STEPHANIE Tahimik akong nakaupo sa bandang sulok ng shop habang nakatingin sa labas. Medyo hindi maganda ang panahon dahil kanina pa umuulan. Malakas din ang kulog at kumikidlat pa. Nakakatakot lumabas. Wala na rin masyadong tao ang pumapasok simula ng bumuhos ang malakas na ulan. “May dala ka bang payong, SJ?” Napatingin ako kay Ma’am Theresa nang umupo siya sa katapat kong upuan. “Wala po, e. Maganda po kasi ang panahon kanina, kaya hindi ako nagdala. Hindi ko naman po inaasahan na uulan po pala,” magalang na sagot ko. “Dapat lagi kang handa.” Bumaba ang mata ko sa tasa na nilagay niya sa harap ko. “Mag-kape ka muna.” “Thank you po.” “Susunduin ako ni Ark. Sumabay ka na lang sa amin. Idadaan ka namin sa apartment mo.” Ngumiti ako. “Sige po.” Para hindi na rin ako mahirapan

