Kabanata XII BUGSO NG DAMDAMIN Isang tipikal na araw at nasa kanyang silid aralan ngayon si Krisler. Naghahanda ang buong klase nila sa pagdating ng kanilang guro sa asignaturang Agham. Hinanda na rin ng bawat isa ang mga proyektong isusumite nila. Lahat sila, pinaghandaan at siniguradong magiging maayos ang kani-kanilang mga proyekto dahil nakasalalay dito ang ilang porsyente ng kanilang magiging grado sa ikalawang markahan. “Anong body system sa ‘yo? Patingin nga ng gawa mo, Krisler.” Saad ng katabi nito. Inabot ni Krisler ang proyekto nito sa kanyang kaklase. “Circulatory system. Simple lang ‘yan.” Sinuri ng kanyang katabi ang proyektong isusumite niya at nagpapatango-tango habang ginagawa ‘yon. “Ito na ba ‘yong simple sa ‘yo? Mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to, eh.” “Simple la

