PERCY’S POV Sinalubong ko siya ng yakap. Sa isang iglap ay nawala lahat ng alalahanin ko, lahat ng suspetsa ko’t paghihinala, lahat ng gumugulo sa isip ko. Napangiti ako. Pero bigla rin yung napawi nang marinig ko ang bulong niya. “I’m sorry Percy.” Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa likod ko. Kasunod nito ang hindi matatawarang sakit. Napaubo ako. Gumalaw siya at walang pagdadalawang-isip na hinugot ang bagay na iyon. Masakit. Sobrang sakit. Napakapit ako sa kanya. Sa pangalawang beses, napaubo ako. Nalasahan ko ang sarili kong dugo na lumalabas na sa bibig ko. Tiningnan ko siya. Nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha niya. “Why… why are you doing this?” pabulong kong sabi sa kanya. “You already know the reason Percy. You knew, but you still can’t accept it.” Napa

