16th HOUR: Deductions

1869 Words
PHILLIPSE’S POV “Walang D.I.D si Percy, baka nagkakamali ka lang?” nakakunot ang noong sabi ko sa kanya. “All these times, I’ve been looking after her kaya kung may kakaiba man sa kanya, ako dapat ang unang makakapansin!” Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nagpunta ito sa may pintuan at saka idinikit ang tainga dito. Maya-maya pa, humarap na ulit ito sa’kin. “Tama ka. Hindi si Percy ang may D.I.D.” “What? Teka, don’t tell me…” “Sinadya kong iparinig kay Percy yung sinabi ko kanina para magsimula na siyang magduda,” mahina nitong sabi habang nakapamulsang lumapit sa’kin. “Anong ibig mong sabihin?” “Nephilim. It was written in the manifesto right? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng killer sa paggamit niya ng salitang yun?” may paghahamon niyang tanong. “Nephilim is a word that used to describe a creature na bunga ng isang angel at isang tao. Since ginamit siya ng killer na pangdescribe sa sarili niya, I assume na tungkol yun sa parents niya. Posibleng bunga siya ng isang saint-like human at isang criminal,” sagot ko. “Bravo! Hindi nga nagkamali si Euclid sa pagkuha niya sa’yo as apprentice!” nakangiting sabi nito sabay palakpak. “Pero may isa pang dahilan kung bakit niya ginamit ang salitang yun at yun ay dahil sa pagkatao niya.” “So our killer here has the dual personality disorder?” “Oo may tendency siyang maging kapareho ng mom niyang parang saint at ng biological father niyang isang psychopathic murderer.” “At paano mo naman nalaman ang mga bagay na iyan?” may pagdududa ko siyang tiningnan. “The black book,” sagot niya. “Nang araw na pumunta kayo sa Camp Chiatri, nandoon din ako’t nag-iimbestiga. Yun nga lang, naunahan niyo ako sa black book kaya kinailangan ko pa tuloy pumasok mismo sa room niyo at tingnan ang notebook!” “Pumasok ka sa room namin?” gulat kong tanong sa kanya. Kaya pala nasa ibabaw lang ng table yung book nang makita ko, hindi niya siguro naalalang ibalik sa pinagkuhanan niya, tsk! “Yeah. Don’t underestimate FBI’s skill bro! Nangalap muna ako ng information about the pictures and I’ve got some interesting facts!” “Like what?” Kinuha muna nito yung black book sa mesa at saka binuklat ang first page. “Alam mo na ibig sabihin ng cover page di ba? Matsugo(**), pinagsamang matsu (*) na ang ibig sabihin ay end at go or ki (*) na ang ibig sabihin ay period or time. Same meaning siya ng shi no jikan(*の**)—“ “Na kapag tinranslate sa English ay ‘Hour of Death’!” pagtatapos ko sa gusto niyang sabihin. Napasimangot ito. “Ano ba yan! Nageexplain pa ko oh!” parang batang reaksyon nito. “Explain mo na kasi yung mga nakalap mo sa first 5 pictures!” inis kong sabi sa kanya. Bigla itong tumahimik at saka nakiramdam. Napakunot naman ang noo ko. Nasagot ang tanong sa isip ko nang may maramdamang mahinang mga yabag. Sinenyasan ko si Nicolai na magtago muna. Gumawi ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si Yvonne na papunta sa direksyon ko. “Mabuti naman at hindi ko na kailangang kumatok. Bumaba ka muna at may pag-uusapan daw tayo!” sabi nito sabay lampas sa’kin. Dumiretso ito sa kabilang kwarto ilang metro ang layo mula sa kwarto namin. Siniguro ko munang nakalock ang room namin bago ako lumabas at dumiretso pababa ng hagdan. Naabutan ko sa living room ang lahat na seryosong naghihintay. Tiningnan ko si Percy na nakaupo katabi ni Elize habang tahimik na umiinom ng gatas. Lumapit ako sa pwesto nila at tumayo sa likod niya. Pasimple niya naman akong nilingon. “Yung coffee ko?” nakasimangot kong tanong sa kanya. Pilit itong ngumiti at saka inabot yung tasang hawak niya. “Share?” sabi niya pa. Natawa na lang ako at saka tinanggap ang inaabot niya. Nasa kalahati na lang ang laman nito kaya inubos ko na ito at binalik sa kanya. Napatingin kami sa harap nang marinig naming tumikhim si ma’am Jyn. Nakababa na pala ito kasama ni Yvonne. “Guys…” paunang sabi ni ma’am Jyn. Tahimik ang lahat. Pare-pareho kaming naghihintay sa gusto niyang sabihin. Huminga muna ito ng malalim at saka nagsalita ulit. “Nakaconnect ako ng tawag kanina sa labas at bukas na bukas din ay may darating na para irescue tayo dito!” nakangiti niyang sabi. “Yes!” tuwang-tuwang sabi ni Edison. Nakahinga din ng maluwang ang iba. Nagkatinginan kami ni Percy at pilit ko siyang nginitian. Hindi ko alam kung bakit pero parang may masama akong kutob sa nangyayari ngayon. O baka nagiging paranoid lang ako. “Anong oras darating ang rescue ma’am?” tanong ni Aaron dito. “Mga 6am daw bukas. May bagyo daw kasing maglalandfall ngayong gabi sa parteng ‘to kaya bukas pa sila makakapunta,” sagot ni ma’am Jyn na kababakasan mo na ng pag-asa hindi katulad kaninang umaga nang makita niya ang bangkay ng mag-asawang care-taker. “Ayos! Makakaalis na rin tayo dito!” tuwang-tuwang sabi ni Cyril sabay akbay kay Elize. Isa-isa kong tiningnan ang mga reaksyon nila. Isa sa mga taong nandito ngayon ang hinahanap naming killer, ang nagtatagong Nephilim. Ang taong may dual personality disorder na pumapatay kapag natrigger ang bad side niya ay siguradong isa sa mga nandito ngayon. Kung ibabase ko lang sa instinct ko ang pageliminate sa mga possible suspects, ang matitira na lang sa choices ko ay… si ma’am Jyn, si Yvonne, si Noemi at Elize. Tama. Puro babae ang pinaghihinalaan kong killer dahil sa pagkaperfectionist style ng mga murder cases. Masyado siyang kritikal pagdating sa mga detalye, isang may mataas na I.Q ang posibleng killer namin, isang taong may mataas na self-esteem at ego. Gusto niyang isipin naming lalaki siya dahil sa mga ginagawa niyang pagpatay kaya naisip kong babae siya. Sa apat na babaeng nasa isip ko, ang pinakakahina-hinala ay si ma’am Jyn, Noemi at Elize. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa mga taong kasama sa Camp Chiatri at kinailangan ng killer na isama sila sa’min dito ngayon. “Anong iniisip mo?” tanong ni Percy sa’kin. “Yung killer. May pakiramdam akong malapit na natin siyang macorner,” sagot ko sa kanya. Bigla itong nag-iwas ng tingin at saka nakipag-usap kay Elize. Weird. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at saka tumayo na maya-maya para bumalik sa kwarto. “Nakita ko ‘tong note na nakaipit dito kaya kinumpleto ko ng isulat yung names,” bungad ni Nicolai pagkapasok ko ng room. Hawak niya yung papel kung saan isinulat ni Percy kagabi yung mga numbers at symbols bawat page. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang ginawa niya. Girl 1: 02131410 – X (Marjorie Obalde) Boy 1: 02142400 – O (Charlie Molito) Boy 2: 02181730 – O (Alexis Dalmiento) Girl 2: 02191831 – O (Ehna Gamborra) Boy 3: 02232400 – Δ (Derick Agtalao) Girl 3: 04252400 – O (Cassiopeia Crux) Girl 4: 04260005 – O (Leah Fernita Venozo) Boy 4: 04260008 – O (Conrad Bryan Telo) Girl 5: 04260015 – X (Mrs. Carbonel) Boy 5: 04260015 – X (Mr. Carbonel) Girl 6: 04260020 – X (Kimberly Anne Galilei) Girl 7: 04260020 – X (Stephanie Galilei) Boy 6: 04260030 – Δ (Yves Virtucio) Boy 7: 04260035 – X (Prof. Argel Joseph Rivera) Girl 8: 04260036 – O (Prof. Samantha Patron) Boy 8: 04260115 – Δ (Mang Domingo Reyes) Girl 9: 06201015 – O (Yvette De Luna) “Mapagtatagpi-tagpi na natin ang buong kwento ngayong kumpleto na ang mga datos na kailangan natin,” may pagmamayabang niya pang sabi. “Marjorie Obalde… siya ang unang namatay na nakita ng killer?” “Yup. Nang imbestigahan ko isa-isa ang mga nasa pictures na ‘to, hindi ko inaasahan ang mga natuklasan kong connections nila,” sagot nito sabay abot sa’kin ng isang folder. Binuklat ko naman ito at binasa. February 14, 2006 A 40-year old woman with the name Marjorie Obalde has been slained last night… Hindi ko na muna itinuloy ang pagbasa ko dahil sa nakita kong kakaiba sa article. “Year 2006 siya namatay? Kung ganun…” “Bata pa ang killer nang makita niya ang pagkamatay ng babaeng nasa unang picture,” sabi niya. Agad kong kinuha yung black book at tiningnan ang mga sumunod na pages kasunod ng unang pahina. “Yung mga sumunod na pages, namatay din ba sila ng same year?” tanong ko sa kanya. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung excitement ba ito o kaba dahil sa unti-unting pagsagot sa mga tanong namin. “Charlie Molito, Alexis Dalmiento, Ehna Gamborra at Derick Agtalao ang mga pangalan ng myembro ng grupong sinasabing may kinalaman sa pagkamatay ni Mrs. Obalde. Hindi sila nakuha ng pulisya dahil masyado silang mailap kaya hindi na umusad pa ang kaso ni Mrs. Obalde sa korte. Yung nasa second page ay si Charlie Molito, 50 years old nang mamatay sa isang sunog last 2007. Ayon sa investigation ng pulisya, aksidente lang ang pagkakaroon ng sunog na nagmula sa isang nakasinding kandila na natumba malapit sa stove. Pero ngayon na may symbol ng bilog sa picture niya, lumalabas na hindi pala aksidente ang pagkamatay niya.” Hindi na muna ako nagsalita. Dahan-dahan kong dinadigest ang lahat ng sinabi niya at sasabihin pa. Isang taon matapos makita ng killer ang pagkamatay ni Marjorie Obalde, bumalik siya at naghiganti sa mga taong nakita niyang pumatay sa babae sampung taon na ang nakakalipas. “Pero bakit? Anong koneksyon niya kay Marjorie Obalde?” nasambit kong tanong. “Inalam namin ang tungkol sa pamilya ni Marjorie Obalde at napag-alaman naming may kambal siyang anak pero isa lang ang lumaki sa kanya.” “And the name is?” “Cassandra Obalde,” sagot ni Nicolai. “At malakas ang kutob kong siya ang hinahanap nating killer.” “Wait! That’s absurd! 2007 namatay ang mga taong may gawa ng pagkamatay ni Marjorie Obalde! You think it makes sense na isang… what? 10 or 11 year-old na bata ang may gawa ng krimeng yun?” “It’s possible.” Napabuga ako ng hangin sa sagot nito. That was damn crazy idea! “Sabihin mo nga, how could a meer 10-year old girl kill those bastards?” singhal ko sa kanya. “Charlie Molito died of arson. Kahit ang isang sampung taong gulang na bata kayang mag-iwan ng kandila malapit sa stove! It was intentional! And she has a motive!” “And what about the other guys?” “Alexis Dalmiento, 48 years old when died in a car accident. Ayon sa nakuha ng mga police na CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng aksidente, it looks like he was trying to avoid something in front kaya siya nabangga sa concrete barrier. Ehna Gamborra, 45 years old when died of poisoning at her own apartment. Sabi ng mga witnesses, there was a child at the scene nang makita nila ang bangkay ni Ms. Gamborra but disappeared when police came. And there was the case of Derick Agtalao who hanged himself after knowing the deaths of his former comrades! These cases remain unsolved dahil wala silang makuhang clues before and now, right here, is an evidence na isang 10-year old na bata ang may gawa ng lahat ng iyon!” “Pero paano kung… kung may iba pang may alam ng tungkol sa pagkamatay ni Marjorie Obalde other than her child? What if may ibang naghiganti instead of her?” Natigilan ito sa tanong ko at napaisip. “Walang ibang kamag-anak si Mrs. Obalde kaya ang natitira na lang ay ang ex-husband nito at ang isa pa niyang anak.” “May information ka ba about them?” “Yeah, wait,” sabi nito at saka inilabas ang netbook sa bag na dala nito. Maya-maya ay nabuksan na nito ang files na hinahanap. “Here. It’s… Roldan Crux.” “Crux… kung ganun…” “Si Cassiopeia Crux! Siya ang kakambal ng killer?” halos sabay pa naming sabi ni Nicolai. “Pero isa rin siya sa mga namatay sa Camp Chiatri di ba? Nakakapagtaka naman…” naguguluhan kong sambit. At isa pa, sinadyang sirain ng killer ang mukha ni Cassiopeia Crux sa picture which means sobrang galit siya dito. Anong dahilan at galit siya sa kakambal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD