STEPHANIE Hindi ko kayang sumakay ng jeep o bus dahil tiyak na pagtitinginan lang ako ng mga pasahero. Sa daan pa nga lang, sa akin na nakatuon ang atensyon ng mga nakakasalubong ko. Wala pa rin kasi akong tigil sa pag-iyak. Kaya pinili kong sumakay na lang sa taxi. Pagpasok ko sa loob ng taxi, nagpaalam pa ako sa taxi driver kung pwedeng umiyak. Kahit nagtataka, tumango na lang si manong. After he nodded, I let my emotions out. Habang umiiyak, sinabi ko sa driver kung saan niya ako ibababa. Mabuti nga at naintindihan niya ako dahil nakarating naman ako sa kanto kung saan ako bumababa. Umuwi akong masakit ang katawan. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Oo, hindi na ako virgin, pero pakiramdam ko, nadungisan pa rin ang buong pagkatao ko dahil sa ginawa ni Allen. He f*****g humiliat

