IV.

1266 Words
IKA-APAT NA KABANATA - LARAWAN KINAGABIHAN, naging abala si Krisler sa pag-eensayo sa kantang napili niyang kantahin para sa programang gaganapin sa paaralan nila kinabukasan. Sinasabayan niya sa pagkanta `yong pinapanuod niyang video ng biglang may tumunog mula sa f*******: tab ng laptop na ginagamit niya. Kaagad niyang tinignan `yon at napangiti nalang bigla ng malamang may isang mensahe mula kay Roselle siyang natanggap. Kaagad niyang pinindot iyon at binasa ang nilalaman. "Good luck pala sa `yo bukas at goodnight =) Gusto ko sanang makipag-usap pero kailangan ko ng matulog dahil kailangan kong pumasok ng maaga bukas para sa assembly ng journalism club. See you tomorrow!" Napangiti ng husto si Krisler sa nabasang mensahe mula kay Roselle. Sinubukan niya ulit sumabay sa pagkanta sa kaninang pinapanuod niya pero hindi na niya magawa ng maayos dahil tila nawala ang konsentrasyon niya. Pinakalma niya muuna ang sarili niya sa kahibangang nararamdaman niya upang magpatuloy sa pag-e-ensayo. Kailangan niyang seryosohin ito para maging maganda ang kalalabasan ng pagtatanghal niya. Bigla namang tumabi sa kanya ang kanyang ina at pinanuod siya habang kumakanta. Nang matapos ang isang kanta, hinarap na muna niya ang kanyang ina at itinabi pansamantala ang gitara. "Nakapili ka na pala ng kakantahin mo. Kumusta ang pag-e-ensayo mo?" tanong ng kanyang ina. "Maayos naman, `Ma. Magiging maayos `to bukas." nakangiting tugon naman ni Krisler. Tila nahawa ang kanyang ina at napangiti rin ng husto. "Iba ang ngiti mo ngayon, `nak, huh? Ano'ng mayroon?" tinignan ng kanyang ina ang laptop at nabasa nito ang mensahe mula kay Roselle. "Roselle Pontillas. Kaya naman pala ganyan ang ngiti ng anak ko. Crush mo?" "Mama naman!" Natawa ng bahagya ang kanyang ina at tinapik ang ulo nito. "Bakit? Normal lang naman sa inyong mga teenagers `yan at hindi naman kita pinagbabawalan diyan. Pero huwag mong kakalimutan ang mag-aral ng mabuti. Okay lang magkaroon ng crush pero hanggang doon muna sa ngayon. gawin mong inspirasyon at motivation mo. Huwag magmamadali. Enjoy-in niyo muna ang pagiging bata niyo. Nagkakaintindihan ba tayo, Krisler?" "Opo, `Ma. Siyempre, tutuparin ko `yong pangako ko kay Papa bago siya mawala. Mag-aaral ako ng mabuti at kapag nakapagtapos ako, tutulungan na kita. Magtatrabaho ako tapos ako na ang magpapa-aral sa mga kapatid ko." nakangiting tugon muli ni Krisler at yumakap sa baywang ng kanyang ina at isinandal ang kanyang ulo sa braso nito. "Maraming salamat, anak. Pero kahit ganyan, huwag na huwag mong kakalimutan ang sarili mo. Hindi kita ino-obligang gawin `yon dahil responsibilidad ko `yon bilang magulang mo. Gawin mo pa rin kung ano ang magpapasaya sa `yo. Lumalaki ka na at alam mo na kung ano ang tama at mali, kung ano ang dapat at hindi," kumalas sa pagkakayakap ang kanyang ina at tumayo na mula sa kinauupuan nito. "Sige na. Tapusin mo na `yan at matulog ka na para makapagpahinga ka pa. Aayusin ko lang `yong gagamitin ko sa pagluluto at matutulog na rin ako." Nagpaalam na ang kanyang ina at nagtungo na sa kusina upang ayusin ang mga gamit nito. Ipinagpatuloy naman ni Krisler ang pag-e-ensayo. PAGKAUWI ni Roselle sa kanilang bahay, kaagad nitong binati ang kanyang ina at nagmano rin dito at humalik sa pisngi nito. "Sorry, `Ma, may dinaanan po kasi ako kaya ngayon lang ako nakauwi." "Magbihis ka na at pagkatapos, bumaba ka na para kumain. Nasa ibabaw ng ref ang ulam. Aalis na ko para sunduin `yong kapatid mo." Nagpaalam na ang kanyang ina habang siya ay nagtungo na sa kuwarto niya. Inilapag niya ang kanyang bag sa isang sulok at kaagad nagtungo sa bintana sa kanyang kuwarto. Kaagad nitong kinuha ang headphones na nakapatong sa mesa niya at isinalpak ito sa telepono niya. Kaagad nitong pinindot ang isang file at pinakinggan ito. Recorded na boses iyon ni Krisler kanina habang kinakantahan siya. Palihim niyang nire-record ang boses ng binata habang abala ito sa pagkanta. Bigla nalang niyang naisipang i-record ito at hindi nga siya nga siya nagsisi na ginawa niya `yon. Ngayon, pinapakinggan niya ang magandang boses nito habang umaawit. Napapikit siya at napatingala sa kalangitan. Bigla niyang naalala `yong unang pagkakataong nakita niya si Krisler. Parehas na parehas ang mga nangyari. Nakikinig din siya ng magandang musika ng mga panahong `yon ng bigla siyang makarinig ng laruang tumutunog. Napalingon siya sa baba at doon nga niya nakita ang binata na tila wala sa sarili. Nagsalubong ang paningin nila at mas lalong nataranta ang binata. Inilapag nalang nito ang laruang hindi niya mapahinto sa pag-iingay at tumakbo palabas. Wala nang naabutan si Roselle ng lumabas siya ng kanilang bahay. Naalala rin ni Roselle na sa araw din na `yon una niyang nalaman ang pangalan ng binata. Nang utusan siya ng kanyang ina na magtungo sa isang convenience store, doon niya muling nakita ang binata. Mabilis ang mga pangyayari at may kung anong naramdaman si Roselle sa pagkikita nilang ‘yon. Gusto niyang mapangiti ng husto nang mga panahong iyon pero hindi nalang niya ginawa dahil baka mawirduhan ang binata sa kanya. Natapos na ang kanta at batid kay Roselle ang kasiyahan matapos no’n. Hilig ni Roselle ang pakikinig ng musika at musika sa pandinig niya ang tinig ni Krisler. Hindi mapatid ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagpalit na siya ng kanyang damit at nagtungo na kaagad sa kusina para kumain. Dala-dala niya ang telepono nito at patuloy pa rin sa pagpapatugtog.Magana siyang kumakain habang patuloy sa pakikinig din ng mga tugtuging nasang telepono niya. Parte na nang pang-araw-araw na pamumuhay niya ang pakikinig ng musika. Kasama na ito sa sistema ng katawan niya. Ito ang isang bagay na sobrang nakakapagpasaya sa kanya. Matapos kumain, bumalik na siya sa kanyang kuwarto at hinanda ang mga gagamitin niya bukas para sa program sa kanilang paaralan. Ang ilan sa mga battery niya, memory card, extra lens at ang tripod niya. Kinuha niya rin ang kanyang telepono at tinignan kung may mga mahahalagang mensahe ba sa kanya.Nang masuri niya ang laman ng mga mensahe sa kanya, sunod niyang pinuntahan ang gallery ng kanyang telepono. Inisa-isa niya ang mga larawan na napagkatuwaan niya lang kuhaan ng litrato. Maging siya, namamangha sa mga kuha niya. Huli niyang tinignan ang mga litrato na kuha niya kanina habang magkasama sila ni Krisler. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ilan sa mga kuha niya. Nakakatawa ang ilan doon. Ang ilan naman ay pansin ang pagiging ilang ni Krisler sa pagkuha ng litrato kasama si Roselle. Pero kahit ganoon, nagawa pa rin niyang paunlakan ang kahilingan ni Roselle. “Na-accept mo na ba friend request niya?” Napatayo bigla si Roselle mula sa kinauupuan niya. Nilingon niya kung sino ang nagsalita. Ang nakatatandang kapatid niya pala ito. “Kailan ka pa diyan, Kuya?” tanong ni Roselle. Tinawanan naman siya ng kanyang kapatid. Batid pa rin sa kanyang mukha ang pagkagulat. “Kanina pa ako rito. Bakit? Naliliitan ka ba sa akin at hindi mo ako napapansin?” “Hindi kita nakita, Kuya. Eh, ‘di sana, hindi na ako nagulat.” “Hindi mo talaga ako makikita. Paano? Tutok ka diyan sa mga picture niyo.Crush mo?” Pinalo ng mahina ni Roselle sa braso ang kanyang kapatid. “Hindi ‘no! Kaibigan ko ‘to. Taga-rito lang din siya sa atin.” “Hindi raw. Pero kung makatitig at makangiti ka sa picture niyo, wagas! Kabataan nga naman.” Ginulo ng Kuya niya ang kanyang buhok at lumabas na nang kuwarto nila. Hahabulin pa sana nang hampas ni Roselle ang kapatid pero hindi na niya nagawa. Napailing nalang siya at itinuon ulit ang atensyon sa pag-aayos ng gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD