KEIICHI’S POV Nang bumaba sila Percy ay agad kaming naglakad papunta sa kwarto nila Miviel. Wala kaming sinayang na sandali dahil alam naming posibleng kumikilos na ang killer. Napahinto ako bigla nang mapansing may mali. Napalingon ako sa mga kasama ko. Gayon na lang ang pagbaha ng kaba sa dibdib ko nang makitang tatlo na lang kaming magkakasama. “N-Nasaan si Cyril?” agad kong tanong. Agad kong tinakbo ang huling pasilyong pinanggalingan namin pero wala ito. Tahimik ang buong pasilyo. “Ohh sh*t!” napahilamos na lang ako sa mukha. “B-baka naman sumunod siya kina Percy sa baba?” napalingon ako kay Christine sa sinabi nito samantalang tahimik lang ang kasama naming FBI agent. Nilapitan ko naman ito agad at saka kinwelyuhan. “Asan si Cyril, ha?” “You’re seriously suspecting me now?”

