“TEKA LANG, ha? Linawin mo nga ulit kung anong nangyari dito sa dokumento,” pangungulit ni Khrysstyna. “Nag-file kami ni Atty. Aragon ng correction of entry kasi mali ang spelling ng pangalan ko diyan. Edrian Mark Nevada De Castro ang nakalagay diyan na dapat sana ay Edrian Mark Nevada De Castro I,” paliwanag ni Edrian. “So, ibig sabihin ay pangalan mo na ngayon ang nandito sa dokumento?” paniniguro ni Khrysstyna. “Oo, Yna. Huwag mo na lang pansinin iyang pirma na nandiyan. Hindi kasi kayang gayahin ni Edmark ang pirma ko,” imporma niya. Tumango-tango si Khrysstyna. Pagkatapos ay ipinasok niya sa envelope ang dokumento. Napa-buntunghininga si Edrian. Itinaas nito ang envelope. “Actually, ito ang dahilan kung bakit natagalan bago ako makapunta dito sa Cebu. Inayos namin ito ni Archie s

