Five years later KANINA pa nakatitig si Khrysstyna sa kanyang cellphone. Pero sa totoo lang wala doon ang isip niya. Naglalakbay sa nakaraan ang utak niya. Naalala na naman niya ang pinakamalungkot na araw ng buhay niya. Nang makita niya noon ang larawan ni Edrian na napalibutan ng mga bulaklak at may katabing malaking vase ay halos kapusin siya ng hininga. Sa sobrang sama ng loob niya ay dinugo na rin siya noon. Umabot pa naman siya sa hospital at naisilang pa ang baby niya. Ngunit tatlong araw lang ang lumipas ay namatay din ito. Ipinanganak niya kasi itong may diprensiya sa puso. Bukod pa sa thirty-two weeks lang ito noong lumabas kaya mababa ang chance na makasurvive ito. Kasabay nang pagdalamhati nilang lahat sa pagkamatay ni Edrian at ng anak nila ay ang pagdalamhati rin ng buong

