When the 24th hour strikes the clock, prepare your heart because the devil is now out.
KILLER’S POV
Akala niyo ba matatakasan niyo pa ko?
Hindi.
Imposibleng makatakas pa kayo mula sa kamay ko.
Iisa-isahin ko kayo.
I got my black notebook from my drawer and touch the symbols encrypted on its cover. A devilish grin has formed in my lips when I heard the clock alarmed indicating that it’s already the time.
Time of reaping some souls.
```I stood up in front of the mirror and look at my own reflection. I’m wearing all black clothes and holding a mask I’ll wear later.
Great. All is now set.
As I stepped outside my room, a great feeling of excitement has came on me.
It’s showtime!
Katulad ng inaasahan, bumaha ang kadiliman sa buong bahay. Sulit ang pag-aaral ko ng kaunting physics during my break dahil naging madali lang para sa’kin na magset-up ng device na makakapagtrigger para bumaba ang breaker. Bahagya pa akong nakarinig ng pagtili mula sa kalapit na kwarto. Napangiti ako. Kahit nasa dilim, ramdam ko ang presensiya nila’t galaw. Pumasok ako sa unang kwarto kung saan ko papatayin ang una kong biktima sa gabing ito.
“Miviel, okay ka lang ba?” nakita ko pang paghagilap ni Aaron sa roommate niya gamit ang backlight ng phone nito. Napataas ang kilay ko nang mapansin si Miviel na dahan-dahang lumapit dito, may hawak itong matalas na bagay, probably a kitchen knife.
“Ikaw… ikaw ang pumatay kay Wayne!” sigaw ni Miviel dito at pagkatapos ay sinaksak si Aaron sa tiyan. Oww… what a nice scene! Amused lang akong nanood sa kanila habang nakatayo sa may pintuan.
Tsk, pinapadali niyo na naman ang trabaho ko, napapailing na sabi ko sa sarili ko.
“N-no… I’m not…” nahihirapang sabi ni Aaron dito. Napabuntong-hininga ako. Mukhang kailangan ko ng kumilos para mas bumilis ang aksyon. Pumasok ako sa loob ng kwarto dala-dala ang isang flash light. Itinutok ko ito sa gawi nila.
“Oh Miviel! Teka anong—bakit mo siya sinaksak?” pag-aarte ko.
“B`ecause he’s the murderer! Nakita ko yung lubid sa bag niya! It has Wayne’s blood!” parang nababaliw na sabi pa nito.
“No way! Hindi siya ang killer Miviel ano ka ba? Imposible ang sinasabi mo!” sabi ko pa at saka lumuhod sa harap ni Aaron. Sa tiyan pala ito napuruhan at halatang hirap na hirap na itong magsalita.
“Pero kasi—“
“Akin na nga yan at baka may magawa ka pa!” tumayo ako at saka inagaw sa kanya ang hawak niyang patalim na may bahid pa ng dugo ni Aaron.
“H-hindi ba talaga siya ang killer?” tanong niya na mukhang natauhan na sa ginawa.
“Hindi nga!” pilit ko sa kanya. “Mukhang nag-iwan siya ng mga evidences sa bawat kwarto,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa matalas na bagay na hawak ko. I really love the color and scent of blood.
“Teka anong ibig mong sabihin? Binabalak ba ng killer na—“
“Gu++++++++++++++++++++`sto ng killer na maghinala kayo sa isa’t isa para magpatayan kayo!” dugtong ko sa gusto niyang sabihin. Nanlaki ang mga mata nito at halata sa mukha nito ang pagsisisi sa nagawa.
“What have I—“napahilamos ito sa mukha habang naiiyak.
“Don’t worry hindi lang naman ngayon nangyari ‘to so no need to blame yourself,” sabi ko sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa patalim na nasa kamay ko. She’s coming out now.
“What do you mean?” takang tanong niya. Napapikit ako. ‘I’ll take over now’ rinig kong bulong mula sa loob ko. Pagkadilat ko, napangiti ako nang makita ang namumutla niyang mukha.
“Let’s just say… it happened bef
ore at Camp Chiatri. I was there,” sagot ko sa tanong niya. Natigilan ito at saka nanlaki ang mga mata. Then a flashed of memory came upon me.
“Okay ka lang ba? Bakit kanina ka pa tahimik diyan?” I heard her asked. She was not looking at me, so I guess this was my chance now. Dahan-dahan akong kumuha ng malaking bato at maingat itong inangat.
“Percy pasensya ka na… pero kailangan ko ‘tong gawin,” mahina kong sabi na ikinalingon niya. I took that chance at saka inihampas sa ulo niya ang malaking batong hawak ko. She fell and eventually passed out. I gasped as I looked at her sleeping body. It was too damn good. Sayang nga lang at hindi ko pa siya pwedeng patayin.
“D-don’t tell me i-ikaw ang—“ napabalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang magsalita ang babaeng nasa harap ko.
Napangiti ako nang mapaatras siya. Sinaksak ko kaagad siya sa tiyan at saka binulungan. “Yes I am,” binunot ko ang kutsilyo sa katawan niya. Nagtalsikan ang dugo mula sa katawan nito. Napaubo din ito sa sakit at nanghihinang napakapit sa’kin.
“B-bakit?”
“Bakit ako pumapatay?” inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at saka bumulong, “Because it’s fun.” Sinaksak ko siya ng isang beses pa sa tiyan bago ito tuluyang mapaupo sa sahig. Hiniwa ko ang leeg niya ng dalawang beses pati na rin ang dibdib niya. Binilang ko kung nakailang saksak na ako at nang masigurong 13 na ito, binalingan ko na si Aaron na nakahiga din sa sahig. Hindi na ito makapagsalita dahil sa panghihina pero patuloy ang pag-iyak niya. Napailing ako at saka naupo sa tabi niya.
“You were just like your brother Prof. Rivera, he was also killed by the woman he loves,” napangiti ako at saka hinawakan ang mga mata niya.
“You can sleep now, it’s already… your hour of death.”
4 months ago…
“Oh my God! What’s this?” that’s the first thing I heard as I sneaked in Camp Chiatri’s lodging house. Dahan-dahan akong lumapit sa isang kwarto at sumilip dito. It was a girl with long brown hair arguing with a tall man. There were some sachets with white substance on their bed which maybe the reason why they fought. Sinilip ko pa maigi kung meron pa silang kasama sa loob ng kwarto pero wala na.
Pinukulan ko pa ulit ng isa pang beses ang mga sachet na nasa kama at sa dalawang taong nasa loob ng kwarto bago ako tumalikod. I shrugged my shoulders and left. It’s not my business anyway. Maingat akong lumayo sa kwarto at tahimik na hinanap ang pakay ko.
Nakarating ako sa isang kwarto na hindi naka-lock. Maingat akong pumasok dito at saka iginala ang paningin sa paligid nito. Walang tao. Pero mukhang nasa loob lang sya ng comfort room dhil bahagya pa kong nakarinig ng lagaslas ng tubig mula dito.
Now, who’s the owner of this room? Nasulyapan ko sa isang mesa ang isang itim na notebook. Lumapit ako dito at napangiti ako nang makita ang naka-encrypt na pangalan sa cover nito. Daniel. Mabuti naman at tama na ang napuntahan kong kwarto. Umupo ako sa kama at sinimulan itong buklatin.
Everyone has their own darkness hidden in their hearts. Darkness that they do not want others to see. Darkness that can make them feel at peace, make them feel alive, make them feel free.
For quite some time now, I’ve been wondering how to unleash the darkness I’ve been hiding. I want to escape reality and live in my own dark haven.
Will you do me a favor?
*のためにみんなが*せますか。
Napatigil ako sa pagbabasa nang may mahulog na papel mula dito. Pinulot ko naman ito agad at saka tiningnan. It’s a list of participants in this camp.
Stephanie Galilei, 18 years old, College of Nursing
Kimberly Anne Galilei, 20 years old, College of Accountancy
Daniel James Montecer, 19 years old, College of Architecture
Cassiopeia Crux, 19 years old, College of Arts and Sciences
Conrad Bryan Telo, 20 years old, College of Engineering
Leah Fernita Venozo, 18 years old, College of Education
Yves Virtucio, 19 years old, College of Criminology
Prof. Samantha Patron, 42 years old, College of Psychology
Prof. Argel Joseph Rivera, 43 years old, College of Psychology
Mr. Domingo Reyes, 45 years old, school driver
Teka… Cassiopeia Crux? Napapikit-pikit ako. So this girl is here too huh?
“Sino ka?” natigilan ako nang may magsalita sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. “What the—“ gulat niya pang sambit. Well, who wouldn’t be surprised if you were to face some stranger who resembles you a lot right? I smirked.
“Hi my dear twin sister!” I gave her a fake smile.
“T-twin?”
“Yeah. Kakambal mo ko. Hindi pa ba obvious na para tayong pinagbiyak na bunga?” I told her while looking at her from head to toe. She just came out of the bath, her hair was still wet, and water drops were dripping down her neck. The area around her lips was the same with her neck that has tiny red marks. And to make it even more obvious, I recognized the shirt she was wearing—it was the one I gave Daniel on his last birthday.
I clenched my fist and fiercely looked at her.
“Dad hasn’t told me anything about having a twin sister!” medyo confused pang sabi nito. Mas lalong nadagdagan ang sama ng loob ko.
“Ofcourse! Why would your bastard father bother telling you about the ones he abandoned?” seryoso kong sabi sa kanya habang dahan-dahang lumapit sa kanya. Napaatras naman ito.
“A-anong kailangan mo?”
“Originally, I came here to surprise my dear Daniel but seeing you here looking like that makes me even more surprised,” dahan-dahan kong kinuha ang patalim na itinago ko sa likod ko habang patuloy pa rin ang pag-atras nito.
“W-wag kang lalapit!” natitilihan nitong sabi hang nakatingin sa hawak kong patalim. Agad naman akong bumangon at sinundan siya.
“Why? Aren’t you glad you finally meet your long lost sister?”
“No!”patakbo na sana ito papunta sa pinto pero naharangan ko ang daraanan niya.
“Why are you scared? Huh? Did I do anything wrong? You should have been happy to see me, right?”
“Let me go!” itinulak niya ko at saka ito dire-diretsong lumabas ng kwarto. Agad naman akong tumayo at saka sinundan siya.
“Hindi mo ko matatakasan…” mahina kong sabi habang sinusundan siya. Lumabas ito sa back door malapit sa kusina. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para abutan siya. Mabuti na lang at sanay ang mata ko sa dilim kaya madali lang para sa’kin ang sundan siya kahit ang nagsisilbi lang na liwanag ay ang full moon sa itaas. Nakarating kami sa mabatong bahagi ng gubat kung saan may ilog. Inihagis ko ang patalim na hawak ko sa kanya na tumama naman sa likod nito. Napatigil ito sa pagtakbo. Agad akong pumaimbabaw sa kanya at saka ko kinuha ang kutsilyong nakadaplis dito.
“Bitiwan mo ko!” sigaw niya.
“Lahat na lang kinuha mo sa’kin! Si dad, si mom, ang magandang buhay na para sa’kin at ngayon, kukunin mo din si Daniel? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba hahayaan na naman kitang makuha ang gusto mo? No way…” Sinaksak ko siya sa bandang tiyan. Napadaing ito sa sakit.
“H-Hindi ko… alam ang sinasabi mo!” umiiyak pang sabi nito. Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya.
“Your father abandoned me and mom para sumama sa ibang babae na hindi magkaanak. Iniwan niya kami! Lumaki akong walang ama samantalang ikaw, buo ang pamilya! And on my birthday, mom has been killed… by your father’s underlings!” hinihingal ko pang sabi sa kanya. Sobrang sakit. It felt like choking while saying those words.
“A-anong…”
“Someone helped me avenge mom’s death at doon ko nalaman ang lahat! He was the mastermind! Your father killed my mom!” Sinaksak ko siya ng isang beses sa may bandang dibdib. Nagtalsikan ang dugo mula sa kanya papunta sa mukha ko. But I don’t care. Not even a little. Seeing her like this makes me feel self-satisfaction and overjoy. Something I’ve been wanting to feel until now.
“Pareho lang naman tayo ng mukha kaya paanong ikaw ang nagustuhan niya?” Inilapit ko sa mukha niya ang kutsilyo at saka ito dahan-dahang idinampi sa pisngi niya. “Kahit kelan hindi ko nagustuhan ang idea na may kapareho ako ng mukha.”
“N-no…” nanghihinang sabi pa nito habang may lumalabas na dugo sa bibig nito. I’m glad she was still alive dahil kung mamamatay siya agad, hindi na magiging exciting ang mga susunod ko pang gagawin sa kanya right?
I started slitting both of her cheeks down to her neck. Napahikbi ito sa sakit. I raised my hand at saka ito sinaksak sa mata.
“So you won’t be able to see me…” Ibinaba ko ang kutsilyo papunta sa dibdib niya. I can sense her breathing slowing down. “Daniel’s inside right?” Sinaksak ko ito ng paulit-ulit sa may dibdib hanggang sa magkaroon na ito ng opening. At last, her heart beat stopped. I looked at my watch.
“Exactly 12:00AM, that’s your hour of death, my sister!” Dinukot ko ang puso mula sa loob nito at saka ko siya paulit-ulit na pinagsasaksak. “This is for everything you and your dad have done!”
Nang mapagod ay tumayo na ako at pinagmasdan ang walang buhay niyang katawan. Sa kamay ko ay mahigpit kong pinisil ang pusong kinuha ko sa kanya.
“Wow, what a nice view!” napalingon ako sa likod ko nang may biglang magsalita dito.
“Sinong nandiyan?” sa isang iglap ay may tumalon mula sa itaas ng puno pababa. Hindi ko pa masyadong makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng anino ng katabing puno. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
“Daniel? Is that you?”