Ika-siyam na Kabanata CRUSH Sa silid-aralan nila Krisler, naging abala ang mga estudyante habang hinihintay ang kanilang guro para sa susunod na asignatura. Ang ilan sa kanila ay hinahabol ang oras para matapos ang kanilang mga takdang aralin, ang iba naman ay may kanya-kanyang grupo at may sariling pinag-uusapan at ang grupo naman nila Krisler ay nasa likod na bahagi ng kanilang silid aralan, masayang nagkakantahan at kuwentuhan. Si Krisler ang naggigitara sa kanila habang ang iba naman ay sinasabayan ang pagtugtog niya ng pagkanta nila. Masaya ang grupo nila sa tuwing may bakanteng oras sila o habang naghihintay sila sa kanilang guro at nagagawa nilang magsaya ng ganito. Nang matapos ang isang kanta nila, inilapag na muna ni Krisler ang gitara niya at umayos ng pagkakaupo. “The bes

