“Sweetie…” Nakakailang hakbang pa lang ako nang tumigil para lumingon ulit kay Zane. Mukhang nasanay na ako sa endearment niya at ang isipin na ilang beses ko na lang itong maririnig ay nilukuban ng empty feeling ang dibdib ko. “Ano ‘yon Zane?” “Iyong huling pantasya,” aniya na biglang nangitim ang kita ko sa dark brown niyang mga mata na tila binaha ang utak niya ng mainit na eksenang magaganap, “it will happen in a short while.” “Saan?” Nagsimulang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Parang biglang umangat ang humidity ng hangin sa paligid sa pagbigat ng aking paghinga. Napansin ko sa may likuran ni Zane sina Lip at Erika na papuntang main gate ng mansion. “Sa swimming pool.” Napatingin ako sa swimming pool at napansin ko si Trey na naka-black bikini trunks na umahon sa tubig saka umupo

