Kabanata XIII TINGINAN Kinagabihan, sabay-sabay naghahapunan ang pamilya nila Roselle sa hapag kainan. Dala nito ang tatlong putahe na inuwi niya mula sa mga natira sa karinderya nila Krisler. Maganang kumakain ang tatlo dahil masarap ang hapunan nila ngayon, bagay na sobrang ipinagpapasalamat ng ina ni Roselle.Kung hindi dahil kay Krisler, isa sa pinoproblema nila ngayon ay kung ano ang kakainin nila ngayong hapunan. “May lakad ka ba ngayong Sabado, Selle?” tanong ng kapatid nito. Lumagok muna siya ng malamig na juice at itinuon ang atensyon sa kapatid nito. “Wala naman, Kuya. Bakit mo natanong?” “Baka gusto mong sumama sa akin sa Sabado, sa Taguig. May raket ako. Kailangan pa nila ng usher at usherette.” “Kung papayag ba si Mama na sumama ako, bakit hindi.” Saad ni Roselle. Nil

