27

1276 Words

Gwapo ang lalaki, matipuno, matangkad, pang bouncer ang tipo pero asal-kanto. Itinaas nito sa buhok ang dark shades na suot, kumaway at ngising-aso ang puminta sa mukha nang mapansing nakatingin ako sa direksiyon niya. “Nagpahatid na ako kay Brix kasi naisip ko, kung hindi kita maabutan dito, magpapa-diretso na ako sa kaniya sa mansion.” Tumabi ako sa gilid ng entrance walkway nang may taong dadaan at sumunod naman si Nanay. Pinanatili kong kalmante ang boses kahit nagsisimula ng umusbong ang inis sa aking dibdib. “Ano bang kailangan ninyo?” “Kailangan ko ng pera,” walang pasakalye nitong sabi na akala mo’y may pinatagong kwarta. Umiling ako. Kailangan na naman niya ng ipansusugal at ipantutustos sa luho nilang dalawa ni Brix. “Wala akong maibibigay sa inyo ‘Nay,” sabi ko dahil iyon n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD