Kabanata 3
Sakit
Dahil graduating na kaming lahat, mas magiging mahirap pa ang ilan sa aming mga subjects. And this is the real challenge now. We need to have a good grade kahit mahirap.
Inihanda ko na ang sarili ko para sa sinasabi nilang 'sleepless nights'. Sana nga lang, hindi kami magkasakit dahil kung mangyari iyan, lintek ang aabutin ko.
"Get your laboratory gown." Seryosong sabi sa amin ng aming professor. Nagmamadali kaming lahat na pumunta sa aming locker at nagsoot ng laboratory gown. Walang nagsasalita ni isa amin.
Insaktong paglingon ko ay may batong tumama sa aking noo. Napahawak ako agad dito sa sakit na hindi ko mailarawan. Para akong nahulugan ng durian fruit na sinamahan ng kutsilyo at bato sa kalingitan. Ang Sakit!
"s**t! Sorry miss." Hindi ko pinansin ang lalaking lumapit sa akin at mas dinama ko pa ang sakit. "Sorry talaga miss. Sorry."
Nanlaki ang mata ko nang makaramdam ako ng basa aking noo. Dahan-dahan kong tiningnan ang aking kamay at nakita ko agad ang nagkakalat na dugo sa aking palad.
"s**t. First Aid! Miss, sorry talaga."
Uminit ang gilid ng aking mata. Naramdaman kong hinawakan ng lalaki ang aking balikat at may kung anong inilagay siya sa aking noo. Nanatili ang mata ko sa kamay kong may dugo. I can't move.
**
Iginalaw ko ang aking kamay. Nagising ako at naamoy ko ang cup noodles. Agad akong napabangon na nanlalaki ang mata.
Where the hell am I?
"How are you feeling, miss?" may doctor na lumapit sa akin at may kinuha siya sa aking ulo. Saka lang bumalik ang perwiso ko nang makitang may dugo sa telang kinuha niya sa aking noo. Oh! I was hit by something really hard earlier. Naalala ko ang maraming dugo sa aking kamay kanina. Napatingin agad ako sa aking palad pero malinis na ito ngayon.
"Natamaan ka ng bola sa sepak takraw kaya ka nahimatay. At dahil malas ka, sa noo mo pa tumama. It hit you hard." nabigla ako sa medyo straight-forward niyang sabi. Kaya pala ganoon ang impak sa aking noo at dumugo agad.
"How long was I asleep, doc?" tanong ko sabay tingin sa malaking bintana sa aking gilid. Nasa university clinic pala ako. Nakikita ko ang mga schoolmates kong dumaan papuntang education building.
"Almost an hour." Aniya. An hour! Napatingin ako sa aking uniform at maay dugong nakakalat din dito. How am I going to go home with this? Mag-aalala si nanay kapag makita niya akong ganito.
At paano ako nakarating dito?
"Hindi ba masakit ang ulo mo?" Umiling ako sa tanong niya. Hindi masakit ang ulo ko. Itong tama sa aking noo ang medyo mahapdi pa din. Gusto ko sanang magtanong kung sino ang naghatid sa akin pero baka hindi niya ako sagutin.
"Just rest. Take this note and give this to your professors. You'll be excuse for this day."
"Salamat po." Sabi ko na lang.
"No worries."
Lumabas akong clinic at natigilan din nang makita ko ang grupo ng mga lalaking sabay-sabay na tumayo sa aking harapan.
"Miss, kamusta ka?" tanong ng medyo singkit sa kanila. Tinaasan ko siya ng kilay. I'm not sure why he is talking to me.
"Sorry. Ako ang kasalanan kung bakit ka nahimatay. Sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya, miss. Pagsipa ko sa bola, napalakas at hindi ko na nakontrol ang direksyon." Napatunganga lang ako sa mata niyang nagmamakaawa. I don't know how to answer him back. Umiwas ako ng tingin at nakitang nakayuko ang ilang kasama niya.
They're sorry.
"Kung sana lang hayaan mo akong makabawi sa iyo. I can take you to your home. Dala ko naman ang sasakyan k—"
"I can drive her home, dude. Hindi mo na kailangang ihatid siya sa kanila." Napatingin ako sa pagsingit ni Lucas sa aming gitna. Hinawakan niya bigla ang aking kamay at ginabayan ako palabas.
Napatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay habang nakasunod sa kanya sa paglalakad. Hindi ko maintidihan kung bakit ako kinaladkad ni Lucas at nakahawak pa siya sa aking kamay gayong hindi namin kilala ang isa't isat ng lubuson.
Huminto kami sa Kiosk at umupo siya sa isang high stool chair sa gilid. "How are you?" aniya saka bitiw sa akin. Naitago ko agad ang aking kamay sa aking likod. I can still feel his hands there and God knows I don't know why.
"Salamat." Natigilan siya sa aking sinabi.
"You're welcome. Masakit pa ba?" tumango ako sa tanong niya.
"Medyo."
"I see. Shall I take you home?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. "I'm sorry. Did I say something bad?" umiling ako. Ramdam ko ang ibang kalabog ng aking puso.
"W-wala." Hindi ko maintindihan kung bakit dinala niya ako dito at iniwas doon sa mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung bakit ganito siya sa akin. Kilala ko siya bilang bago kong classmate at hindi ko alam bakit siya ganito makaasta sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Do you have spare clothes in your locker?" pagkasabi niya ng locker ay saka ko naalala na may klase pala ako.
"Wait. I need to see my professor."
"Samahan na kita." Hindi ko na siya pinansin pa. May ilang estudyante ang nakatingin sa aking damit. Nahihiya na ako. Mukhang may extra shirt ako sa locker. I need to change!
"Mag exam ka na lang next week, Maria. Just be careful next time." Sabi ng Prof sa akin. "Umuwi ka na." Tinanguan ko siya at nagpaalam.
Paglabas ko ng opisina ay mukha na namanni Lucas ang nakita ko. "Why are you here?" tanong ko na nakataas ang isang kilay.
"I'll take you home. Do you have extra shirt?" Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya. Why would he do that?
Imbes na sagutin ay tinalikoran ko na lang siya at pumuntang locker room. Pilit kong inaalis ang mukha niya sa aking isipan at itong mga tanong na hindi ko maintindihan.
Laking pasalamat ko nang makakita ng extra shirt sa aking locker. Next time, magdadala na ako ng maraming extra para sa mga aksidenteng tulad nito.
Pumasok akong CR at nagbihis. Paglabas ko ay nakaabang na naman siya sa labas. Kinuha ko ang dala kong bag sa locker at hinarap siya.
"I'll take you home."
"Bakit?"
"Just please let me. Pauwi na din ako. Isa pa, malapit lang ang bahay niyo sa bahay namin."
Biglang sumakit ang aking sugat sa noo. Napahawak ako dito.
"See? You're not fine. Baka mahimatay ka sa daan. I'll take you home."
Hindi na lang ako nanlaban pa. He has a point.
"Hindi ako masamang tao, Maria. I am concerned. Ako ang nagdala sa iyo kanina sa clinic. Puno ka ng dugo. Umalis lang ako saglit para kunin ang gamit ko. Pagbalik ko madami nang nakaabang sa iyo. Kilala mo ba sila?" tanong niya nang makapasok kami sa loob ng kanyang sasakyan.
So siya pala ang nagdala sa akin. And he says he is not a bad guy. Magkapit bahay kami maybe that's why he is concerned. I'd like to think that way.
"Thank you." Sabi ko na lang at tiningnan ang school guard naming nag salute sa kanya paglabas ng unibersidad.