15th HOUR: Hidden Clues

1464 Words
“Alam ko. Tama ka naman, nanggaling nga siya dito, that 12th guest,” seryoso nitong sabi. “But he’s not here anymore,” dugtong niya pa. “He?” tanong ko sa kanya. Tumango ito at saka ibinalik ang tingin sa loob ng cabinet. “Mukhang nagtago nga siya dito at matangkad siya kaya sumabit pa yung buhok niya dito,” tinuro niya yung part ng cabinet na may nakausling pako. May maiksing buhok ngang sumabit dito. “Medyo nagulo din itong mga bags natin, ibig sabihin may sumiksik ditong kung sino at isa pa, tinanggal niya muna yung sabitan ng hanger bago pumasok,” turo niya sa stick na mga isang dipa ang haba na isinasabit sa magkabilang gilid ng cabinet para pagsabitan ng mga nakahanger na damit. “Kung ganun, kelan pa kaya siya nandito?” tanong ko sa kanya. “Mula pa siguro kagabi hanggang kaninang umaga,” sagot nito. Napatangu-tango na lang ako. Sinamantala niya siguro ang mahimbing na tulog naming kagabi kaya hindi namin namalayan ang presensiya niya. “Oo nga pala, pwede mo ba kong timplahan ng kape? Gusto ko kasing may iniinom na mainit sa umaga,” sabi niya sa’kin. “Please?” natawa ako sa mukha nito. Ang cute niya kapag umaarte siyang parang bata. “Sige! Kukunin ko lang naman talaga dapat yung cellphone ko ei,” sabi ko sa kanya. Gumawi na ko sa may pintuan. “Susunod na lang ako sa’yo sa baba,” rinig kong sabi niya at saka nauna na akong lumabas.   PHILLIPSE’S POV “Pwede ka ng lumabas diyan,” sabi ko nang masigurong nakalabas na si Percy. Agad na lumabas ang taong nagtatago sa ilalim ng kama. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing may magkakasya sa ilalim nito pero dahil napansin kong kakaiba ang structure ng kama kung saan may malaking space pala sa ilalim, dito siya posibleng nagtago. “Nice deductions Phil,” pambungad nito sa’kin. “Anong ginagawa ng isang FBI agent dito ha? Nicolai?” tanong ko sa kanya. “Syempre para mag-investigate ano pa nga ba?” sabi nito sabay kampanteng umupo sa kama. “Bakit hindi na lang si kuya Euclid ang ipinadala? For sure mabilis niya lang malulutas ang kasong ‘to!” sabi ko sabay upo sa harap niya. “Tsk! Nasa London siya ngayon kaya ako ang pinadala dito! And besides, kayang-kaya ko rin namang isolve ang kasong ‘to noh!” mayabang nitong sabi. Napaismid ako. He’s Nicolai, an FBI agent, isang detective na tumutulong sa mga mahihirap na kaso ng pulisya. Nameet ko siya before dahil sa minsanan kong pagsama sa mga crime scenes na inaassign sa uncle ko. “So alam mo na kung sinong killer?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito. Kahit kailan talaga madamot siyang magbigay ng information! “May mga pinaghihinalaan na ako pero kailangan ko munang makasiguro,” nakangiti nitong sabi. “Oo nga pala, sino yung kasama mong babae kanina? I can say na she’s really good dahil naramdaman niya ang presence ko,” tumatango pang sabi nito habang nakahawak sa chin niya.   “She’s Percy, Daniel’s sister.” “Ahh kaya pamilyar! Siya ba yung may D.I.D?” “D.I.D?” “Oo yung may dual personality disorder?”   PERCY’S POV Ako? May dual-personality disorder? Napatutop ako sa dibdib ko habang nakasandal sa pinto ng kwarto namin. Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila Phi sa loob. Alam ko kasing nasa loob pa yung presensiya kong naramdaman kaya hindi muna ako umalis at nagulat ako nang malamang magkakilala pala sila. Lumayo ako sa kwarto ko at nagtuloy sa pinto papuntang veranda. Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan ang calendar. Sabi sa police records, nagsimula ang camp nila kuya noong April 25. April 26 nila sinubukang kontakin ang mga professors at walang mga nasagot kaya pumunta sila sa camp kinabukasan ng April 27. Sa mga araw na ‘to, nasaan ako? Pilit kong inalala kung anong ginawa ko nang mga panahong iyon pero hindi ko talaga maalala. Sinubukan kong tawagan ang number ni mommy pero hindi ako makakonekta. Oo nga pala! May diary ako sa phone! Binuksan ko yung diary app ko sa phone at hinanap ang petsang iyon. Bigla akong nanlambot sa nabasa ko. April 25 We’ll surprise kuya in their camp! Shiz. Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ko ‘to maalala? Nanghihina kong tiningnan ulit ang screen ng phone ko. Teka paano kung… “Huy!” nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Elize pala. Agad kong inilagay sa bulsa ko ang cellphone ko. “Okay ka lang ba? Namumutla ka? Nagbreakfast ka na ba?” sunud-sunod na tanong nito sa’kin. “Ha? Ahh o-okay lang ako… medyo nahilo lang, hindi pa kasi ako nag-aagahan hehe,” sabi ko sa kanya sabay pilit na ngumiti. Alam kaya ni Elize kung anong ginawa ko noon? May alam kaya siya? Hindi. Imposibleng may alam siya. Isa pa, ayokong paghinalaan niya ako. “Sigurado ka bang okay ka lang?” nag-aalala nitong tanong. Tumango ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa alam ko. Hindi pwede hangga’t hindi pa ako sigurado… Pinauna ko na muna si Elize na bumaba at pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na bunting-hininga. Pakiramdam ko ay biglang sumikip ang paghinga ko. Tuluy-tuloy na humakbang na ulit ako papasok. Sinulyapan ko ang pinto ng kwarto namin na nakasarado. Ano na kayang pinag-uusapan nila ngayon? Bigla akong nakaramdam ng presensiya kaya napalingon ako sa likod ko. "Mag-iingat ka," seryosong sabi ni Noemi habang matamang nakatitig sa’kin at nakasandal sa pintuan sa katabi ng kwarto namin. Bakit hindi ko siya naramdaman kaninang pagdaan ko? "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Blood lust. You can feel it too right? Somene badly wants to kill you, me, us..," bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Kung ganun, hindi lang kami ni Phi ang nakakaramdam ng panganib sa bahay na ‘to. Ah mali, panganib pala mula sa isa sa kasamahan namin. Panganib mula… sa’kin? Agad kong inalis ang nasa isip ko. "May alam ka ba? A-alam mo na ba kung sino ang killer?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at saka bumulong. "Ikaw ba... kilala mo na siya?" may namuong kaba sa dibdib ko sa pagbalik niya ng tanong. Parang may gusto siyang ipahiwatig na kung anong hindi ko matukoy-tukoy. Pinagdududahan niya na kaya ko? Narinig niya rin kaya yung pag-uusap nila Phi? "Sa loob tayo mag-usap," napabalik ang tingin ko sa kanya nang magsalita ulit siya. Magtatanong pa sana ako nang talikuran niya na ako’t naunang pumasok sa loob ng room niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito. Tumambad sa’kin ang isang maaliwalas na kwarto na may dalawang kama sa loob. Kapansin-pansing tila isang kama lang ang okupado dahil walang kahit anong makikita sa kabilang bahagi ng silid. “Mag-isa ka lang ba dito?” tanong ko sa kanya habang iginagala ang paningin sa paligid. “Oo, wala kasi akong tiwala sa iba.” “Ahh… hindi ka ba natatakot?” may pag-aalalang tanong ko sa kanya. “Hindi… lalo pa’t alam kong kaunti na lang at malalaman ko na kung sinong nasa likod ng lahat ng ‘to,” seryosong sabi niya sabay pilit na ngumiti. “T-talaga? May idea ka na ba kung paano malalaman kung sino ang hinahanap nating killer?” nginitian niya lang ako at saka nilampasan. “May paraan…” rinig kong sabi niya sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. May nararamdaman akong kakaiba mula sa kanya. “A-anong paraan?” “Tutulungan mo ko,” bulong niya sa tainga ko. Kinilabutan ako bigla kaya humarap ako sa kanya. “Paano’ng tutulungan kita?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Sobrang nawiweirduhan na talaga ako sa kinikilos niya. “Mamayang pagkatapos ng tanghalian, bumalik ka dito sa kwarto ko at may mahalaga tayong pag-uusapan,” sabi niya sabay ngiti. Kahit medyo natatakot ay napapayag niya naman ako. Maya-maya pa’y may kumatok sa pinto. Saglit itong nilabas ni Noemi at saka bumalik sa’kin. “May meeting daw sa baba,” sabi niya sa’kin at saka kinuha yung cellphone na nasa mesita. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya palabas ng room. Habang pababa ay hindi ko maiwasang isipin ang pinag-usapan namin ni Noemi kani-kanina lang. Bakas sa mukha niya ang kumpyansa kanina nang sabihin niya sa’king malapit niya ng malaman kung sino ang killer na hinahanap namin. Kung ganun, mataas ang posibilidad na posibleng masagot na lahat ng tanong sa isip ko mamaya. “Oo yung may dual personality disorder?” Natigilan ako nang maalala ang sinabi nung lalaking kausap ni Phi kanina. Kung alam niyang hindi pa ko nakakalayo ng room, posibleng sinadya niya lang na mapakinggan ko ang pag-uusap nila para pagdudahan ko ang sarili ko! Pero teka, bakit naman niya gagawin yun? Itinuloy ko na ulit ang pagbaba sa hagdan. Naabutan ko ang ibang papunta pa lang din sa mga bakanteng upuan para maupo. Pumunta muna ako sa kusina para magtimpla ng gatas at saka bumalik sa living room. Nakita kong sumenyas si Elize kaya sa kanya na ako tumabi. Inangat ko ang tasa ko at bahagyang tinikman ang gatas na tinimpla ko. “Ayaw mo lagyan ng kape?” tanong ni Elize sa’kin.   “Hindi ako mahilig sa kape ei! Ayokong pinaghahalo sila ng gatas!” sabi ko sa kanya at saka uminom ulit sa tasa ko. Teka, pinaghahalo? Nephilim. Tama! Yun ang dahilan kung bakit ginamit ng killer ang salitang yun! May dual-personality disorder siya… Teka, hindi kaya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD