“Ang mabuti pa, ipagpatuloy na lang natin ang pag-iisip bukas. Masyado nang malalim ang gabi at halos wala pa tayong pahinga sa mahabang lakarin natin kanina,” suhestiyon ni Phi. Sumang-ayon naman ako sa kanya dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaisip. Siguro naman napapagod din ang killer at hindi muna siya kikilos ngayong gabi.
Tutal, tulad namin… tao lang din naman siya.
Bigla ko tuloy naalala yung word na kasama sa manifesto ng killer. Nephilim. Bakit nga ba niya ginamit yung salitang yun?
Nagkibit-balikat na lang ako at saka nahiga na sa kama ko. Tumagilid ako ng higa at nilingon si Phi na nakahiga na rin sa kama nito habang nakatingala sa puting kisame.
“Papatayin mo ba ang ilaw?” tanong ko sa kanya.
“Matulog ka na… babantayan kita,” sagot nito sabay tagilid paharap sa’kin.
“Hindi ka matutulog?” tanong ko sa kanya.
“Hmm… I’ll try kapag nasiguro kong tulog ka na,” sabi nito at tumawa pa ng mahina. Why so sweet?
“Okay! Good night Phi!” sabi ko sa kanya.
“Good night! Sweet dreams!”
***
Tahimik ang gabi. Tumigil na rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Habang nagpapahinga ang lahat sa loob ng malaking bahay, hindi nila ramdam ang pagpasok ng isang anino sa loob.
Isang aninong kanina pa nagmamatyag at nakatingin sa mga kilos nila.
Isang aninong hindi pa nila nakikilala.
***
Naalimpungatan ako nang maramdamang may nakatayo sa harap ko. Nakapameywang siya habang nakakunot ang noo at nakatingin sa’kin.
“Hindi ka ba talaga marunong manggising?” inaantok pang tanong ko sa kanya.
“Alam ko namang magigising ka na kaya hindi na ko nag-abala pa at baka hindi matapos yung maganda mong panaginip,” sabi nito sabay iwas ng tingin. Anong napanaginipan ko?
“Nananaginip ako? Paano mo naman nalamang maganda panaginip ko?” tanong ko sa kanya sabay upo.
“Binabanggit mo kasi yung pangalan ko habang natawa ka ng mahina kaya alam kong maganda yun,” sabi nito sabay tawa pa ng mahina. Pakiramdam ko nag-init bigla yung magkabila kong pisngi. Hindi ko tuloy alam kung paaano ko siya titingnan.
“Seryoso ka? N-Nagsalita talaga ‘ko kanina?” hawak-hawak ko pa yung magkabila kong pisngi habang pilit na umiiwas ng tingin sa kanya.
Shiz. Nakakahiya!
Oo nga pala, nagsisleep-talk talaga ako minsan lalo na kapag pagod ang katawan ko. Pero to think na maririnig pa yun ni Phi? Oh my! Nakakahiya talaga!
“Bumangon ka na diyan at magmimeeting pa tayo!” natawa pa ring sabi nito. Hindi makatinging bumangon na ako at inayos ang kama. Pasimple ko siyang tiningnan. Nagpipigil pa rin ito ng tawa. Aish!
Siniguro naming nakalock yung room bago kami bumaba. Pagbaba namin, tanging ang nakita lang namin ay si Miviel na nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatulala.
“Asan yung iba?” tanong ko sa kanya.
“Nasa likod, tinitingnan yung nakita nilang bangkay,” mahinang sabi nito.
“Bangkay?” sambit ko. Nagkatinginan kami ni Phi at saka tumakbo papuntang back door. Tumambad sa amin ang isang malawak na taniman ng mga gulay at sa isang parte ay nakapaikot ang mga kasama namin. Lumapit kami sa kanila.
“Sinong nakita?” tanong ni Phi pagkatapos hawiin ang nakaharang na si Edison.
“Maghaharvest lang sana kami ng patatas kanina dito ni Aaron nang mapansing may nakaumbok sa bahaging ito. Ei hindi naman tayo dito naglibing kahapon kaya nagtaka ko at sinubukan naming hukayin at yan ang tumambad,” paliwanag ni Edison. Dalawang bangkay ang nasa lupa. Parehong may-edad na ang mga ito base sa mga nakalabas nilang ulo. Mukhang hindi man lang sila binalot ng naglibing sa kanila at basta na lang sila inilibing sa lupa. Mukhang nabawasan ang lupang nakadagan sa kanila nang umulan kagabi kaya ngayon lang napansin ang bahagyang umbok ng lupa sa parteng ito.
“Anong kaguluhan yan?” napalingon kami kay ma’am Jyn na kadarating lang. Binigyan naman namin siya ng daan para makita yung nasa lupa. “Oh my God! Sila si manong Caloy at manang Jona! Yung mga care-taker dito!” gulat na sabi ni ma’am Jyn. Napasinghap yung iba.
Ibig sabihin… kahapon pa nandito yung killer? O nanggaling dito yung killer kahapon?
“Now that makes sense,” narinig kong bulong ni Phi.
“Paano na yan? Sila lang naman nakakaalam ng daan pabalik?” may pag-aalalang tanong ni Christine habang nakakapit kay Keiichi.
“Bakit kasi walang data connection dito at nang magamit naman natin ang google map pabalik!” inis na sabi ni Yvonne.
“Bakit hindi kaya natin subukang tumawag ng rescue? Medyo may signal pa din naman dito kahit papaano,” suggest ni Cyril. Sumang-ayon naman ang iba pa. Tama siya, sinubukan kong tumawag kagabi kaya alam kong kahit papaano ay may pag-asang makacontact kami sa labas.
“Sige susubukan kong tumawag mamaya. Kayo din, tumawag din kayo o magtext sa iba para marescue tayo dito,” sabi ni ma’am sa amin.
Hindi ba naisip ng killer na posible kaming makahingi ng tulong dito?
Ano ba talagang nasa isip niya?
“Masyado siyang bilib sa sarili niya,” narinig kong sabi ni Noemi na nasa tabi ko pala. “Iniisip siguro niya na bale-wala lang kahit makahingi tayo ng tulong,” dugtong niya pa.
Yun ba ang iniisip niya?
Napansin ko ang band-aid na nasa braso nito. “Napano yan?” tanong ko sa kanya.
“Ahh ito ba? Hindi ko nga alam kung paano ako nagkasugat kahapon dito,” sagot niya. Kung ganun, hindi bakas ng dugo mula sa mga biktima yung nakita ko sa kanya kahapon kundi sugat mismo.
Aish! Tamang hinala ka Percy!
Napagdesisyunan naming takpan na ulit ng lupa ang mga nakitang bangkay at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Nagtuloy kami sa living room.
“There’s only two possibilities here,” napalingon kaming lahat kay Phi nang bigla itong magsalita.
“One is kahapon pa nandito yung killer at siya ang pumatay sa mag-asawang care-taker at para na rin iset-up lahat ng pwede niyang gamitin sa pagpatay at ang pangalawa ay pagkatapos ng lahat ng ginawa niya kahapon, bumalik siya at sumama sa’tin para magkaroon ng matinding alibi at hindi siya paghinalaan,” seryoso nitong sabi.
“So posibleng planado lahat ng nangyari ngayon?” tanong ni Cyril. Tumango si Phi dito.
“Sinu-sinong nakakaalam ng listahan ng mga pupunta dito?” tanong ni Phi kay Yvonne.
“Yung faculty saka yung student council lang,” sagot ni Yvonne. Bahagyang napaisip si Phi.
“Pwede bang maaccess via school’s database yung list?”
“Hindi ko alam,” kibit-balikat nito.
“Nakasave sa school’s database ang lahat ng information regarding this camp,” sagot ni ma’am Jyn.
So that’s it!
“Malamang nagkaroon ng access sa list ang killer kaya siya nakabuo ng plano ng pagpatay dito. Sa una pa lang, alam niya ng hindi na makakapasok pa ang bus papunta sa mismong kampo kaya kakailanganin nating maglakad. Since 17 tayong lahat na kasama, kinailangan niyang gumawa ng paraan para mabawasan tayo into 13,” paliwanag nito.
“13? Ei 12 na lang tayo ah! At saka bakit 13? Di ba aksidente lang yung nangyaring pagkahulog ni Pampy at ni Arnie sa bangin?” tanong ni Elize.
“Base sa actions ng killer sa Camp chiatri case, it looks like he’s really fond of the number 13. 13 na saksak o hiwa sa katawan ang iniiwan niya sa bawat biktima niya sa naunang camp. And besides, during our investigation with Steffi’s case, nakita namin ang manifestong ito,” sabi ni Phi sabay taas sa kapirasong papel na nakita namin noon sa taas ng pinagbitayan kay Steffi.
“Anong nakasulat?” tanong ni Keiichi sabay hablot sa hawak ni Phi. Tiningnan din ito ng iba pa.
The unneeded casts were now out of the scene
All 12 of you, let the real game begin
You’ll mind, you’ll cry, your hope will all lost
I’m here, I’m there, or nowhere at most
You blink, you sleep but you cannot hide
I’m the killer who waits, I’ll be by your side
A friend, a foe, a Nephilim
I’m the 13th guest who will end this scheme.
Come to think of it… yung mga last lines ng manifesto… yun yung exact words na nabasa ko sa notebook ni kuya!
“12 of you? Ei 12 na lang tayong lahat di ba? Ano ‘to panggulo? Para hindi natin isipin na isa siya sa’tin?” tanong ni Edison.
“Baka kasi sa simula pa lang, nandito na nga siya,” sabi ni Noemi.
“Wag ka ngang manakot diyan Noemi! Wala naman akong napansing tao nang dumating tayo kagabi!” sabi dito ni Aaron.
“Ako may nakita,” gulat kaming napatingin kay Miviel na nakaupo pa rin sa pinaguupuan nito kanina.
“Anong nakita mo?” tanong ko sa kanya.
“May matangkad na aninong pumasok kagabi,” mukhang kinakabahang sabi nito. “Lumabas kasi ako saglit para magCR tapos napatingin ako sa living room at n-nakita ko siya…”
“Matangkad na anino? Lalaki ba? Anong itsura?” tanong ni Phi dito. Napailing lang ito.
“Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sobrang dilim sa buong bahay. At saka, natakot ako nang lumingon siya kaya nagtago agad ako at bumalik sa kwarto ko,” sabi nito. Kaya siguro nakatulala lang ito kaninang umaga ay dahil sa nakita nito kagabi.
Pero sino kaya yung nakita niya?
Yung killer ba?
Ibig bang sabihin, hindi siya isa sa amin?
Tiningnan ko maigi si Miviel. Pwede rin namang nagsisinungaling ito para ilayo kami sa possibility na isa sa mga kasama namin ang killer. Kapag naisip namin na may iba pa pala bukod sa amin ang nandito, mapupunta na ang isip namin sa paghahanap sa taong pumasok di umano kagabi.
“Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling,” mahinang sabi ni ma’am Jyn na nasa tabi ko. Oo nga pala, psychology professor siya at bihasa itong malaman kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi.
“Kung ganun, posibleng yung taong pumasok kagabi ang hinahanap nating killer?” tanong ni Christine.
“Posible. Posible rin namang sa simula pa lang, alam na ng killer na may pang12th guest kaya niya sinabing siya ang 13th guest sa manifesto,” sabi ni Phi.
“Nababasa niya tayo. Ang lahat ng kilos natin, nakikita niya,” seryosong sabi ni Noemi.
“Sa ngayon, susubukan muna nating humingi ng tulong mula sa labas, magmeet na lang ulit tayo dito kapag maglalunch na. May mga stock pa namang naiwan sa ref kaya yung mga gustong kumain ng breakfast, kayo ng bahalang magluto. Ako ng bahala sa tanghalian natin mamaya,” sabi ni ma’am Jyn. Sumang-ayon na rin ang iba. Nakita ko si Phi na nakaupo at mukhang may malalim na iniisip.
Yung cellphone ko nga pala nasa taas pa!
Umakyat na muna ako at binuksan ang kwarto. Hahakbang pa lang sana ako papasok nang mapansing may kakaiba dito. Bahagyang nagusot yung gilid ng kama ko, indikasyon na may umupo dito. Nagbago rin yung pwesto nung cellphone ko sa may bedside table sa gitna. Lumapit ako dito at hinila yung isang drawer. Nandito pa yung itim na libro. Binuklat ko ito at napansin ang bahagyang pagtupi ng ibabang parte ng ilan sa mga pahina. Nagmadali siyang isara ito nang maramdamang may papalapit dito!
Tiningnan ko yung cabinet sa isang gilid kung saan ko nilagay yung mga gamit namin kagabi. Walang ibang pwedeng pagtaguan dito sa kwarto kundi ang cabinet. Napalunok ako.
Tatawagin ko muna ba si Phi o bubuksan na ang malaking cabinet?
Dahan-dahan akong lumapit dito. Bubuksan ko na sana ito nang bigla kong marinig ang boses ni Phi.
“Anong ginagawa mo diyan?” nagtatakang tanong nito.
“Mukha kasing may pumasok dito sa loob ng room natin,” sabi ko sa kanya.
“And you’re thinking na baka diyan siya nagtatago?” nakataas ang kilay na tanong nito. Tumango ako.
“Ei paano kung siya nga yung killer? Eh di pagbukas mo niyan, mapapatay ka na agad? Dapat tinatawag mo muna ako bago ka gumawa ng mga alanganing bagay!” napayuko na lang ako habang malakas siyang nagsasalita. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Seriously, why won’t you let me protect you?” bulong nito.
“Hindi naman sa ganun Phi… naunahan kasi ako ng curiosity ko. Sorry na!” apologetic kong sabi sa kanya.
“Okay fine para matigil na ‘to, bubuksan ko na ‘tong cabinet,” sabi nito at pagkatapos ay binuksan ang cabinet. Walang tao sa loob. Napahinga ako ng maluwang.
“See? There’s no one here!” nakangiti nitong sabi.
“Pero—“
“Alam ko. Tama ka naman, nanggaling nga siya dito, that 12th guest,” seryoso nitong sabi.