Nakaloloko ang sumibol na ngiti sa mga labi ni Brix. “Natatandaan na kita. Ikaw iyong isa sa magkakapatid na walang nagawi dati kundi magtago sa saya ng ina at nagsumbong na daig pa ang batang naagawan ng candy.” Anong ibig sabihin ni Brix? May alitan na ba sila dati pa? Lumayo ako ng bahagya kay Zane at baka sabihin pa ni Brix na sa akin naman ngayon magtatago si Zane. Namuti na ang mga liyabe ng mga daliri ni Zane sa pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao. Hinintay ko pa siyang magsalita pero hindi na nangyari. Mabilis niyang pinakawalan ang isang suntok na dumapo sa mukha ni Brix at nagpabuwal sa lalaki sa lupa. “Tama na ‘yan,” saway ni Don Manolo nang tumayo si Brix at akmang babawi ng suntok kay Zane. Tumingin si Brix kay Don Manolo at nang umiling ang matandang lalaki, tumingin ulit

