17th HOUR: Memories

1296 Words
PERCY’S POV “Let’s start?” tanong ni Noemi sa’kin. Napalunok ako at saka tumango. Wala ng atrasan ito. Nandito na ako ngayon sa room niya at nakaupo sa harap ng kama niya. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Pinagpapawisan ako kahit na may aircon naman sa loob ng room. Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Noemi pero isa lang ang nasisiguro ko, gagawin ko ang lahat mahuli lang ang hinahanap naming killer. Pero paano kung si Noemi talaga ang killer at kaya niya ko pinapunta dito ay para patayin? Kinakabahan akong tiningnan si Noemi habang nagsisindi ito ng mga kandila. Teka, kandila? Saka ko lang napansin na patay pala lahat ng ilaw at natatakluban ang liwanag na nagmumula sa mga bintana. Sobrang dilim sa loob ng kwarto. Teka, may mga ganito na kong napanood dati ah! Yung mga kulto na nag-oorasyon para gawing alay sa… don’t tell me may tatawagin kaming kaluluwa at itatanong namin mismo sa kanila kung sinong pumatay sa kanila? Oo nga! Posible yun! “Wag mo nga kong tingnan na para akong isang kulto!” napapitlag ako nang bigla siyang magsalita. Nakaharap na pala siya sa’kin at kasalukuyan akong tinitingnan. “Ahm… ano ba kasing plano mo?” nag-aalangang tanong ko sa kanya. “Simple lang naman ang plano ko. I’ll use hypnotism on you,” parang wala lang na sagot niya. “Ha?” awtomatiko kong sambit. Ano daw? Hypnotism? “May hinala kasi ako na someone alter your memory kaya hindi mo maalala ang involvement mo sa Camp Chiatri.” “A-anong ibig mong sabihing involvement? Pinaghihinalaan mo ba ko?” pasigaw kong tanong sa kanya. “Chill! Hindi ikaw ang pinaghihinalaan ko but someone very close to you,” seryosong sagot niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “During the camping of your brother, naaalala mo ba kung anong ginawa mo? Kung nasaan ka?” Natigilan ako bigla sa sinabi niya. April 25 We’ll surprise kuya in their camp! Tama siya. Bakit hindi ko maalala kung anong ginawa ko noon? “Paano mo nalamang wala akong maalala sa mga panahong iyon?” tanong ko sa kanya. “I investigated your whereabouts kaya napag-alaman kong mahilig kang gumawa ng surprises for your brother. Kahit hindi sabihin sa’yo ng kuya mo ang schedule niya, nalalaman mo pa rin because of your link. And that link is someone so close to you… someone who is so dear to you…” “Anong…” “Gusto mo bang malaman kung sino siya?” dahan-dahan siyang lumapit sa’kin. Napaupo ako sa upuang nasa likod ko at sunud-sunod na napalunok. “Gusto mo bang malaman kung sino ang hinahanap nating killer?” Kakayanin ko ba? Magtitiwala ba ko sa kanya?  “Pumikit ka. Bubuksan natin ang nakatago mong alaala…” mahina pero kalmado niyang sabi. Sumunod na lang ako at pumikit. Tanging boses niya lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to. Boses na parang pinapatulog ako, dinadala sa pinakailalim ng dagat…  “Percy, someone’s looking for you sa labas, gusto yatang makipagkaibigan sa’yo ng bagong lipat nating kapit-bahay,” sabi ni kuya sa’kin habang nilalaro ko ang alaga kong si Whitie. “Saka na lang kuya! I’m still playing with Whitie kasi!” “Naku baka maging magkamukha na kayo ng alaga mo ah?” “Kuya naman!” nakasimangot ko pang sabi at saka kinalong na ang alaga ko paakyat ng kwarto. Sa labas ng gate, bahagya ko lang napansin ang batang matamang nakatingin sa’min. ‘Saka ko na lang siya kakausapin,’ sabi ko sa sarili ko at saka umakyat na sa taas ng kwarto. I guess that was our first meeting… “Kuya, have you seen Whitie?” nag-aalala kong tanong kay kuya habang abala na naman ito sa sinusulat niya sa black notebook niya. “Baka nasa garden lang?” hindi lumilingon na sagot niya sa’kin. “Pero tiningnan ko na siya dun!” “Nandiyan lang yan… hanapin mo na lang!” “Hmp! Ayaw mo lang ako tulungan ihh!” sabi ko at saka nakasimangot na pumunta sa likod-bahay kung nasaan ang garden namin. Napansin kong bukas ang gate kaya lumabas ako mula dito. “Whitie? Whitieeee… where are you?” sigaw ko habang naglalakad. Ang daming makakapal na d**o ang nadaanan ko. Sa di kalayuan ay may nakita akong matandang puno na may malalaking sanga at unti-unting nalalagas na mga dahon. Parang may anino pa kong nakita sa likod nito kaya dahan-dahan akong lumapit dito. Palapit pa lang ay nakita ko na ang ilang puting balahibo na nagkalat sa lupa. Nanlaki ang mata ko nang bigla kong maalala ang kulay puti kong alagang aso. Napatakbo ako papunta sa likod ng puno at nagulat ako sa nakita ko. Isang bata ang may hawak na kutsilyo at inililibing ang kawawa kong aso ang nakita ko. “W-whitie?” naluluha kong sambit. Natigilan ang bata sa ginagawa at nakangiting lumingon sa’kin. May mga mantsa pa ng dugo ang damit niya at may mga talsik din ng dugo sa maputi niyang mukha. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung batang nasa labas ng gate kahapon. “A-anong ginawa mo kay Whitie? Bakit siya ganyan?” sunud-sunod kong tanong sa kanya. Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti niya na ikinataas ng mga balahibo ko. Nakakatakot. “Wala ka nang kalaro. You can now play with me right?” nakangiti niya pang tanong. Napatingin ako sa hawak niyang kutsilyo na may bakas pa ng dugo. Napaatras ako. “NO!” sigaw ko sa kanya at saka tumakbo paalis ng lugar na iyon. Nanlalabo ang paningin na tumakbo ako paalis. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko: takot, lungkot at galit. She killed Whitie! I hate her! I hate her! Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi basta ang alam ko, gusto kong makaalis at makalayo sa kanya—sa nakakatakot na batang iyon. *** “Percy! May camping daw ang kuya mo next week! Punta tayo sa 25!” “Ehh? Saan?” “Camp Chiatri!” “Hmm… sige!” sabi ko at saka kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang diary app ko at saka nagtype. April 25 We’ll surprise kuya in their camp!   *** “Okay ka lang ba? Bakit kanina ka pa tahimik diyan?” tanong ko sa kanya habang nagbabrowse ng music sa cellphone ko. Naglalakad na kami ngayon papunta sa Camp Chiatri at kasalukuyan siyang nasa likod ko. “Percy pasensya ka na… pero kailangan ko ‘tong gawin,” rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Sinalubong ako ng isang malakas na hampas sa ulo at pagkatapos ay nawalan na ko ng malay. *** “Anak, anong nangyari? Hinimatay ka daw sa school?” tanong ni mom pagkagising ko. Wala akong maalala. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko. “Masyado mo kasing kinakarir ang extra-curricular activities ng school ei! Graduate na tayo kaya okay ng wag ka masyadong tumulong sa brigada!” “Ahh… oo nga ei hehe…” So naoverfatigue ako kaya ako nahimatay? *** “Akin lang si Daniel Percy. I’m sorry pero hindi ko hahayaang may ibang kumuha sa kanya.” “Akin lang si Daniel Percy. I’m sorry pero hindi ko hahayaang may ibang kumuha sa kanya.” “Akin lang si Daniel Percy. I’m sorry pero hindi ko hahayaang may ibang kumuha sa kanya.” “Akin lang si Daniel Percy. I’m sorry pero hindi ko hahayaang may ibang kumuha sa kanya.” “Akin lang si Daniel Percy. I’m sorry pero hindi ko hahayaang may ibang kumuha sa kanya.” *** “HAH!” napabangon ako bigla. Ramdam ko ang tagaktak na pawis sa buong mukha ko at ang init na sumisingaw sa buong katawan ko. Nagsalubong ang mga mata namin ni Noemi na nag-aalalang nakatingin sa’kin. “Are you okay?” nag-aalala niyang tanong sabay abot ng isang basong tubig. Tinanggap ko naman ito at saka inubos ang laman nito. Pinakalma ko muna ang paghinga ko bago ko siya sagutin. “Noemi… si… si Elize… kailangan kong makausap si Elize!”  *** KILLER’S POV “Oras na mapatay ko na ang kapatid mo, ako na lang ang mamahalin mo. Ako na lang ang makikita mong importante sa’yo… I love you…” sabi ko habang nakatingin sa picture na nasa cellphone ko. Picture ng lalaking pinakamamahal ko, picture ni Daniel. Tumayo na ako at kinuha ang mga bagay na ginamit ko sa lahat ng pagpatay na ginawa ko kamakailan lang. Masyado silang marami para patayin ko sila isa-isa kaya kailangan kong gumawa ng paraan para mabawasan ang trabaho ko… tutal ang tangi ko lang naman talagang target ay ang babaeng iyon. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang pumasok sa katabing kwarto. Let’s start the preparation! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD