TITIG NA TITIG si Khrysstyna sa result ng ultrasound ng kanyang baby. Normal naman ang lahat. Nasa thirty-two weeks na ang baby boy niya. Kaya ilang linggo na lang ang hihintayin niya bago ito lumabas. Umaasa siyang mailalabas niya ito through normal delivery. Mahirap daw kasing magpagaling ang isang ina kapag dumaan sa caesarian method. Muntik nang mawala ang bata sa sinapupunan niya. Mabuti na lang at nadala siya agad ng security guard ng JS Compound kung saan naroon ang apartment na tinitirhan niya sa Cebu. Kung umabot pa ng kalahati o isang oras bago siya nadala sa hospital baka hindi na nailigtas ang bata. Isang buwan pa lang kasi ito noon sa tiyan niya kaya wala siyang ideya na buntis na pala siya. Nag-alala ng husto ang mga magulang ni Edrian sa nangyari sa kanya. Mismong si Edma

