19th HOUR: The Accomplice

2063 Words
Nagsimula ng pumatak ang ulan sa madilim na kagubatang kinaroroonan nila habang sa loob ng bahay na dapat magsisilbing ampunan nila sa mga ganitong sitwasyon ay may nakabibinging katahimikan na ++umabalot. Alam ng bawat isa na may nangyayari ng hindi maganda sa loob ng bahay. Tahimik silang naghihintay. Ang iba ay nagtatago sa dilim, patuloy na nakikiramdam. Bumibilis ang pagtibok ng kanilang puso sa bawat paglingitngit ng sahig na kanilang nadidinig. Hindi nila alam kung anong mangyayari. Pero iisa lang ang nasa isip nila, hindi pa sila pwedeng mamatay. Sa pasilyo ay may isang aninong dahan-dahang naglalakad papunta sa isang kwarto. Maingat siyang tumigil sa tapat ng isang pinto, siniguro niyang hindi siya makakalikha ng kahit anong ingay. Itinaas niya ang kamay at saka kumatok. Napangiti ito nang maya-maya pa’y pagbuksan siya ng kung sinumang nasa loob at tuluyang papasukin. Nagsara ang pinto at kung anuman ang nagaganap sa loob ay walang nakakaalam. PHILLIPSE’S POV “Sh*t! Asan na ba kasi si Percy?” Ilang beses ko pang sinubukang kontakin siya pero hindi talaga ako makasagap ng signal. “Pwede bang magrelax ka dyan? Nahihilo na ko sa kakaikot mo!” sinamaan ko siya ng tingin. Nakaupo lang ito sa kama habang nakade-kwarto at may hawak na cellphone. “The killer might kill anyone of us any moment now! Baka nga nagsisimula na siya and you wan’t me to calm down and relax?!” singhal ko siya. Napabuga na lang ako ng hangin out of frustration. Naghagilap ako ng flashlight sa mga drawers pero wala akong makita. Binuksan ko lang ang flashlight app sa phone ko para may magsilbing liwanag sa kwarto but I doubt kung magtatagal pa ito. Kaunti na lang kasi ang charge ng phone ko. “It’s not like our killer here has some witch power or something, right? She’s not a death God so if she tries to kill us, I’m sure she’ll just fail!” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Why is he so calm right now? “And if you were wondering why I am so calm right now, that’s because I already found out who is our real enemy here!” Nakangiti pa nitong sabi sabay pakita sa hawak na cellphone. “Huh?” “Remember the initials written in the first page of the black book?” Pilit ko namang inalala kung anong sinasabi niya habang dahan-dahan itong lumalapit sa’kin. Binuklat namin ang sumunod na pahina at may nakasulat ditong initials na mukhang letrang I at P à エ.ア “So what about it?” “It’s a Katakana of E and A! At iisang tao lang ay may initials na ganyan dito!” Napamulagat ako nang makuha kung anong gusto niyang sabihin. Initials na E at A. Ang hinahanap naming killer ay si… Elize Alvarez? Tiningnan ko yung picture na nasa cellphone niya. File ito ni Cassiopeia Crux pero mukhani Elize ang nandito. “Ngayon ko lang naalala na may mga files nga pala akong kinuha sa database ng school. Mabuti na lang at may copy ako dito sa cellphone ko,” nakangiti pa nitong sabi. Everything makes sense now. “Phi!” napatingin kami sa babaeng humahangos na pumasok sa loob ng kwarto. “Ohh thank God, you’re okay Percy!” agad ko siyang niyakap. “Where have you been, huh?” “Nanggaling ako sa kwarto ni Noemi. She used hypnosis on me para maalala yung mga nalimutan kong memories before!” binitiwan ko na siya at saka siya iniharap sa’kin. “How is it?” “I… I think—“ “It was Elize right?” pagtatapos ko sa gusto niyang sabihin. Gulat siyang napatingin sa’kin. Hindi niya alam kung sasang-ayon ba sa’kin o hindi. “Pero, it’s impossible! Kahit gaano ko isipin, hindi ako naniniwalang makakagawa ng ganung bagay ang bestfriend ko. I know her…” maluha-luha pa nitong sabi. I can’t blame her. It must have been a shock to her to know that her bestfriend that she knew since childhood was the same bestfriend who killed several people. “She has a dual personality disorder so it’s really possible for her to kill! It’s possible for her other persona to kill…” Inalalayan ko ito paupo sa kama. Mukhang bigla itong nanghina. “Sabihin mong panaginip lang ‘to. Sabihin mo Phi!” tuluyan na itong umiyak. “I’m sorry. I also wished this was all a dream. A bad dream. But don’t worry… matatapos din ang lahat ng ‘to. Kakayanin natin ‘to okay?” I wish I can ease her worries. Seeing how devastated she was right now makes my heart ache. “Shouldn’t we warn other rooms about the identity of our killer?” Nicolai suggested. Napatingin naman ako kay Percy. “Is she… really the killer?” I nodded. Pinunasan nito ang magkabilang pisngi at saka tumayo. “Let’s do it!” Agad kaming lumabas ng room at pinuntahan ang katabing kwarto. Kumatok naman kami agad dito. “Sino yan?” rinig kong tanong nito mula sa loob. Mukhang nag-iingat din sila. “This is Phillipse and I’m with Percy!” sagot ko sa kanya. Narinig naman namin ang mga yabag nitong papalapit at maya-maya pa’y pinagbuksan niya na kami. “Sino siya?” agad nitong tanong pagkakita kay Nicolai. “He’s Nicolai, an FBI agent. May importante kaming sasabihin sa inyo. Pwede niyo ba kaming patuluyin?” Niluwagan naman nito ang pinto kaya pumasok na kami. Hindi pa man kami nakakahakbang ng tuluyan papasok nang matigilan na kami sa may pinto pa lang. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko pagkakita kina Keiichi at Christine na may mga baril na nakatutok sa’min. “One wrong move and you’ll all be dead!” mariing sabi nito. Itinago ko naman sa likod ko si Percy na mukhang nanghina bigla sa takot. “Hindi kami ang kaaway!” sabi ni Nicolai dito. “Well, we’re not sure about that!” naka-crossed arms pang sabi ni Cyril habang nakasandal sa pader. Narinig ko ang pagkasa ni Keiichi sa hawak niyang M1911 pistol gayundin si Christine. “Wala kayong mapapala kung papatayin niyo kami!” sabi ko sa kanila. “Babarilin namin kayo kung hindi kami masasatisfied sa isinadya niyo dito!” seryosong sabi ni Keiichi. “Now, talk!” “We already know who the killer is!” agad kong sabi sa kanya. “Sino?” “It’s Elize…” mahinang sagot ni Percy sa likod ko. Gulat na napatingin naman sila sa’min. “Nagbibiro ka ba? Paanong si Elize ang pumapatay ha?” galit na turan ni Cyril. “She was obsessed with my brother,” umalis na si Percy mula sa pagkakatago sa likuran ko. “Hindi ko rin matanggap na siya ang hinahanap nating killer pero… kapag iniisip ko ang mga nangyari and… her being the killer… everything just makes sense…” umiiyak pa nitong sabi. Ibinaba naman na nila Keiichi ang hawak nilang baril. “Sinasabi ko na nga ba’t may kakaiba sa babaeng yun,” napatingin kaming lahat kay Keiichi.  “Bakit?” I asked. “She came here this afternoon para sabihing tinatawag ako ni Christine sa baba pero pagbaba ko, nakasalubong ko si Christine na paakyat. I thought it was weird but I decided to ignore it. Pagkarating namin ni Christine sa room, palabas na ng kwarto si Elize. Mukhang nagulat pa siya pagkakita sa’min.” “Oo nga noh, that was weird. Pero, anong sadya niya sa room natin?” tanong ni Christine. “Teka, hindi niyo kashare ng kwarto si Elize? I thought she was staying in this room too!” sabi ni Percy habang nakahawak sa magkabilang sentido ang kamay. “What? I thought she was with you?” sabat naman ni Cyril. “No…” “So she was alone in her room? Bakit ngayon lang natin na-realize kung gaano kadaling matukoy ang identity ng killer natin?” sabi pa ni Keiichi. “Kung ganun, nasaan na siya ngayon?” napatingin kaming lahat kay Christine sa tanong nito. “We need to get on the other rooms and warn them!” tumayo na si Keiichi at Christine. Tumango naman kami bilang pagsang-ayon. Paglabas ng kwarto, bigla na lang kaming nakarinig ng tunog na parang nahulog kaya pare-pareho kaming natigilan. “Mukhang galing sa baba!” sambit pa ni Keiichi. “We’ll check on it, mauna na kayo sa kwarto nila Miviel!” sabi ko sa kanila at saka hinila si Percy pababa ng hagdan. Iniwan namin silang apat sa taas. Nang makarating sa kusina sa baba ay agad na napasigaw si Percy dahil sa tumambad sa’min. May mga nakahilerang patay na kambing sa may lababo at punong-puno ng dugo ang sahig. What on earth is the meaning of this? *** “You really love bloodshed, aren’t you?” I smiled as I hear his voice behind me. “You’re late!” I told him at saka tumayo. “Mabuti naman at narecognize mo na agad ang boses ko ngayon, unlike the first time we met and thought that I was your lover?” “Don’t bring that up now!” sabi ko sa kanya. Natawa naman ito. “Wow, what a nice view!” napalingon ako sa likod ko nang may biglang magsalita dito. “Sinong nandiyan?” sa isang iglap ay may tumalon mula sa itaas ng puno pababa. Hindi ko pa masyadong makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng anino ng katabing puno. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. “Daniel? Is that you?” “That’s not my name my dear!” Napaatras ako nang makita ang isang lalaking nakamaskara. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. I can smell gunpowder from him kaya hinagilap agad ng mata ko ang magkabila niyang kamay. He was holding a rifle on his left hand. “You’re a hitman?” “Sort of,” tinanggal nito ang suot na maskara kaya tumambad sa paningin ko ang itinatago niyang mukha. May makinis itong mukha, matangos na ilong at mahahabang pilik mata. Hindi nalalayo ang kagwapuhan at kakisigan niya kay Daniel. “Ang gwapo kong hitman di ba? Kaya nga hindi ako nag-aapply as doubles ng mga action stars kasi baka maungusan ko sila! That would be a shame right?” mayabang pa nitong sabi with his very husky voice. Natawa naman ako bigla dito. “Fine! Gwapo ka nga, pero mas gwapo pa rin si Daniel sa’yo!” naka-crossed arms ko pang sabi sa kanya. “So anong kailangan mo?” “Let me help you?” “Excuse me?” Parang hindi ko yata masyadong naintindihan ang sinabi niya. “You came from that lodging house right?” Itinuro nito ang pinanggalingan kong bahay sa di-kalayuan. “Yeah, so?” “I saw them this morning. And ugh, they’re attitude were really something!” Halata ang inis sa boses nito. “And?” “Are you not going to kill them too?” Dire-diretsong sabi nito. “Why would I?” “Because it’s fun?” Pareho kaming natawa sa sinabi nito. “I like you!” Tumatangu-tango ko pang sabi sa kanya. “Wow, is that a confession?” May paghawak pa sa dibdib na sabi nito. “I like your attitude. That’s what I mean!” Pagtatama ko sa sinabi ko. Napatangu-tango naman ito. “Sabi ko nga gwapo lang ako! So… will you let me help you? I’m Drake by the way!” Inilahad nito ang kamay sa’kin. “I’m Elize and yeah, it’s a deal!” Tinanggap ko ang kamay nito. Napabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang lumuhod ito sa harap ko at inspekyunin ang mga katawang kakatapos ko lang bawian ng buhay. “Tsk, killed by knife again? Aren’t you getting tired of slicing and stabbing their bodies 13 times? If it were me—“ “You’ll kill them by your gun or hang them right?” pagtatapos ko sa gusto niyang sabihin. “That’s easier!” tumayo siya sa tabi ko at tiningnan ang mga katawang nasa lapag. “No sign of protest? You used a poisonous gas again?” “No. I used some poison named Aconite!” pagmamalaki kong sabi sa kanya. “It leaves only one post-mortem sign—asphyxia, as it causes arrhythmic heart function which leads to suffocation. And according to my research, even after touching the leaves of the plant without wearing gloves can poison them as it is very rapidly and easily absorbed. Perfect for my plan right?” Nilapitan ko ang bed side table nila kung saan nakapatong ang night cream nila na nilagyan ko ng aconite kanina. Everything is smoothly going according to my plan. Tiningnan ko pa ng isang beses ang duguang katawan ni Ma’am Jyn at Yvonne na nasa lapag. “Now, who’s next?” napabalik ang tingin ko sa kanya sa tanong niya. Kinuha ko naman ang mga papel na nasa bulsa ko. “Eeh, you still have that?” I can see how he smirked at me. “You’re very loyal, aren’t you?” “It’s none of your business!” Binasa ko ang sunod na nakasulat sa papel. Lumapit naman siya sa’kin at nakibasa na din. I stared at their lifeless bodies as it was being covered by their own blood. I slit through their skin like slicing some meat. Aconite, just like how I’ve anticipated its effect, fulfilled its mission upon having these bitches’ death. I looked around the empty room. Its silence is charging me up. I closed my eyes and filled my lungs with air. After few seconds,I opened my eyes and looked at the door at one corner. It was my lover’s room. Target locked. “Hmm… so it was his turn now eh?” rinig kong sabi ng katabi ko pagkatapos basahin ang nasa papel. “15 minutes from now, that will be his hour of death,” sabi ko sa kanya matapos kong tumingin sa relong suot ko. Wait for me, Cyril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD