Chapter 36 Cares

1518 Words

STEPHANIE “Salamat sa paalala, pero matagal ko nang kaibigan si Cianne. Mas kilala ko siya kaysa sa unang impresyon mo sa kanya. Pwede mo akong husgahan hanggat gusto mo, pero ‘wag mo na sanang idamay ang kaibigan ko. Dahil wala siyang ginagawang masama sa ‘yo,” pagtatanggol ko sa kaibigan ko. Kaibigan ko pa rin si Cianne at malalim na ang pinagsamahan namin, kaya hindi ko kayang marinig na may sinasabing hindi maganda sa kanya ang iba. Nakakaloko siyang tumawa. “You’re still defending her even though one of your friends said something about her?” napapailing niyang sabi, na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Hindi mo ako masisisi, Allen. Kaibigan ko si Cianne at hindi mawawala sa akin na ipagtanggol siya kapag may sinasabing hindi maganda tungkol sa kanya,” katwiran ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD