Kabanata 2
Cooperate
Pumunta akong waiting shed at may mga estudyanteng katulad ko na naghihintay din ng jeepney. Napatingin ako sa aking relo. Hindi na ako aasa. Late na ako nito!
May jeepney na huminto sa aking harapan. Nagmamadali akong lumapit dito dahil baka maunahan pa ako.
Umayos din ako sa pag-upo nang makasakay ako. Dahil masikip at puno siya, nagbabangga ang tuhod ko at tuhod ng estudyanteng nasa harapan ko.
Uminit ang pisnge ko sa hiya.
Gusto ko tuloy matunaw.
Napatingin ako sa kanyang mukha at nakapikit lang siya na parang hindi niya napansin ang pagbangga ng tuhod ko sa kanya at parang hindi din siya nahihirapan sa kanyang posisyon. Naningkit ang mata ko sa aking naalala. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong lalaki kagabi na lumabas sa bahay ni Mrs. Marites.
Siya nga!
Bahagya akong umusog para hindi makalapat ang tuhod ko sa kanya pero kahit ano ang gawin ko, nagbabangga talaga ang mga tuhod namin. Kinagat ko ang labi ko dahil sa hiya at nilingon ang iba.
Nakapikit ang ilang pasehero at may ibang nagbabasa ng nobela. May flat screen din sa may harapan ng jeepney at naka-play dito ang concert ni Taylor Swift na high-volume pa! Halos lahat kami ay mga estudyante sa iba't ibang unibersidad ng syudad.
Itinoon ko na lang ang pansin ko sa palabas at napansin ko tuloy ang maliit na mukha ni Taylor at tangos ng kanyang ilong.
Napahawak ako sa tuhod ng lalaki ng biglang mag break ang jeepney. Agad ko ding binawi ang aking kamay at ikinuyom iyon. s**t. Gusto kong magmura at lumipad na lang o mawala. Hindi ko tuloy siya kayang tingnan o ano.
Ramdam kong napantingin siya sa akin. Gusto kong magsorry pero hindi ako makapagsalita. Oh my damn...
Nang makarating kami sa tapat ng unibersidad ay nagmamadali akong bumaba para makaiwas sa titig niya.
Pero ganoon na lang din ang pagkamalas ko nang makita ang i.d ng ilang estudyanteng kasama ko sa paglalakad. Napakamot ako sa aking ulo. May nakalimutan ako sa aking kwarto. Nandoon din sa mesa ang aking COR.
"Unang araw at nakalimutan mo agad ang i.d mo o C.O.R? " taas-tonong sermon ng school guard namin sa aking harapan.
"May iba pa bang pwedeng gawin bukod sa umuwi ako sa malayong bahay namin para kunin ang naiwan kong I.D o wala na? Sabihin niyo na lang po at nang makaalis na ako dito ngayon." Kalmado kong tanong kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan na. Napayuko ako at tiningnan ang soot kong pulang sapatos.
"Oh sige, first offense iha ha? Mag sign in ka na lang dito." Napabuntong hininga na lang ako. Sinunod ko ang sinabi niya at nagsign-in ako sa log book. Umalis ako sa harapan niyang dala-dala ang isang note na pinayagan akong pumasok sa paaralan kahit na walang I.D.
Tuloy tuloy ang naging lakad ko at wala na akong pakialam sa mga kapwa ko mag-aaral na nakatingin sa akin.
Hinihingal akong nakarating sa building namin.
"Today is your first day of being a senior... " naabutan ko ang chairman naming nagsasalita sa harapan ng mga classmates kong may malalaking ngiti. Tumayo ako sa malapit sa entrance door at hinintay na mapansin niya ako para makapasok ako.
"You're late!" Ani ng Chairman namin nang mapansin niya ako sa gilid. "Get inside. Don't be late again. Maawa ka naman sa record mo." tinanguan ko siya ulit.
Pumasok ako at dumiretso sa likorang parte ng classroom. May iilang bumati sa akin at may isang binigyan ako ng papel.
Tinanguan ko lang ang mga bumati sa akin at saka umupo.
"Hi Maria." Napatingin ako kay Monique na siyang bumati sa akin. "Hello." Tipid kong sagot at nginitian siya.
Tiningnan ko ang papel at nakitang subject description ito. Nakita ko ding next semester na ang aming internship at pre-board exam. Isang taon na lang.
"I'll just get my folder and I'll be back in 5 minutes. Please behave." Bilin ni miss A bago siya lumabas ng classroom.
Inilibot ko ang paningin ko at nakitang kung sino ang mga kaklase ko last year, ay sila pa din ang kaklase ko ngayon. Walang bago at walang nawala. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila at binasa ulit ang subject description.
May 36 units pa kaming natira. 6 units ang internship. I need to pass them and graduate this school year. Ayokong madagdagan ang taon ko dito sa unibersidad.
May biglang lalaki ang pumasok sa room at napatingin kaming lahat dito. Para siyang nawala at nagkamali ng classroom na pinasukatan.
Unti-unti akong nakarinig ng mahinang tili sa aking kanan dahilan para mapalingon ako sa kanila. Nakita ko ang bading kong kaklase na si Charm na kinilkilig na nakatingin sa lalaking pumasok.
Binalik ko ulit ang tingin sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko sa aking napuna.
"Mr. Sol! I thought you are lost or somewhere. Your chairman called me by the way about your special subject entry." Ani miss A na siyang nakabalik na pala. "Introduce yourself first at nang makasimula na tayo."
Classmate namin ito? Siya?
"Good morning everyone. I am Lucas Sol from engineering department." Aniya sa gitna. Tumaas ang kilay ko. Bakit bigla siyang napadpad dito?
"Thanks, Lucas. Now make yourself comfortable and find your place. Class, he is under special classes and he is taking this subject for his requirement for something important." Special classes. I've never heard of that.
Nanatili ang tingin ko sa lalaki at nakitang papunta siya sa aking gawi. Tumaas pa ang kilay ko nang umupo ito sa aking tabi.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang pagkailang. Kay liit ba ng mundo at pinagtagpo pa ulit kami?
Shit naman.
"Basahin niyo ang subject description class. Please be guided accordingly." Narinig kong sabi ni miss A. Binasa ko na lang.
Research IV, the final research will be by pairs. (Two (2) members per group.)
Theme Topic: Human Behaviour
Deadline:
Chapter 1 and 2; one month after the class has started.
Chapter 3; 2 weeks after the chapters 1 and 2 was submitted.
And the remaining chapters shall be submitted one month before the final exam.
By pairs. Oh dear! Tiningnan ko agad si Charm, pero sad to say may partner na siya.
"Write your name and the name of your partner in a ¼ sheet of paper. Now."
Napakamot ako sa aking ulo. Kainis!
Eto ang ayaw ko sa groupings e. Palagi akong lugi. Inilibot ko ang paningin at naghanap ng kaklase na wala pang partner.
"Miss?" napalingon ako kay Lucas na nakakamot din sa ulo. Madaling memoryahin ang pangalan niya dahil commom at hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang aking pisnge.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mata. Tinaasan ko na lang siya ng kilay para pang-iwas sa pagkailang. That's good Maria. Good start! Hindi mo pwedeng ipakita sa kanya na naiilang ka at baka kung ano pa ang isipin nito.
May inilahad siya sa aking papel na may pangalan niya.
"Anong gagawin ko diyan?" painosenteng tanong ko kahit may hula na ako.
"We'll be group mates. Your name?" seryososng sabi niya. Sabi ko nga.
"Kuya, Maria po. Maria Montedelarama pangalan niyan." Napamura na lang ako sa isipan sa pagsingit ni Monique sa amin.
"I see. Hi Monique." Aniya kay Monique at nakita kong siya na mismo ang nagsulat sa aking pangalan sa ¼.
"By the way Maria, pinsan ko ito si Kuya Lucas."
"We'll be partners in this. I hope you cooperate." Ani Lucas at saka pinasa ang papel kay Monique.
"Cooperate." Bulong ko sa aking sarili. That's easy.