CHAPTER 1

1122 Words
{CELINE POV} "Justine?" tangi nyang nasambit sa sarili habang nakatingin sa kaibigan, ibang iba na ang awra nito, dahan dahan nyang inihakbang ang kanyang paa. Gusto nyang umiyak sa saya dahil sa muli nilang pagkikita, how many years nyang hindi eto nakausap at nakita - 4 years? ganun katagal! "JM!" tuwang tuwang tawag ni Jill. "Justine Mae!! tawag nya sa kaibigan, sa kanilang magkakaibigan sya lang ang tumatawag dito sa buong pangalan. HIndi na nya napigilan na hindi takbuhin ang kaibigan na dahan-dahanng lumalakad palapit sa kanila. Hindi nila maiwasang magkaiyakan habang magkayakap. Parang sinusulit ang mga taong hindi nila nakita ang isat-isa. "Where have you been?!" tanong nya dito habang nagpupunas ng luha, luhaan din eto ng magbitaw sila sa pagkakayakap. Nagkatawan pa sila. Napadako ang tingin nya sa likod nito, partikular sa batang babaeng akay ng tingin niya ay Yaya ng bata. "Si Raine" pakilala nito sa batang babaeng sa tantya nya ay 6 taong gulang "A-Anak ko" dagdag ng kaibigan. "H-How? Who-" hindi na nya natapos ang sasabihin ng makita nyang tumango eto, sino pa nga ba ang magiging ama ng anak nito kundi ang lalaking hinabol-habol nito noon, pero kabiguan din ang sinapit ng kaibigan, hindi nya alam kung ano ang nangyari dito noon, dahil busy sya sa pagtatago sa sarili nyang buhay pag-ibig- Bawal na pag-ibig. "Oppps pwede ba tama na ang drama, umiinit na ang araw baka mangitim ang baby tisay ko!" Basag ni Jill sa pag-uusap nila, at mabilis nitong kinuha si Raine mula sa Yaya, sumama naman kaagad ang bata na tila kilalang kilala na si Jill. Nalaman nya din na pag-aari ni Justine ang bahay, matagal etong namalagi sa Singapore, dun na rin eto nanganak at nagpakadalubhasa sa pagpipinta, si Jill ang kasama nya nung ipanganak nya si Raine, paminsan minsan dumadalaw eto sa kanila sa Singapore, eto rin ang nag asikaso sa pagpapagawa ng bahay nila dito sa Pilipinas. "Loka ka!! Kaya pala laging busy ka noon, akala namin wala kang pakialam kay Justine Mae" "Ayaw nya kaseng ipaalam sa inyo dahil ayaw nyang dagdagan ang mga alalahanin nyo, tsaka baka kayo ay madamay pa sa galit ni Richel, alam nyo naman ang lalaking yun, halos baliktarin ang buong mundo mahanap lang si JM" pahayag ni Jill Bibong bibo ang anak nitong si Raine, hindi nya maiwasang mainggit. Mahaba ang kanilang napagkwentuhan pero tumatahimik ang kaibigan twing mababangit or mapapapunta ang topic sa ama ng anak nito. Nagmatured eto, nawala na ang galawgaw na Justine Mae, Sopistikada at intelehente, malayong malayo sa dating Justine Mae- at natutuwa sya sa pagbabago ng kaibigan. GABI na ng makarating sya sa condo, inihatid lang sya ni Jill, bukas na nya babalikan sa parking lot ng venue ang kanyang sasakyan. Tiningnan nya ang kanyang cellphone at napakaraming text at missed calls, karamihan ay bumabati sa kanyang pagtatapos at kay Rodrigo- 20 missed calls? Nagtaka sya, dahil hindi eto tumatawag ng ganun kadami lalo na kapag nasa bahay na ng kinakasama nito, unless emergency. Nagmessage sya sa lalaki, ilang saglit lang at tumunog ang cellphone. "Where have you been?" tanong nito pagkasagot pa lang nya. "Where are you?" balik tanong nya dito. "I'm here in Cebu; I've called you several times to ask you to come with me, but it seems you're too busy" sagot ng lalaki "Well, may pinuntahan kami ni Jill kanina, And Yes busy ako kanina dahil sa mga importanteng tao na kasama ko, at least I feel so special" sarkastiko nyang sagot sa kasintahan, "Celine!" "Celine, What huh?" galit nyang sigaw dito, hindi nya rin maintindihan ang sarili nya kung bakit sya nagagalit sa lalaki, mula ng makita nya ang anak ni Justine tila ba nagkaron ng inggit sa puso nya. "Lets talk, pag-uwi ko" "Bye Rod, pagod ako" sabay baba nya ng telepono. Hindi nya maiwasang manghinayang sa mga taong tila nasayang, mahal nya ang lalaki, at ramdam nya na mahal naman sya nito pero parang kulang. Mabilis syang nagbihis, isang daring na damit na kita ang kanyang maputing likod, tumawag na lang sya ng taxi at nagpahatid sa isang exclusive bar. Pumwesto sya sa bar counter na madalas upuan ng mga kaibigan nya, umurder sya agad ng alak at mabilis na nilagok. Hindi nya pinansin ang dalawang lalaking tila nagbubulungan sa kanyang gilid. "Easy," mabilis syang napatingin sa gilid nya "problem?" tanong nito. Napatingin sya sa mata nito na tila naghihipnotismo, bumaba sa mapupula nitong labi. "Hey, are you okay?" napaiktad sya, naputol ang pagi-imagine nya dahil sa pitik ng mga daliri nito sa mukha nya. Nakakabatubalani ang taglay na Aura ng lalaki. "I'm just tired" mabilis nyang sagot para pagtakpan ang pagkapahiya. Sabay muling simsin sa alak. Narinig nya ang mahinang pagtawa nito, bakit pati ang tunog ng tawa nito ay sexy sa pandinig nya. "Alone?" tanong ng lalaki, sinikap nyang wag maapektuhan sa presensya nito. Tumango sya dito bilang tugon. Naramdaman nyang umupo eto sa harapan nya, sa sobrang haba ng biyas nito nasakop na nito ang space nya kaya tila nakakulong sya sa mga hita nito. Ramdam nya ang mainit nitong balat na naghahatid ng kakaibang kiliti. Tumikhim sya para alisin ang bara sa lalamunan. "Excuse me" tinangka nyang tumayo kaya muntik na syang matumba, inalalayan sya ng lalaki na hinawakan ang maliit nyang bewang upang hind tuluyang matumba, naramdaman nya ang mahinang pagpisil nito doon. Mabilis syang napalingos upang tingnan ang mukha nya. napapikit sya ng tumama sa mukha nya, ang mainit at mabango nitong hininga. "Careful" paos nitong sabi, tila nagising ang diwa nya at mabilis syang umayos n ng tayo. Naglakad sya papunta sa powder room na hindi lumilingon pero ramdam nya ang mainit nitong titig sa kanyang likod. (LUKE POV) Pagpasok pa lang ng babae sa exclusive bar kung saan sya andun ay naagaw na agad ang pansin nya, kahit ang mga lalaking nandun ay nakatutok ang paningin sa babaeng naglalakad papunta sa bar counter, tila naghahatid ng kiliti ang bawat mag imbay ng balakang nito. Seryoso at matapang ang Aura ng babae- Celine Madrin Lucas, mukhang mapapaaga ang pagsisimula ng kanyang misyon. Isang lalaki ang napansin nyang nagtangkang lapitan eto ngunit maaga nya eto napigilan bago pa man makalapit sa dalaga. "Excuse me, that's my girlfriend" sabay tapik nya sa balikat ng lalaki, nagtaas naman eto ng kamay na tila sumusuko. "Oh I'm sorry, my bad! Next time don't left your girlfriend alone, baka madagit ng iba" wika nito sabay talikod. Nilingon nyang muli ang babae na tila muling umo-order ng alak. Kaakit-akit ang hitsura nito sa suot na itim na bestida na hapit sa katawan at may malalim na uka sa likod kaya kitang kita ang makinis nitong kutis, at sa mahahaba nitong legs na tila kay sarap haplusin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD