Ikatlong Kabanata
JUST THE WAY YOU ARE
KINAGABIHAN, matapos kumain ay nagtungo kaagad si Krisler sa computer shop upang gumawa ng kanyang takdang aralin. Dala-dala ang isang kwaderno niya, naghintay siya sa loob ng shop ng mababakanteng posisyon. Pinanuod niya muna ang ilang mga naglalaro sa nasabing computer shop habang naghihintay. Tinignan niya kung ano ang mga nilalaro nito at nagawa rin nitong i-kumpara ang mga `yon sa mga nilalaro niya. Mula sa tauhang gamit ng mga ito at sa mga abilidad at kapangyarihang mayroon ito, sa mga kagamitan at sa mga sandatang ginagamit. Lahat ng `yon, ikinu-kumpara niya sa mga nilalaro niya. Nagbibigay rin siya ng sarili niyang opinyon sa mga kapwa niya manlalaro at hayagan namang sina-sang ayunan o tinututulan ito ng mga kinakausap niya.
Ilang minuto pa ang lumipas, isang grupo ng mga kasing edad niya ang natapos na sa pag-gamit ng computer kaya nabakante ang ilan sa mga ito. Kaagad naman niyang binigay ang kanyang bayad at naupo kung saan siya pina-upo ng nagbabantay. Hinintay niyang magsimulang tumakbo ang oras niya bago tuluyang gamitin ito.
NATAPOS na niyang gawin ang lahat ng kanyang takdang aralin at ilang minuto nalang rin ang natitira at matatapos na ang kanyang oras. Sinuri niya ng maigi ang ginawa niya at sinigurong walang kulang. At nang masigurong wala siyang kulang, binuksan na niya ulit ang kanyang f*******: account at tinignan kung ano ba ang magagawa niya roon.
Nagbasa siya ng ilan sa komento ng mga kakilala niya, sinilip ang mga larawan ng mga ito nakipag-usap na rin sa mga kamag-aral niya. Nagawa na rin niyang makapaglaro ng ilan sa mga nilalaro niya pero tinamad rin siya kalaunan. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin. Kasalukuyan siyang nanunuod ngayon ng isang music video at paulit-ulit na niya itong pinapanuod. Nagawa na rin niyang makabisado ang lyrics ng nasabing kanta dahil sa paulit-ulit nitong panunuod. Wala na nga siyang magawa sa mga natitirang oras niya, wala pa siyang maisip na mapanuod.
Biglang nakarinig si Krisler ng tunog mula sa f*******: account nito. Tinignan niya ito at nakitang may bagong mensahe pala mula sa isa niyang kaklase na nagtatanong kung ano nga ba ang takdang aralin nila. Sinagot niya ito at balak ng bumalik muli sa panunuod ng hindi pa nagtatagal ay bigla na namang tumunog ang account niya.
"Alam mo ba `yong f*******: no'ng ST natin sa Bio?" tanong ng kamag-aral niya.
Napa-awang ang kanyang bibig at binasa muli ang mensahe galing sa kanyang kaklase. Nang dahil sa katanungang iyon, nakakuha siya ng ideya sa gagawin niya sa natitirang oras nito.
Roselle Pontillas
Hinintay niyang lumabas ang mga resulta. Ang daming kaparehas na pangalan ni Roselle pero madali namang nahanap ni Krisler kung alin ang kanya dahil sa litrato nito sa account niya. Kaagad niya itong pinindot at doon niya nakita ng mas malaki ang imahe ni Roselle.
Sa larawan, makikitang napaka-saya ng dalaga. Batid sa mukha nito ang sobrang kasiyahan. Ang aliwalas tignan ng mukha ng dalaga. Naka-ngiti at naka-postura. Mas lalong lumilitaw ang kagandahan nito. Tinitigan pa ito ni Krisler at nagawa pa niyang basahin ang mga komento sa nasabing larawan. Halos puri papuri ang nababasa niya. Hindi na niya ikinagulat na ganoon ang mga mababasa niya dahil walang duda, maganda talaga si Roselle.
Tinignan pa ni Krisler ang ilang larawan ni Roselle at napapa-tango ito. Muli niyang naaalala ang pag-uusap nilang dalawa kanina habang break time nila. Ang pakikipag-biruan niya rito, ang pakikipag-tawanan at ang pagpapalitan ng mga ito ng kanilang mga nalalaman. Bihirang pagkakataon ito kung ituring ni Krisler dahil hindi niya lubos maisip na mabibigyan siya ng pagkakataon na maka-usap ang dalaga. Ang buong akala niya, ayos na `yong nalaman niya lang ang pangalan nito pero ang maging kamag-aral niya ito, pagkakataon na para sa kanya ito.
Nabigla na lamang si Krisler ng ay isang binata na sa tansya niya ay mas matanda sa kanya ng ilang taon ang umupo sa tabi niya at tinitignan rin ang mga larawan ni Roselle. Akmang tatanggalin na ni Kris iyon at babalik na sa account niya ng pigilan siya ng binata sa hindi nitong malaman na dahilan. "Ang ganda niya, `no?" tanong nito sa kanya.
"O-oo." na-a-alangang tugon ni Krisler.
"Add as friend mo na. Baka makalimutan mo." saad nito. Sinunod naman ni Krisler ang sinabi ng binata at pinindot niya ang 'Add as friend'. Napangiti lang ang binata at tinapik nito ang balikat ni Krisler. "Kilala mo siya?" tanong muli nito.
"Kaibigan ko po. Hindi ko alam. Pero sabi niya kanina, kaibigan na daw kami. Schoolmate ko kasi siya saka student teacher namin sa Biology. Ikaw. Kilala mo siya?" tanong nito sa binata.
Tumayo ang binata mula sa pagkaka-upo nito at tinapik muli ang balikat ni Krisler. "Kilalang-kilala. Hayaan mo, sasabihin ko kaagad sa kanya na i-accept kaagad `yang friend request mo. Mauuna na ako." saad nito at naglakad na palabas ng computer shop.
Nagtaka naman si Krisler sa sinabi nito. Hindi nito alam kung ano ang koneksyon niya sa dalaga. Pero kung ano man `yon, hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot na nahuli siyang sinisilip ang mga larawan ni Roselle.
Natapos na ang oras ni Krisler at nagsimula na siyang maglakad pauwi sa bahay nila. Iniisip pa rin niya kung sino ang lalaking naka-usap niya kanina at sinabing kilalang-kilala nito si Roselle. Kung sasabihin ba nito na nahuli siya nitong tinitignan ang mga larawan niya o hindi. Muling bumalik sa isipan niya ang imahe ni Roselle sa mga larawang nakita niya. Maganda siya sa mga larawang iyon pero alam niyang mas maganda ito sa malapitan.
SUMUNOD na araw, naglalakad na pabalik sa silid nila si Kris galing sa isa nilang guro ng tawagin siya mula sa likuran ni Roselle. Nakita nito ang mga dala nitong manila paper na gagamitin nito sa pagtuturo sa kanila kaya kinuha niya ang ilan dito at sinabayan na ito sa paglalakad.
"In-add mo pala ako sa f*******:. Na-accept ko na pala siya kanina bago ako pumasok. Ewan ko ba kasi kay Kuya. Sabi niya kasi in-add daw ako ng kaibigan niya pero pagtingin ko sa friend request, ikaw lang pala. Kilala mo si Kuya?" nagtatakang tanong ni Roselle.
Nanlaki naman ang mga mata ni Krisler ng marinig niya `yon. Nasapo niya ang kanyang noo at nagpatuloy lang sa paglalakad kasabay si Roselle. "Hindi. Hindi ko siya kilala. Baka naman hindi ka pa in-add ng kaibigan ng Kuya mo. Salamat pala sa pag-accept ng friend request ko."
"Baka nga." matipid na tugon nito.
Hindi na sila nagsalita hanggang sa makarating sa silid nila Krisler. Nagawa pa nga itong tuksuhin ng mga kaklase niya dahil sa pagsama at pagtulong lang nito kay Roselle. Hindi naan nagpa-apekto ang dalawa ang nagpatuloy lang sa ga dapaat nilang gawin.
Hindi mapakali si Krisler. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang naiisip niyang posibleng kapatid ni Roselle ang naka-usap niya kagabi sa computer shop. Kung totoo man ang naisip niyang `yon, mas lalo siyang kinakabahan at nahihiya. No'ng una ay sa pagpasok ni Krisler sa gate ng tinitirhan nila Roselle at sa pagkakahuli nito sa kanya na nakatitig, na mabuti naman at hindi nito maalala. At ngayon, ang pagkakahuli ng kanyang kapatid na sinisilip ang mga larawan ni Roselle sa f*******:. Sobrang kahihiyan. Hindi niya ngayon alam kung paano niya haharapin kung sakali ang magkapatid kung sakaling magawang maalala ni Roselle na si Krisler ang lalaking pumasok sa gate nila ng walang pahintulot at kung sakaling magtagpo muli ang landas nila ng Kuya ng dalaga.
Ibinaling na lamang ni Krisler ang buong atensyon nito sa pakikinig sa klase ni Roselle. Nagsusulat siya habang patuloy lang sa pagtalakay si Roselle sa leksyon nila sa araw na iyon. Hindi naman nawawala ang partisipasyon ni Krisler sa talakayan nila sa kabila ng pagiging abala nito sa pagsusulat at sa pagiging magulo ng kanyang isipan ukol sa magkapatid.
Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang klase nila kay Roselle. Nagpaalam na ang mga ito sa kanya at lumabas na siya ng silid. Bumalik na rin ang mga estudyante sa upuan nila para sa susunod na asignatura. Nabalitaan nilang wala ang kanilang guro sa asignaturang iyon kaya naisipan ni Krisler na umidlip nalang muna. Wala rin naman siyang gagawin sa mga oras na `yon at ayaw niyang makipag-laro sa kamag-aral niya.
UWIAN ng araw ring `yon, pinatawag si Krisler ng kanyang guro para sa isang importanteng gagawin nito. Inatasan nito si Krisler na magtanghal sa mismong araw ng selebrasyon ng World Teacher's Day, sa Biyernes. Nakilala si Krisler sa kanilang klase dahil sa angkin nitong galing sa pagkanta. Nang dahil doon, pinagkatiwalaan siya ng kanyang guro. Nag-aalangan pa nang una si Krisler kung tatanggapin niya ang alok ng kanyang guro dahil hindi niya alam kung kakayanin niya bang kumanta sa harapan ng maraming tao pero kalaunan, napapayag rin siya ng kanyang guro kapalit ng karagdagang puntos na idadagdag sa grado niya. Kailangan niya talagang paghandaan ang araw na iyon.
Habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay, nagsisimula nang mag-isip si Krisler ng kantang kakantahin niya sa nasabing selebrasyon. Gusto niya maging makahulugan ang gagawin niyang pagkanta at sa kabilang banda, gusto niya ring maging masaya ang gagawin niyang pagkanta. Ito ang unang pagkakataong kakanta siya sa entablado ng kanilang paaralan at alam niya sa sarili niyang malaki ang magiging ekspektasyon ng mga kamag-aral niya. Naguguluhan tuloy siya at mas lalong hindi siya nakapag-isip ng kakantahin.
Napadaan si Krisler sa isang parke sa barangay nila at naisipang doon na muna magpalipas ng oras. Inilapag niya ang bag at gitarang dala niya sa damuhan at naupo sa ilalim ng puno ng mangga. Isinandal niya ang kanyang ulo sa puno at pumikit para makapag-isip.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, bigla siyang nakaramdam ng may tumabi sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at laking gulat niya ng makita niyang si Roselle pala iyon.
"May nakita kasi akong nakatutulog dito tapos no'ng lumapit ako, ikaw lang pala. Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Roselle.
Umupo naman ng maayos si Krisler at hinarap ng bahagya si Roselle. "Nag-iisip kasi ako ng kakantahin ko para bukas sa program. May suggestions ka ba?"
Napatango naman si Roselle. "Wala akong maisip na kanta. Ganito nalang, sample-an mo ako ng kahit anong kanta tapos doon ko ibabatay kung ano isa-suggest ko sa `yo. Maganda naman for sure ang boses mo kaya nga nakuha kang magperform, eh. Dali na, Krisler!" nasasabik na saad ni Roselle.
Napakamot nalang ng kanyang ulo si Krisler at kinuha ang gitara nito. Hindi niya magawang tanggihan ang hinihiling sa kanya ni Roselle. Nag-isip ito ng ilang sandali ng kakantahin niya at ng makapag-isip na ay sinimulan niyang patugtugin ang kanyang gitara.
"Oh, her eyes, her eyes,make the stars like they're not shining. Her hair, her hair falls perfectly without her trying. She's so beautiful and I can tell her everyday."
Nagpatuloy lang sa pagpapatugtog si Krisler ng kantang Just the Way You Are ni Bruno Mars. Biglang napapikit si Roselle at biglang isinandal ang ulo niya sa balikat ni Krisler na siyang ikinagulat ng binata. Pero nagpatuloy pa rin ito sa pagpapatugtog at hindi nalang nagpahalata. Napangiti nalang siya habang kinakanta ang awitin naisip niyang babagay kay Roselle.
Nagpatuloy lang sa pagkanta si Krisler. Biglang umihip ng malakas ang hangin. Napasulyap bigla si Krisler kay Roselle at sa unang pagkakataon ay nakita nito ng malapitan ang mukha ng dalaga. Mas napansin nito ang kagandahang taglay nito. Kapansin-pansin din ang mga ngiting nakaguhit sa labi nito. Hindi alam ni Krisler kung dulot ba `yon ng pagkanta niya o nag-iilusyon lang siya. Pero ganoon pa man, hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkanta. Sapat na para sa kanya ang kaunting panahon na nasilayan niya ang magandang mukha ng dalaga nang malapitan.
"`Cause you're amazing. Just the way you are."
Matapos ang kanta, idinilat na ni Roselle ang kanyang mga mata at hinarap si Krisler na tila'y naghihintay ng kanyang opinyon. "Ang ganda ng boses mo."
"`Yon lang?" saad ni Krisler na tila dismayado at naghihintay pa ng ibang maririnig mula sa dalaga.
"Oo. Kapag sinabi kong maganda, maganda talaga ang boses mo. Alam mo ba, mahilig ako makinig ng mga kanta kaya lagi kong dala `tong headset ko. Mas prefer kong makinig sa radyo kasi doon, napaka-unpredictable ng mga pinapatugtog unlike sa mga music players sa mga cellphones, alam na alam mo na ang mga pagkakasunod. Sa radyo kasi, hindi mo alam kung ano ang papatugtugin. Hindi mo alam kung bago o luma ba, masayang kanta ba, kung malungkot, kung tagos sa puso, parang napaglalaruan nila ang emotions ng mga tao, in a good way. Nakakadala ng emosyon. Mararamdaman mo mismo sa paraan kung paano niya kinanta ang isang awitin. Plus factor kasi yon. Parang ang exciting ng feeling. Ang weird ko siguro pero ganoon talaga ang pakiramdam ko. Seryoso ako sasinabi ko na maganda boses mo, Krisler. Sobra! Alam mo `yon? Hindi ko nga namalayan na napahilig na ako sa balikat mo kasi `yong pagkakanta mo, nakakadala. Parang may pinag-aalayan ka talaga. Basta `yong ganoong feeling." litanya ni Roselle.
Napatango naman si Krisler at napangiti. "Nagustuhan mo ba?"
"Oo nga! Alam mo ba, in-imagine ko na ako `yong kinakantahan mo no'n?"
"Eh, ikaw naman talaga kinantahan ko no'n," napataas naman ng bahagya ang isang kilay ni Roselle ng banggitin ni Krisler `yon. Napalunok ng laway niya si Krisler at inilapag muna pansamantala ang gitara sa damuhan. "Ikaw naman talaga kinantahan ko no'n. dalawa lang naman tayo dito. Sino pa bang kakantahan kong iba malibansa `yo?" pagpapalusot ng binata.
Napatango na lamang ang dalaga. "Kung sa bagay. Tayong dalawa lang naman dito. Na-appreciate ko `yon. Thank you, Krisler."
Napangiti ng husto si Krisler sa sinabi ni Roselle. Nanatili ang dalawa sa kinaroroonan nila at nag-usap sa kung ano-anong mga bagay. Humingi na rin ng tulong si Krisler sa dalaga para sa kanta na pupwedeng kantahin nito bukas para sa selebrasyon. Ang daming naging suhestyon ni Roselle at lahat ng `yon ay pilit tinandaan ni Krisler. Nagpasalamat ito sa dalaga.
"Teka, selfie nga tayo, Krisler." biglang paanyaya ni Roselle. Nagulat si Krisler sa nabanggit ng dalaga at hindi kaagad nakatanggi sa dalaga at ngumiti. Tinignan naman ni Roselle ang larawan sa cellphone nito at nilingon kaagad si Krisler. "Bakit parang pilit naman ata ngiti mo dito? Ulitin natin."
"Bigla ka kasing nagyayaya magselfie tapos wala pang bilang-bilang."
"Ayaw mo ba?"
"Hindi! Hindi sa ganoon. Ang sa `kin lang. magbilang ka muna para makapaghanda naman ako. Nakakahiya naman kasi sa `yo kung pangit ako diyan sa kuha mo." natatawang saad ni Krisler at napakamot sa batok nito.
Pinalo ng mahina ni Roselle ang braso ni Krisler at natawa rin ng bahagya. "Ano ka ba? Cute ka naman, eh. Kaya for sure, hindi pangit `yang magiging shot. Game na!"
Napangiti naman ng sobra si Krisler sa papuri sa kanya ng dalaga at pakiramdam nito ay nag-iinit ang kanyang pisngi. Pilit man niyang itago ay hindi niya magawa. Hinanda nalang niya ang sarili niya sa hudyat ni Roselle at no'ng dumating ang puntong `yon, ngumiti si Krisler. Tinignan nilang dalawa ang larawan at hindi maitanggi ni Krisler sa sarili niya na ang tamis ng mga ngiti niya roon buhat pa rin ng mga nasabi sa kanya ni Roselle at hindi niya maitanggi iyon.
Inulit pa nila ng ilang beses ang pagkuha ng litrato dahil masyadong nawili ang dalaga roon. Kahit medyo nahihiya at naiilang na si Krisler, hindi niya magawang tanggihan ang dalaga at sinakyan nalang ang mga gusto nitong mangyari. Sa ganoong paraan, nakikita niya kahit papaano na nagiging masaya si Roselle kapag kasama siya.
Napangiti naman ang dalaga matapos makita ang lahat ng kuha nila. "Upload ko nalang bukas pagka-uwi ko tapos ita-tag nalang kita. Hindi ka pa ba uuwi? Kailanan ko na kasing umuwi. Baka hinahanap na ko ni Mama." saad ni Roselle at inayos nito ang mga gamit niyang nakalabas.
Iniligpit na rin ni Krisler ang gitarang hiniram niya at naunang tumayo bitbit ang bag nito at `yong gitara. "Sabay na tayo pauwi. Iisa lang naman `yong dadaanan natin." inilahad ni Krisler ang kanyang kamay kay Roselle at malugod naman itong tinanggap ng dalaga at nagpahila kay Krisler patayo.
Pinagpag ni Roselle ang palda niya at nagsimula na silang maglakad pauwi sa kanilang mga bahay. Mauunang madadaanan ang bahay nila Roselle kaya nagpresinta na si Krisler na ihatid ito. Ayaw siyang payagan ni Roselle na gawin ito pero nagpumilit siya kaya wala na ring nagawa ang dalaga kundi hayaan ang binata sa gusto nitong mangyari.
"Krisler," tawag ni Roselle sa binata. Nilingon naman siya nito habang patuloy lang sa paglalakad. "Hindi ka ba nawiwirduhan? Natatawa kasi ako kapag naiisip ko kung paano tayo unang nagkakilala. Ang epic kasi! Parang no'ng ilang araw lang, nabagsakan ko pa ng lata `yong ulo mo tapos ito ngayon, magkaibigan na. Teka, magkaibigan na ba tayo?" napahinto sa paglalakad si Roselle.
Biglang napahinto rin si Krisler sa paglalakad at natatawang nilingon si Roselle. "Oo naman! Mukha bang hindi?"
"Kaya nga ako nagtatanong, eh. Baka kasi nagtanim ka ng sama ng loob sa `kin dahil nabagsakan kita ng lata noon tapos kaya mo ko kinakausap ngayon kasi gagantihan mo ako." mataray na saad ni Roselle at tinaasan ng kilay si Krisler.
Natawa ng bahagya ang binata at lumapit sa kinaroroonan ng dalaga at inakbayan ito. "Alam mo, nakakatawa ka. Sa tingin mo ba, ganoong klaseng tao ako? Makikipagkaibigan ako sa `yo tapos gagantihan lang kita?"
Tinignan ni Roselle ang kamay ni Krisler na nakaakbay sa balikat niya. Kaagad namang inalis ni Krisler ang kamay niya roon at humingi ng pasensya sa dalaga. "Kaya nga ako nagtatanong, eh. Malay ko naman, `di ba? Pero ayon nga, nakakatawa lang kasi isipin na matapos `yong nangyari, naging magkaibigan tayo. Tapos schoolmate pa pala kita. Ikaw palang `yong kaibigan ko sa barangay natin maliban do'n sa mga kaibigan ko sa compound namin. Hindi kasi ako pala-labas ng bahay. Hindi ko inaasahan `yon."
"Tadhana ang tawag doon."pabirong saad ni Krisler.
"Huling hirit mo na ngayon `yan, huh? Malapit na `yong bahay namin, mauuna na ako. Salamat pala sa pagsama sa `kin. Mag-iingat ka pauwi." paalam ni Roselle sa binata at mahinang pinalo ang braso nito.
Tinakbo na ni Roselle ang daan patungo sa kanilang bahay habang kumakaway. Napakamot nalang si Krisler sa batok niya at naglakad na rin pauwi sa kanila. Hindi mapawi sa mukha niya ang ngiting naidulot ng pagsasama nila ni Roselle sa sandaling panahon.
Hindi niya rin inaasahan na sa loob lamang ng ilang araw, makakasundo niya ang dalagang hindi niya inaasahang makakausap niya o masusulyapan muli. Tadhana. Natawa siyang maisip niya ang bagay na `yon. Posibleng sinuwerte rin siya. Kung ano man `yon, lubos siyang nagpapasalamat sa pagkakataong iyon.