STEPHANIE Hawak ko ang ice bag na nakalagay sa paa ko. Kailangan muna kasing i-cold compress ang paa ko ng labinlimang minuto hanggang dalawampung minuto para mabawasan ang pamamaga nito. Habang ang tainga ko ay abala naman sa pakikinig sa dalawa na akala mo ay sila lang ang tao sa kwarto kung mag-usap. Hindi nila mahahalata na nakikinig ako dahil nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko. Tinitingnan ko ang mga larawan na kinuha ni Allen. In fairness namam sa lalaking ito, lahat ay maganda ang kuha niya. Nakakapanghinayang lang na hindi ko ito maibalandra sa social media. Tiyak na kukwestyunin ako nina Cianne at Wella dahil hindi ko sinabi sa kanila na pupunta ako sa ganitong lugar. Magtatampo sila sa akin, lalo na kapag nalaman nilang isla pala itong pinuntahan ko. Ang inaalala ko, ano

