26

1287 Words

“Sa ospital ba ang punta mo? Sabay ka na sa amin,” nakangiting anyaya ni Mira. Nagkataong magkasunod kaming bumaba ng hagdan at lumabas ng mansion. Ngayo’y nasa may gilid na ng puting SUV pickup kung saan nasa loob na si Zane na naghihintay sa kaniya. Nangangalahati na ang hinihithit na sigarilyo ni Zane at nahahapyawan ng liwanag ng pang-alas-diyes na umagang araw na tumatagos sa front windshield ng sasakyan ang guwapong mukha. Naka-plain grey tshirt lang ito pero sa liit parang ako ang hindi makahinga sa kaniya sa paghakab ng tela sa kaniyang matipunong kaha at mga braso na mistulang pangalawang balat. Tumingin sa akin si Zane saka tumango. Naalala ko ang nangyari sa amin kahapon na biglang nagpasasal ng dibdib ko. Ganito halos ang eksena nang sumulpot siyang bigla pagkatapos akong iwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD