bc

THE LEGAL WIFE'S REVENGE

book_age18+
247
FOLLOW
1.4K
READ
HE
kickass heroine
city
like
intro-logo
Blurb

MARY POV Nandito ako ngayon sa airport, halos tatlong taon din ang tinagal ko sa singapore bilang isang domestic helper. Hindi ako umuwi dahil sa kagustuhan ng amo ko, kung di dahil na rin sa kagustuhan ko. Sobra sobra ang pag papahirap nila sa akin. Kahit na malaki ang pasahod nila sa akin, di nito kayang tumbasan ang pananakit nila sa akin Yung physical at mental trauma ko sa loob ng tatlong taon, tiniis ko ang lahat ng ito para sa asawa kong si Carlo na isang security guard.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MARY POV Nandito ako ngayon sa airport, halos tatlong taon din ang tinagal ko sa singapore bilang isang domestic helper. Hindi ako umuwi dahil sa kagustuhan ng amo ko, kung di dahil na rin sa kagustuhan ko. Sobra sobra ang pag papahirap nila sa akin. Kahit na malaki ang pasahod nila sa akin, di nito kayang tumbasan ang pananakit nila sa akin Yung physical at mental trauma ko sa loob ng tatlong taon, tiniis ko ang lahat ng ito para sa asawa kong si Carlo na isang security guard. Pinapadala ko sa kanya ang mga naipon kong pera sa sahod ko. At ngayon na di niya alam na pauwi na ako, balak ko siyang soprehasin. Di ako masyadong naka pamili ng mga pasalubong sa kanya at tanging chocolates lang ang dala ko. Halos 30 thousand lang kasi ang halaga ng dollars na dala ko kung ico convert sa peso. Pinadala ko kasi lahat sa kanya, mas magaling kasi siyang humawak ng pera kesa sa akin kaya sa kanya ko ito ipinag kakatiwala. Matapos ng aking napaka habang biyahe, sa wakas ay naka rating na rin ako sa apartment building kung saan kami nakatira. For sure, masisiyahan siya na muli akong makita matapos ang ilang taon. Panay lang kasi kami video call, sure akong bibigyan ko siya ng maraming mga yakap at halik. Pati na rin ang matalik kong kaibigan na si Cindy, siya ang nag pasok sa akin sa trabahong ito tatlong taon na ang nakaka lipas. Grateful ako sa kanya kasi marami siyang nagawang mabuti sa akin. Nakalipas ang mahigit isang oras kong biyahe ay naka uwi na rin ako sa wakas sa lugar namin dito sa Barangay Sampaguita. Sobrang saya ko kasi pag baba na pag baba ko sa trysikel at bumungad na sa akin kaagad si tita Vivian na nakikipag kwentuhan sa ibang mga kapitbahay namin. Wala siyang pag babago, ang lakas pa rin talaga niyang makipag chismisan sa ibang tao kahit na nasa 60 years old na siya. Nang makita niya akong pababa, nalingat kaagad siya sa akin. "Oh my gosh, Mary ikaw na ba yan?" sabi niya nang maka rating siya sa aking harapan. "Opo tita, ako po ito," ani ko sa kanya. "Pwede po siguro tayong mag usap later, medyo mabigat kasi itong maletang dala ko at mayroon din po akong bag sa likod. Baka okay lang po na pasuyo ako kasi napaka excited ko nang makita si Carlo. Di niya kasi alam na ngayong araw ang uwi ko kasi surprise ko po ito sa kanya," dagdag ko pa. "Ay sige, ano ka ba naman? Maliit na bagay ito," ani niya, pumunta na kami sa loob ng makitid na eskinita sa lugar namin. Nag mistulang artista tuloy ako sa dami ng mga taong naka tingin sa akin ngayon. At nagkakataon pang may ilan din akong mga taong kakilala at naging kaibigan na tumitingin at bumabati sa akin. I smiled at them kahit na naiinsulto ako sa pinag sasabi ng iba sa kanila. Kesyo mayaman na raw ako ngayon, mayroong mga naipundar na mga gamit, at ang pinaka nakaka inis sa lahat ay sinasabihan nila ako ng maraming pera at nanghihinga pa ng pasalubong. Kung alam lang nila ang pag hihirap ko bilang isang overseas Filipino worker, ang lahat ng sakripisyo ko at pag titiis. Buti na nga lang at gumaling na ang pasa ko sa aking pisngi nang sapakin ako ng aking boss dahil lang sa na over cook ko ang isdang niluluto ko para sa kanyang asawa na may sakit. Bukod dito, sobrang sasakit din ng mga salitang binitawan nila sa akin. Illiterate daw akong, boba, mangmang. at wala raw akong mararating sa buhay at habang buhay daw akong magdurusa dahil sa ganitong trabaho lang daw ang kaya ko. Masakit man ito sa akin, pero at least naka wala na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Na finally ay mayroon na din akong freedom at magiging maayos na ang buhay ko matapos ng malagim na nangyari sa akin sa ibang bansa. Di ko makaka limutan si Freya, ang anak na dalaga ng mga amo ko na binigay sa akin ang passport ko kaya walang atubili akong umalis dala ang lahat ng gamit ko. "Tita, kamuta na po pala dito sa lugar natin?" tanong ko. "Ayun, ganun pa rin naman, medyo talamak pa rin ang nakawan sa lugar na ito at kahit gabi ay marami ang nag vi videoke. Gusto ko nga rin sanang mag abroad kagaya mo kaya lang, matanda na ako." sabi niya pa nang makarating kaming dalawa sa harapan ng bahay namin ni Carlo. Naka sarado ang pintuan namin na mayroon nang isang parol na star na naka sabit sa labas. Dai, kulay brown ang pintuan namin subalit ngayon ay kulay pula na ito, para bang bagong pintura. Kakatok pa lang sana ako subalit inunahan na ako kaagad ni tita, "Hoy Carlo, buksan mo itong pinto, tanghaling tapat na pero naka hilata ka pa rin sa kama mo jan!" malakas na sigaw ni tita. "Ay tita? Bakit po ganyan? Baka pagod lang din ang asawa ko galing sa trabaho? Eh kagabi lang sinabi niya na 12 hours daw po ang duty niya eh." sabi ko pa. Medyo nahihiya lang kasi ako sa ginawa niyang ito lalo na't ang lakas pa ng pag sigaw niya. "Ano? Asawa mo di mo alam na nawalan ng trabaho? Two months nang tambay yang asawa mo, Mary! At wala na yang ginawa kung di ang mag inom dito kasama ang mga barkada niya! Halos araw araw nga silang nag iinuman eh." Napataas ako ng kilay sa sinabing ito sa akin ni tita, at bago pa man ako makapag salitang muli, nag bukas ang pintuan at nakita ko rin sa wakas si Carlo na ilang taon kong di nakita sa personal. Subalit naka hubad siya ng kanyang damit at amoy alak siya, ang gulo rin ng kanyang buhok at halatang bagong gising lang siya. Tumaba siya at lumaki ang kanyang tiyan, para bang naging kagaya na niya ang ilang mga tambay dito sa lugar namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook