Chapter 5

2478 Words
Chapter 5-First "Lien, I already told you. Na-process na ang mga accounts na 'yon. Yes, last week pa." I immediately closed the door of my unit while holding my phone on my right ear. "Oo! I've talked with Mr. Del Valle last week, right?" Hindi ko mapigilang mainis dahil hindi kami nagkakaintindihan ngayon. Maraming trabaho ang kinaharap ko pagbalik ko ng Manila mula sa Bataan. Halos hindi ko na namalayan ang mga araw na lumilipas. Naging abala na ako sa trabaho at sarili kong buhay. "Kaya nga, hindi niyo na pwedeng pakialaman 'yong accounts na 'yon. It was already settled. Tinapos ko na yung dapat. I'll be having a one week leave, starting tomorrow." Ilang saglit pa kaming nag-usap bago ko ibaba ang tawag. Kaagad akong nagpalit ng pambahay na damit dahil init na init na rin ako sa corporate attire ko. Kinuha ko agad ang maleta na noong isang araw ko pa inayos. "s**t! I almost forgot that tomorrow is Klea's wedding!" Nasapo ko ang noo nang makita ang wedding invitation na hindi ko man lang nabuksan. Hinagilap ko ang maleta. Ang akala ko eh next week pa ang wedding ng bestfriend ko. Mabuti na lang at nag-file na ako ng leave kung hindi malaking problema sana. Ako pa naman ang maid of honor! Of course, aattend ako doon kaya lang eh alam kong isang araw lang naman ang kailangan at hindi na ako sasama  para sa whole week celebration. Natawa ako nang mahina nang mag-vibrate ang aking phone at dumating ang mensahe ni Klea. From Bestie: Hi there, Ash! Tomorrow is a big day. Alam ko hindi ka available for the rehearsal kanina but it's okay. Just be on time bukas! Napakamot na lang ako sa noo. Mabuti nalang at nakapag-prepare na ako ng mga damit na dadalhin ko sana sa out-of-town trip ko sa Cebu. Balak kong mag-unwind sa mga sikat na beaches doon. I deserve a break after a few months of working almost 24/7. Hindi ko na namalayan ang panahon! Muntik ko pang makalimutan na July 1st ang wedding day ng best friend ko. Maaga akong gumising para maaga akong makapagmaneho patungo sa Batangas. Madaling araw ako nagsimulang bumiyahe upang siguraduhin na kaagad akong makakarating sa resort. Beach wedding ang gusto ng best friend ko at ng soon-to-be husband niya. Dream niya talaga 'yon noon pa man. Magaganap ito during the sunrise na siguradong sobrang memorable para sa kanila. Ako? Wala akong ideya sa wedding na gusto ko. Ni wala nga akong manliligaw ngayon eh. I distanced myself from men within those months. Hindi na rin kami nagkausap muli ni Vince. I heard he's been living his life, well. Okay na rin naman na ganoon. Sana makahanap siya ng babaeng kapareho ng kanyang pananaw sa buhay. On the other hand, Jaire and I never met again after almost four months. I don't know. Minsan sumasagi siya sa isip ko pero hindi ko naman siya hinahanap. Naniniwala akong magkikita rin kami in a perfect time. Ang alam ko lang, masaya yung mga araw na pinagsamahan namin sa Bataan. Thankful na ako doon at hindi na maghahangad pa. "Ash, thank God! I thought hindi ka makaka-attend!" Mabilis akong niyakap ni Klea nang puntahan ko siya sa kanyang room. Kasalukuyan na siyang inaayusan. She's wearing a pastel pink robe which is actually the motif of their wedding. Tila nabuhayan ang kulay sa mukha ni Klea nang dumating ako. "Congrats! Sorry I wasn't there during the rehearsal" I gave her a light hug too. She smiled genuinely. I can sense how happy she was. A bride to be! Hindi ko ma-explain pero kakaiba ang kislap sa mga mata niya. Ganoon ba talaga ang feeling ng ikakasal sa taong mahal mo? I never felt that before, even the most genuine kind of love. Sobrang guarded na siguro ng puso ko sa pakikipag-relasyon kaya't tila nagiging bato sa paningin ng mga lalaki. "I am so happy right now, Ash. I can't believe I'll be marrying the only man I love since day one." Klea wiped her tears because her make up might be ruined. I tapped her shoulder. "I am happy for you. Ito na 'yung pinakahihintay niyo. You guys, got your happily ever after." Klea nodded and extended her arm for a hug. I did embrace her longer. She's quite emotional right now! Baka mag-iyakan na lang kami dito hanggang sa ceremony. "Thank you, Ash. I wish your happiness, too." She whispered meaningfully so I felt speechless. I wish I can have that kind of happiness earlier. Alam kong may kulang pa sa buhay ko, gaano man ako ka-successful sa career ko. I know there is something missing. When the sunrise arrived, the wedding ceremony near the beach has began. Halos lahat ng mga bisitang naroroon ay makikitahan ng excitement para sa dalawang taong mag-iisang dibdib. Nakasuot na ako ng pastel pink maxi dress habang may hawak na bouquet of pink Ecuadorian roses. Iilan lang ang mga bisitang dumalo at inanyayahan sa mahalagang araw ng aking kaibigan. Sa tantiya ko'y wala pang isang daan ang mga taong naroroon at nakaupo sa mga nakahilerang bangko sa dalampasigan. Simple ngunit maganda ang disenyo ng lugar na pagdarausan ng kasal. Maraming bulaklak na-ayos sa bawat hilera ng upuan lalo na sa altar na ang background ay ang payapang karagatan at ang sumisikat na araw. Hindi ko mapigilang mapaluha nang yakapin ko si Klea bago ako lumabas sa kwartong kinaroroonan niya. Halatang kabado siya pero mas lamang pa rin ang excitement na nararamdaman niya. Hindi nagtagal, nagsimula ang seremonya. Pinapila na ang mga wedding entourage. Hindi naman ako nahirapan sa gagawin ko dahil naging maid of honor na din ako noon. "Hi, my maid of honor." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. "It's been a while, Asha." Jaire, with his usual grin looked at me intently. Sa halos apat na buwan na hindi ko siya nakita, pakiramdam ko'y walang nagbago sa pagiging kumportable ko sa presensiya niya. "Hello," tugon ko at binigyan siya nang tipid na ngiti. He chuckled. Inilahad niya ang braso para doon ako kumapit. Wala akong ideya na siya pala ang best man ni Austen. Hindi ko rin naman kasi binasa ang invitation dahil sa naging busy ako. Nasa unahan na kami ng pila para sa secondary sponsors kaya kaagad kaming naglakad patungo sa altar. Pasimple kong sinuri ang kanyang kabuuan. He looks so manly in his black tuxedo and black slacks. May pang-ilalim pa siyang suot na pastel pink colored long sleeves. Bagay naman sa kanya at lalong naging bata ang kanyang hitsura. Napansin ko rin na nagpalit na siya ng specs ngayon. Mas maliit na ang frame ngunit halatang makapal pa rin ang salamin, siguradong mataas ang grado ng kanyang singkit na mga mata. Lalo rin siyang pumuti na tila ba ilang buwan na naman siyang hindi naarawan! Hindi na kami halos nakapag-usap ni Jaire habang isinasagawa ang kasal. Sobrang heartwarming na makitang naglalakad ang best friend ko patungo sa altar. Austen got teary-eyed too while seeing Klea on her white long wedding dress. Simple lang ang disenyo dahil 'yon ang gusto ng best friend ko. Umiiyak siya habang naglalakad at kaagapay ang kanyang mga magulang. I never felt so proud before, but this time hits different. Seeing one of the most important people in my life, having her dream wedding day, with her only man, makes me feel happier for her. Alam kong natupad na ang isa sa pinapangarap niya kasama ang lalaking mahal niya. Love is indeed... unexplainable. It is something that we cannot measure nor define at a specific word. It is a kind of feeling that only two people who feels 'love' could explain. The wedding reception was held at the function hall of the resort. Simple rin ang disenyo pero elegante pa ring tingnan. Tipikal na nangyayari sa mga kasalan, kumain at nagkaroon ng masayang programa para sa bagong kasal. Nagbigay din ako ng maikling mensahe para sa bagong kasal na ikinaiyak pa ng kaibigan ko. Masayang-masaya ako para sa kanya. Alam kong matagal nilang hinintay ang araw na 'to. Nagkaroon ng games para sa mga abay sa kasal. Wala na sana akong balak na sumali pa pero alam kong ikakasaya 'yon ng kaibigan ko. At dahil kalkulado ko ang mangyayari, kusa kong iniwasan ang bouquet na inihagis ni Klea. Hinayaan kong ibang mga babae ang mag-agawan doon. Napailing na lang ako nang tingnan ako ni Klea nang masama. "We have our soon-to-be bride, now let us look for the next groom!" Anunsiyo ng isang sikat na host na sa pagkakaalam ko ay Mir ang pangalan. He speaks really good especially with his sense of humor. Nagsilapitan sa gitna ng platform ang mga abay na lalaki kasama na si Jaire na mukhang napilitan lang din na sumali. Hindi rin naman nagtagal at nagsimula ang palaro. Stop dance ang nangyari. At sa hindi nga naman inaasahan, kay Jaire tumigil ang garter na kanilang pinagpasa-pasahan. "Okay, there you have it, guys! We have our groom-to-be!" Masayang sabi ng host at naghiyawan naman ang mga tao. Hindi maipinta ang mukha ni Jaire habang kamot ang ulo. Nilapitan siya ng host at tinanong ang kanyang pangalan. "Uhh, I know this a privilege to have this," itinaas pa niya ang garter na hawak na ikinatawa ng iilan. Maging ako ay pasimpleng natawa. "Sorry guys but I can't... Kasi uh," mukhang nag-aalangan pa siyang magsalita. "Naparami kasi ang kain ko eh, masarap ang pa-catering ni insan. Kaya medyo ano eh," humawak na siya sa tiyan niya at tila hiyang-hiya pa. Nagtawanan na ang mga naroon at nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ano ba 'yan! Napaka-unethical naman, Jaire. Napailing na lang ako at tumayo. Nag-decide akong lumabas ng hall upang magpunta sana sa dalampasigan. Ang huli kong narinig ay tinatawag na daw si Jaire ng kalikasan! "Hay..." I uttered as I sat on the sun lounger. Ngayon ko lang napansin na malapit nang lumubog ang araw. Hindi ko namalayan dahil matagal ang program kanina. "Asha!" Kaagad kong nilingon ang boses na tumawag sa akin. Sa di-kalayuan ay naroon si Jaire, mukhang galing sa pagtakbo dahil hinihingal pa siya. Teka! Akala ko ba nasa CR siya? Ano 'yon? Nagdahilan lang siya? Mabilis akong tumayo at hinintay ang paglapit niya. "Bakit?" Kaagad ko siyang tinanong nang magkatapat na kami. He smiled at me. Ilang beses pa siyang natawa nang mahina habang sinusuklay ang buhok na isinasayaw ng hangin. "Asha,...we've made it." He said after a long silence. Mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. "We've got our...first sunset" He mumbled that made me speechless for a second. Slowly, I shifted my gaze to the golden scenery in front of us. He's right. We've met again at the first sunset of a month. Nang tingnan ko siya ay mariin siyang nakatitig sa aking mukha. Ramdam ko ang saya na bumalot sa puso ko. Walang usual na mabilis na kabog ng dibdib. Ang tangi kong nararamdaman habang nakatitig sa mga mata niya ay ang kapayapaan at hinahon. Walang spark. Walang pangangatog ng tuhod. I was comfortable and at peace. Hindi kaba ang dulot niya sa akin kungdi ang kalma ng pakiramdam. Walang takot. Walang pagdadalawang-isip. Pakiramdam ko'y narating ko ang destinasyon na matagal kong hinanap. "Asha, ilang unang sunset ang inabangan ko noon. Gusto kong makita ka ulit pagkatapos nating magpaalam sa isa't-isa. I went on several beaches and seashores na pwede mong puntahan. Nagbaka sakali akong magtatagpo tayo." Jaire went closer to me. "Hindi ako nawalan ng pag-asa na muli pa tayong magkikita. I always want to see you again. I badly wanted to have you beside me." He smiled at me like it seems to be the most happiest moment of his life. Pakiramdam ko'y siya ang humanap sa akin at hindi ako. Pero kahit ganoon, bakit parang ako ang natagpuan? Hindi ako ang naghahanap, hindi ako sumubok. Pero alam kong may kulang sa akin noon pa man. "Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na 'to. Ang moment na 'to para hindi ko masabi ang dapat ay noon ko pa sinabi." Namalayan kong hawak na niya ang dalawa kong kamay. Ngunit hindi ako tumutol. Wala akong naramdaman na mali 'yon, na labag sa loob ko. Tiningnan ko siya sa mga mata, at walang kahit na anong pangamba ang pumasok sa aking sistema. "Asha, gusto kitang mahalin. Simula nang kausapin kita noon sa madilim na parte ng beach resort, alam kong kakaiba ang naramdaman ko para sa'yo. You're the only woman who made me feel like I should not let things go. Na dapat sigurado ako sa nararamdaman ko. I know, it's too early to say this but I felt an instant connection with you. " He explained with so much sincerity on his voice. "You brought the lost puzzle with my life eversince. Ang tagal kong naghanap at sumubok sa iba. Ikaw lang pala ang makakapagparamdam sa akin noon. Looking at you, makes me feel whole again. Hindi ko ma-explain pero wala akong ibang nararamdaman kungdi peace of mind kapag kasama kita." I smiled. He said things that I exactly thought of. "Asha, in our first sunset, I want you to know that I'm seeing a part of me with you. Sa'yo ko nakita ang bagay na hindi ko mahanap noon maging sa ibang babae. It's just that... You seems different but you made me feel complete after a long run of chasing...of finding my other half." Ilang beses ko siyang tiningnan sa mga mata. Kitang-kita ko kung gaano katotoo ang mga salitang binitiwan niya. "I don't expect anything. Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko para sa'yo." Umiling ako. Kasi kailangan marinig niya rin ang side ko. "Jaire..." He smiled at me with emotions on his face. He didn't let go of my hand. "Thank you for being with me right now. At gusto kong malaman mo na...nahanap ko rin ang kulang sa akin mula nang makasama kita. I'm not afraid to risk in love again. I'm willing to give us a try." He seems shocked like he never expected those words from me. "What do you mean, Asha?" He asked. I nodded and gave him a genuine smile. The sun was slowly setting, while the two of us were facing each other. His hands on mine made me feel at ease too. This moment was the one I've been waiting for in my entire life. "I'm willing to love again. This time, it's genuine and unconditional. I won't ask for another perfect timing because now is....our right time. I love you. Thank you for being with me at our first sunset.." The last thing I knew, I felt Jaire's warm arms around me. That was the most peaceful and comfortable feeling  I've got.  I knew deep inside my heart,  I was found...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD