ALLEN Nang lumabas siya sa penthouse ko, parang gusto ko siyang habulin. Pero nanatili lang akong nakatayo sa pintuan at nakatitig sa hawakan ng pinto. Nang makabawi, pumihit ako paharap at napatitig na lang ako sa maliit na piraso ng papel na nakakalat sa sahig. Frustrated akong napahilamos sa mukha. “f**k, what did I do?” sambit ko at pabagsak na umupo sa sofa. Tinukod ko ang mga siko sa tuhod ko at sinapo ang aking mukha. “Tangina, I f*****g humiliated her!” I groaned, disappointed with myself. Ngayon, parang nagsisisi ako sa ginawa ko. Pinairal ko ang emosyon ko kaya hindi na ako nakapag-isip kung tama ba o mali ang ginawa ko. Hindi ko lang siguro matanggap na sa iba-ibang lalaki siya sumasama. Pero mas lalong hindi ko matanggap na hindi ako ang lalaking nakauna sa kanya. And whoev

