ALLEN Kakatapos ko lang magpapawis nang sumilip ako sa group chat ng aming grupo para lang sana magbasa. Pero nang mabasa ang mensahe ni Ark, kahit hindi ko gawain mag-backread, lalo na’t marami na silang pinag-usapan, binasa ko lahat ng palitan nila ng mensahe. Pupunta ako sa shop ni Lola Theressa mamaya. Susunduin ko siya. May gusto bang sumama sa inyo? Tanong ni Ark. Sama ako. Me too. Ito ang mga sagot ng dalawa naming kaibigan na sina Kiyoshi at Lekaio. As usual, si Travis, hindi siya pwedeng sumama dahil mas gusto niyang gugulin ang oras niya kina Heide at Hellvis. Binasa ko pa ang iba. How about you, Allen? The message came from Kiyoshi. Huwag mo nang asahan na sasama si Allen. Sa Isola Della Morte nga, pahirapan pa kaming isama siya. Isla niya 'yon, pero parang ayaw niyan

