STEPHANIE Nang inalis ni Allen ang takip sa mata ko, hindi ko na nakita ang dalawa. Pero kahit wala na sila sa paningin ko, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko. Pambihira, hindi na nakatiis at sa public place pa ginawa. Sana naisip nila na may ibang tao pa ang pumupunta dito dahil pasyalan ito. Kung saan na lang sila maabutan ng init ng katawan, kahit pampublikong lugar ay gagawin nila. “Ang ganda talaga dito,” sabi ko para mawala ang pagkailang ko dahil sa nakita ko. Sa isipin na kasama ko si Allen at pareho namin nakita ang dalawang gumagawa ng milagro, bigla na lang akong nailang. “Meron pang mas maganda dito,” sabi niya, kaya napatingin agad ako sa kanya. Nakatutok ang atensyon niya sa talon. “Saan?” tanong ko. Tumingin siya sa akin. “We’re not allowed to go there.”

