11th HOUR: Masked

1998 Words
“Percy, tingnan mo ‘to!” may inabot na kulay itim na sobre si Cyril sa’kin. “Saan mo nakita ‘to?” tanong ko sa kanya. May masama akong kutob dito ahh… “Sa may tulay,” sagot niya. Binuksan ko ang envelope at kinuha ang kapirasong papel na nasa loob nito. Tumabi sila sa’kin at saka namin binasa ang nakasulat dito. Swayed by the wind, dried by the sun Be careful to move or a head would be gone. It’s cold, it’s sharp, you feel my knife In your flesh I’ll cut, I’ll end your life. “Another manifesto,” bulong ko. “Another? Bakit, may nareceive ka na bang ganyan?” tanong ni Cyril. Kinuha ko yung papel sa bulsa ko at pinakita sa kanya. “Nakita ko ‘to kanina sa bulsa ng jacket ko,” sabi ko sa kanya. “Bakit hindi mo agad sinabi na may narereceive ka na palang manifesto from the killer?” nakasimangot na tanong ni Elize. “Sasabihin ko sana kanina kaso kami pala yung huling dumating. At wala na rin naman kaming magagawa dahil hindi naman namin alam kung sino ang bibiktimahin niya,” paliwanag ko sa kanila. “Ibig sabihin, may mamamatay pa?” tanong ni Edison. “Mukhang nagsisimula pa lang siya,” seryosong sabi ni Noemi. “Ang mabuti pa dalhin natin itong katawan ni sir para maiuwi sa pamilya niya pagbalik natin,” suggest ni Aaron. “Sinong magbubuhat?” tanong ni Steffi. “Kami na ni Cyril,” prisinta ni Keiichi. “Haaa??” mukhang tatanggi pa sana si Cyril pero sinamaan siya ng tingin ni Keiichi. Ibinalot na muna nila ang katawan ni sir ng kumot at saka nila pinagtulungang bitbitin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ayon sa mapa na ibinigay ni sir Marlo kanina, isang stop na lang bago dumating sa camp site. Doon na lang siguro kami maglalunch. Tahimik. Tanging ang maririnig lang ay ang mga yabag namin habang natatapakan ang mga tuyong sanga ng puno at mga nalagas na dahon, mga huni ng ibon at mga tunog ng samu’t saring hayop sa di kalayuan. Buti na lang may mga malalagong puno na tumatakip sa init ng araw kaya hindi masyadong nakakapaso sa balat. Tumingin ako sa relo ko. Magaalas-dose na pala ng tanghali, kaya pala medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Mga ilang minuto pa bago kami nakarating sa last stop. Katulad ng nauna, may red flag din na makikita sa gitna nito at may mga trosong pwedeng gawing upuan. Inilapag ko ang dala kong backpack sa isa sa mga upuan at naupo. May mga punong malalago ang dahon na tumatakip sa buong lugar kaya hindi masyadong mainit. Nilingon ko si Phi na kauupo lang sa tabi ko. “Gutom ka na noh?” agad na tanong niya. Sasagot pa lang sana ako nang biglang tumunog ang tiyan ko. Natawa na lang kami pareho. Inilabas namin yung mga dala naming lunch box at saka nagsimulang kumain. Nakita kong nagsimula na ring kumain yung iba. Habang kumakain, mataman kong pinagmasdan ang iba naming kasama. Tahimik na kumakain si Elize katabi si Cyril, Christine at Keiichi. Sa isang upuan naman ay busy sa pagkalikot ng kanya-kanyang cellphones sila Aaron at Edison habang panay naman ang buntong-hininga ni Wayne sa tabi nila. Mukhang iniisip pa rin nito ang nangyari sa mga kaibigan niya. Nakita kong nilapitan ito ni Miviel at tinabihan. Nagawi naman ang mata ko sa kabilang side kung saan nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno si Noemi. Nasa tabi nito ang nakatungong si Steffi. Marahil ay shocked pa rin ito sa mga nangyayari. Si Ma’am Jyn at Yvonne naman ay magkatapat na kumakain sa isang tabi. Pareho silang walang kibo at tila may malalim na iniisip. Matapos kumain, napagpasiyahan kong lapitan si Ma’am Jyn. Iniwan ko muna si Phi na nag-aayos ng laman ng bag niya. “Anong oras po tayo aalis ma’am?” tanong ko kay ma’am Jyn pagkalapit ko sa inuupuan nila. Napatingin din sa’kin si Yvonne. “Mga after 10 minutes siguro para nakababa na ang kinain natin,” sabi nito sabay pilit na ngumiti. Nilingon ko pa si Yvonne bago bumalik sa pwesto namin kanina. Napansin kong malalim ang iniisip ni Phi habang nakatingin sa kawalan. “Anong iniisip mo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw,” sagot nito sabay tingin sa’kin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngumiti ito ng maluwang at saka ginulo ang buhok ko. “Wag ka kasing lalayo para hindi kita mamiss,” banat niya pa. “Ehh?” reaksyon ko. Pakiramdam ko pulang-pula na ang magkabila kong pisngi ngayon. Lalo pa itong gumwapo sa paningin ko nang humalakhak ito. “Anong amoy yun?” napalingon kami pareho kay Elize nang malakas itong magsalita. Suminghot-singhot ako. Parang wala naman ah? “Oo nga! What was that?” may pagkairitang tanong ni Steffi. Maya-maya, napatakip na rin ako sa ilong ko nang may maamoy na kakaiba. Bakit parang inaantok ako? Nakita kong bumagsak si Yvonne at ma’am Jyn. “Sh*t! Hindi maganda kutob ko dito!” mahinang sabi ni Phi na nakatakip na rin ng ilong. Hinawakan niya ang kamay ko. Hahakbang pa lang kami palayo nang mapansin naming nagiging mausok na sa pwesto namin. Napaubo ako. It’s a sleeping gas. Nagsimula na akong antukin. Kahit si Phi, nakita kong unti-unti na ring nanghihina. We need to run out of here! Nilingon ko yung iba at kahit nanlalabo na ang paningin, nakita kong mga nakahiga na silang lahat. At sa gitna kung nasaan ang red flag, may nakatayong kung sino. Dahan-dahan itong humarap sa gawi ko kaya nakita kong nakamaskara siya. Napatingin siya sa’kin habang unti-unti akong nanghihina at nawawalan ng ulirat. Bago tuluyang mawalan ng malay, kitang-kita ko kung paano siya ngumiti. Isang makahulugang ngiti. Isang pamilyar na ngiti. Siya si… *** “Percy wake up! Gumising ka na please?” Naririnig ko ang boses ni Phi. Tinatawag niya ko. Nag-aalala siya. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Phi. “Oh thank God! You’re okay!” sabi niya sabay yakap sa’kin. “Anong nangyari Phi?” mahina kong tanong sa kanya. “Mukhang pinatulog niya tayong lahat,” sagot niya. Humiwalay ako sa kanya at nilingon ang mga kasama namin. Mukhang kagigising lang ni Cyril at Elize. Si Keiichi at Christine naman ay nakaupo na sa isa sa mga bench. Si Noemi ay nakapikit pa rin sa ilalim ng puno. Sila ma’am Jyn at Yvonne ay tila inaantok pa habang nag-uunat ng braso. “Asan si Wayne?” sigaw ni Miviel na kakabangon lang. Inikot namin ang paningin namin pero hindi namin siya makita. “Katabi ko lang siya kanina!” mukhang alalang-alalang sabi nito. Inalalayan ako ni Phi para tumayo. “Sila Edison at Aaron? Nasaan sila?” tanong ko din. “Saka… si Steffi?” nilibot ko na kasi ang paningin ko kanina at hindi ko makita sa malapit ang tatlong iyon. “AHHHHHHHHHH!!” nagulat kaming lahat nang may marinig kaming sigaw. “Si Edison ba yun?” tanong ni Cyril. Maya-maya’y nakita namin si Edison at Aaron na namumutla habang tumatakbo palapit sa amin. “G-guys! Kailangan niyong makita ‘to! Bilisan niyo!” sabi ni Aaron sa’min at saka tumakbo pabalik sa pinanggalingan nila. Naguguluhan man, sumunod na lang kaming lahat sa kanila. Iniwan namin sa base yung katawan ni sir Marlo at yung mga gamit namin. Saglit lang at nakarating kami sa isang mabatong parte ng gubat. May maliit na talon sa isang bahagi nito. Malakristal ang tubig na bumabagsak mula sa talon. Pero hindi sa ganda nito kami napatulala at napatigil, kundi sa katawang gumagalaw sa ihip ng malakas na hangin habang pinupuluputan ng masikip na lubid ang leeg nitong halos magkulay-ube na ang kulay. Punung-puno din ito ng dugo dahil sa dami ng saksak sa katawan. “Oh my God..,” hindi makapaniwalang sambit ni ma’am Jyn. “Kawawang Steffi,” mahinang sabi ni Christine, bakas ang awa sa mukha nito. Inakbayan ito ni Keiichi. Pagkatapos masaksihan ang pagkamatay ng mga kaibigan niya, ito na mismo ang dinalaw ni kamatayan at pinukulan ng kanyang karit. “Anong gagawin natin?” tanong ni Cyril. “Tulungan mo kong ibaba siya pre!” sabi dito ni Keiichi. Wala ng nagawa si Cyril nang mauna na itong lumapit sa may talon. Nakabitay ang katawan ni Steffi sa isang sangang nakaipit sa mga bato malapit dito. Paano niya nagawang bitayin si Steffi? Ibinaba na nila ang katawan ni Steffi malapit sa’min. Dahan-dahan akong lumapit dito. Pumwesto sa uluhan ni Steffi si Phi at sinimulang inspekyunin ang mukha nito. “Mukhang pinatay siya ng killer nang oras na makatulog siya kanina kasama natin,” sabi ni Phi. Tama siya. Base kasi sa mukha nito na nagsimula nang magrigor mortis, namatay ito habang nasa state of unconsciousness. “Paano niyo pinutol ang lubid?” tanong ko kay Cyril. “May cutter ako, ang hirap nga eh! Ang tigas kasi nung lubid!” reklamo nito. Tiningnan ko yung natirang lubid sa pinagtalian dito. Mataman kong tiningnan ang leeg ni Steffi. Napapikit ako. Parang may scenario na biglang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at tiningnan ang itaas na bahagi kung saan binitay si Steffi. “Phi, pwede mo ba kong samahan sa taas?” tanong ko sa kanya. Tiningnan niya yung direksyon ng tinitingnan ko kanina at mukhang nagets niya na kung anong gusto kong alamin.  Saglit kaming nagpaalam sa kanila at saka naghanap ng daan paakyat. Malapit dito, nakahanap kami ng isang makipot na daan. Medyo mabato kaya inalalayan ako ni Phi sa pag-akyat. Maya-maya, nakarating na rin kami dito. “Mukhang pareho tayo ng nasa isip ah,” nakangiting sabi ni Phillipse. Alam na namin kung paano nagawang bitayin ng killer si Steffi pero hindi pa rin namin alam kung sino siya. Kung kasama ba talaga namin siya o hindi pa namin nakikilala. Bahagyang napukaw ang iniisip ko nang mapansin ang isang itim na bagay na nakaipit sa mga bato. Nilapitan ko ito at kinuha. Itim na sobre. Dahan-dahan kong kinuha ang kapirasong papel na nasa loob nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan. The unneeded casts were now out of the scene All 12 of you, let the real game begin You’ll mind, you’ll cry, your hope will all lost I’m here, I’m there, or nowhere at most You blink, you sleep but you cannot hide I’m the killer who waits, I’ll be by your side A friend, a foe, a Nephilim I’m the 13th guest who will end this scheme. Teka… pamilyar ‘to ahh… “All 12 of you? Tayo ba ang tinutukoy niya diyan? Teka..,” saglit itong nagbilang sa isip at saka tumingin sa’kin. “13 pa tayo ahh!” “Ibig sabihin isa nga sa atin ang killer?” tumayo ako at ibinalik sa sobre ang kapirasong papel. “Mukhang ganun na nga,” seryosong sabi ni Phi. “Pero ang nakakapagtaka…” “Bakit dito niya iniwan ang papel na ‘to?” dugtong ko sa gusto niyang sabihin. Napatango ito. “It’s like the killer knows what we’re thinking,” nakapamulsa nitong sabi. Bigla akong kinabahan. Parang may kung ano sa loob ko na nagsasabing may nakaligtaan kaming kung ano. Isang bagay na makakatulong sa’min sa paglutas ng kasong ‘to. “Ang mabuti pa bumalik na muna tayo sa kanila,” sabi ni Phi maya-maya. Sumang-ayon ako at saka kami bumaba at naglakad pabalik sa base. Nadatnan naming umiiyak si Miviel katabi ang isang katawan ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Phi. Napatakbo ako palapit dito. Si Wayne. Punung-puno siya ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan niya. May laslas pa siya sa leeg niya at halos makita na ang mga litid at ugat nito. Pero bakit? “Nakita namin siya sa likod ng puno doon,” turo ni Aaron sa isang malaking puno mga tatlong metro ang layo mula sa base namin. “Malaman ko lang talaga kung sinong gumawa nito, papatayin ko siya!” galit na galit na sabi ni Miviel habang patuloy pa ring umiiyak. “Now there’s a conflict here,” nilingon ko si Phi na mukhang may malalim na iniisip. Kahit ako man ay naguguluhan, akala ko si Steffi na ang last victim niya bago kami makarating sa kampo. Kaya paanong pati si Wayne ay patay na rin? Bigla kaming nakarinig ng mga kulog kaya napatingala ako sa langit. Nagsimula nang kumulimlim. “Baka abutan tayo ng ulan, ang mabuti pa bilisan na nating maglakad para makarating na tayo sa lodging house,” sabi ni Yvonne. Mukhang nasanay na ito sa sunod-sunod na patayang nasasaksihan namin. Hindi na ito mukhang gulat sa nangyari kay Wayne.             “May isa pa palang possibility dito,” napatingin ako kay Phi nang magsalita ito sa tabi ko. Halatang ayaw niyang iparinig sa iba ang gusto niyang sabihin kaya inilapit nito ang mukha sa akin. “There is someone here other than the killer who kills,” bulong niya. Someone other than the killer? Napatingin ako sa mga kasama namin at napatigil ako nang makita ang maliit na mantsa ng dugo sa kaliwang braso ng isa sa kanila. Siya ba? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD