STEPHANIE “Mauna ka nang lumabas.” “Sabay na tayo.” Pumihit ako paharap at lumapit sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Paglapit ko, hinawakan ko ang damit niya at hinila siya papunta sa pinto. Akala ko, mahihirapan akong palabasin siya, pero hinayaan lang niya ako hanggang sa marating ang pintuan. Binuksan ko ang pinto at agad na pumuwesto sa likod niya at sapilitan siyang tinulak palabas. “Mauna kang lumabas kung gusto mong sumabay ako sa ‘yo,” sabi ko habang tinutulak siya. Huminto lang ako ng masiguro kong nakalabas na siya. Nakataas ang isang kilay niya nang humarap siya sa akin. “Do you think what you said will affect me?” Tinaasan ko rin siya ng kilay. “At sa tingin mo, masisindak mo ako sa awtoridad ng boses mo, Mr. Caivano? Kung lahat napapasunod mo, pwes, ibahin mo

