text nga eto na pupunta sa graduation nya, halos magtatalon sya sa tuwa.
End of Flashback
"Saan ba tayo pupunta? akala ko ba kakain tayo?" sunod-sunod na tanong nya sa kaibigan ng mapansin na parang papalabas na ng Manila ang sasakyan nila, papasok na sila sa South luzon Super Highway.
"Basta, sigurado hindi mo makakalimutan ang araw na eto!" wika ni Jill sabay kindat sa kanya. Isang accountant ang kanyang kaibigan, lahat silang apat na magkakaibigan ay matatalino at masasabi nya na masuwerte pagdating sa pag-ibig, hindi tulad nya na kailangan pang itago. Papunta sila sa Lipa, Batangas ayon sa sign ng kalsada na nakita nya, napatingin sya sa katabi na busy sa pagmamaneho. Hindi nagtagal pumasok sila ng pinakabayan, isang makipot na kalsada ang binabagtas nila ngayon.
"Sigurado ka ba na hindi tayo naliligaw? eh mukhang sa liblib na lugar pa ang punta natin, Uy Jill hindi ko pa napapabilango ang pinakamasamang damo sa Pilipinas baka ialay mo pa ako sa kulto mo!" hindi maiwasang komento nya sa kaibigan.
Napabunghalit naman eto ng tawa.
"Huwag ka mag-alala hindi ang tipo mo ang tatanggapin bilang alay!" sakay naman nito sa biro nya.
Padami ng padami at pakapal ang puno sa paligid, binuksan nya ang bintana at dangling dumapyo sa balat nya ang malaming na simoy ng hangin.
"May ganitong lugar pa pala sa Pilipinas?" sabi nya habang nakapikit ang mga mata.
"Ayan! Paano hindi ka lumalabas ng kwadra mo, amuyin mo nga ang sarili mo, amoy libro ka na!" biro ng kaibigan habang kunwari ay sumisinghot-singhot pa.
"Juliana magmaneho ka na nga lang baka saan tayo pulutin" kunwari ay sigaw nya dito, napasimangot naman eto ng marinig ang pangalan na tinawag nya dito, habang kikibot kibot ang nguso. may pagka tomboy kase etong kumilos at manamit, laki kase eto sa Lola. Lihim syang napatawa, alam na alam nya paano papatahimikin ang kaibigan.
Napaangat ang likod nya ng mapansin na pumasok sila sa napakalawak na lupain, maraming tanim na mangga sa kabilang panig at sa kabila ay ibat ibang punong namumunga, umagaw ng atensyon nya ang hitik na hitik na puno ng rambutan at lansones.
May mga baka na nanginginain sa ilalim na puno ng mangga. Sa di kalayuan nakita nyang nakatayo ang isang puting bahay na kumikinang ang bubong sa tama ng sinag ng araw. Hindi nagtagal huminto ang sasakyan nila sa harap nito, pinaghalong moderno at makaluma ang disenyo nito ngunit napakaganda nitong tingnan, homie ang ambience ng buong paligid.
Pumasok sila sa loob ng bahay, napakamaaliwalas ng sala, parang nakakarelaks tumira dito, umagaw ng pansin nya ang mga paintings na nakasabit sa bawat dingding, pamilyar sa kanya ang mga paintings, mabilis syang napatingin sa kaibigan na nagtatanong ang mga tama, kanina pa pala eto nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang reaction nya. Nagkibit eto ng balikat.
"Where are we?" pagdaka ay tanong nya dito.
Tahimik lang etong tumalikod sinundan nya eto at naabutan nyang binubukksan ang ref, kumuha ng malamig na tubig.
Mataman nyang ininspeksyon ang buong paligid.
"Abot pa pala ang kuryente sa lugar na eto?" tanong nya sa kaibigan.
"Solar generated ang buong bahay" sagot ni Jill.
Napatango na lang sya, "kaya pala kakaiba ang bubong nito, nakakasilaw" sambit nya sa sarili.
"Kanino ba ang bahay na eto?" di mapigilang tanong nya.
Hindi pa man nakakasagot ang kaibigan nakarinig sya ng ugong ng paparating nasasakyan. Mabilis na ibinaba ni Jill ang baso at tinungo nila ang pinto. Isang kulay asul na pick up ang dumating. Nilingon nya ang kaibigan na nasa mukha ang pagkasabik sa kung sino man ang dumating.
Napauwang ang kanyang bibig ng bumaba mula dito ang taong hindi nya inaasahan....
To be continued....