Isang saglit pa at nakarating kami sa isang tulay na gawa sa pinagtagpi-tagping lubid at table ng kahoy. Paghakbang ko sa b****a nito, napalunok ako nang marealize kung gaano kataas ang pwesto namin.
“Oh bakit ka tumigil? Don’t tell me, may takot ka sa heights?” rinig kong biro niya. Kinalma ko muna ang sarili ko at saka humarap sa kanya.
“W-wala akong takot s-sa heights noh!” sabi ko sa kanya. Shiz. Why did I stammer?
“Okay! Sumunod ka kaagad ha?” sabi niya at saka ako tinalikuran. Paghakbang nito ng isa, bigla itong tumigil at nilingon ako.
“Bakit?” tanong niya.
“Ha?” reaksyon ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak pala sa laylayan ng jacket niya.
Halaa?
Napabitaw ako bigla dito at saka napaiwas ng tingin. Narinig ko pa ang pagpipigil niya ng pagtawa.
“Ano tara na?”
“Oo! Susunod ako!” nakasimangot kong sabi sa kanya. Naramdaman kong pinatong niya yung isa niyang kamay sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko.
“You look like a scaredy kid that I want to give a piggy back ride,” sabi pa niya sabay tawa. Pinaningkitan ko siya ng mata. “Pero dahil mabigat ka, I’ll hold your hand na lang ha?” dugtong niya pa sabay hawak sa kamay ko.
“H-hindi ako mabigat ah!” singhal ko sa kanya.
“Bakit magpapabuhat ka nga?” tanong niya sabay tawa.
“Syempre hindi!” sigaw ko sa kanya at saka ko siya hinayaang hilahin ako papunta sa bungad ng tulay. Tinablan na naman ako ng nerbyos nang makita ang tulay na tatawirin namin. Sa sobrang taas nito, parang naging manipis na linya na lang ang kahabaan ng ilog sa ibaba na mabilis ang pag-agos.
Paano kung mahulog kami dito?
Napalunok ako at saka napapikit. Napahigpit din ang kapit ko kay Phi na nagsimula nang humakbang. Dumilat ako at saka ko narealize na nakailang hakbang na kami. Napatingin ako sa baba. Para akong maduduwal nang panghinaan bigla ang mga tuhod ko. Shiz. I really hate heights!
“Kung titingin ka sa baba tapos matatakot ka lang, sa’kin ka na lang tumingin!” sabi niya sabay ngiti sa’kin. Nabawasan kahit papaano ang kaba sa dibdib ko. Siguro okay lang kahit magtagal pa kami dito basta si Phi ang kasama ko!
Ay shiz. Ano na naman ba ‘tong pinagsasasabi ko sa sarili ko?
Kikiligin pa lang sana ako nang palihim nang biglang lumakas ang hangin at medyo gumalaw ang tulay. Napakapit tuloy ako sa braso ni Phi.
Shiz. Sabi ko nga natatakot pa rin ako!
“Kilala mo ba si Sherlock Holmes?” rinig kong tanong niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa’kin. Parang amused pa siya na nakikita akong natatakot tsk tsk.
“Hindi mo kilala?” tanong niya ulit.
“Yung detective yun di ba?” nakasimangot kong sagot sa kanya. Sa kanya na nga lang ako titingin para hindi ako matakot!
“Yup, he’s a great detective. Alam mo bang gustong-gusto kong maging katulad niya?”
“Talaga? Kaya ba criminology ang kinuha mong course?”
“Oo nainspire ako sa way kung paano siya mag-isip at magsolve ng mga cases.”
“Ahh..,” napatangu-tango na lang ako.
“Nabasa mo na ba lahat ng adventures niya?” may halo pang excitement na tanong niya.
“Oo nung highschool ako. May collection kasi si kuya ng mga books ni sir Arthur Conan Doyle kaya kapag may time, nagbabasa ako,” sagot ko sa kanya.
“Anong pinakafavorite mo sa mga kasong sinolve niya?” saglit akong napaisip sa tanong niya.
“Hmm… siguro yung Valley of Fear,” sagot ko.
“Hmm… it’s a puzzling case which started with the encrypted message from Porlock, an associate of Moriarty right?”
“Yup, nagustuhan ko kasi yung flow ng story dun! Exciting kahit yung flashback! Ikaw ba?”
“Study in Scarlet tapos sa short stories, yung The Five Orange Pips.”
“Ehh? Five orange pips? Di ba yun yung case na hindi tapos? I mean kasi di ba yung supposedly client niya ay namatay agad the night he went home right after they talked tapos yung inaasahan nilang dadating na ship hindi na dumating! It’s an unsolved case!”
“Wow alam na alam ah? Hahaha kaya ko nga gusto yun kasi it serves as a reminder na not all mysteries can be solved. No matter how great your deductions are, you can’t foresee and control everything. May mga bagay kasi na kahit anong pigil nating mangyari, mangyayari pa rin. Walang perfect record, kapareho ng walang perfect crime. Lahat pwedeng magmintis, lahat pwedeng magkamali.”
Mas napahanga pa yata ako sa kanya ngayon na mas nalaman ko kung paano siya mag-isip. Naalala ko tuloy bigla yung kuya ko dahil sa kanya. Mahilig din kasi yun sa mystery at detective fiction stories.
“Mukhang nandito na tayo sa first stop,” narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa harap at medyo nagulat pa ko nang marealize na nakatawid na pala kami sa tulay. Tanaw na mula sa pwesto namin ang poste na may red flag. May ilang troso ding nakatumba na pwedeng gawing upuan dito. Nagmadali na ko sa paglalakad palapit dito. Naabutan ko naman ang iba naming kasama na nagpapahinga na habang nakaupo kung saan-saan.
Naglakad ako papunta sa isa sa mga trosong nakatumba at inilapag ang backpack na dala ko. Nilingon ko ang mga kasama namin. Hindi ko makita yung iba. Maging si sir Marlo ay wala sa malapit.
“Napagod ka ba?” tanong sa’kin ni Phi sabay upo sa tabi ko. Napangiti ako nang abutan niya ako ng mineral water. Ininom ko naman ito at saka bumalik ang tingin ko sa mga kasama namin. Nagulat kami nang makarinig kami ng malakas na tunog. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko.
Shiz. That was a gunshot!
“AHHHHHHHHHHHHH!!” agad kaming tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw ilang metro ang layo mula sa pwesto namin kanina. Nakita namin si Steffi na naiiyak na habang nakatingin sa lalaking nasa lapag at duguan. Sa kanya galing yung narinig naming pagsigaw.
“Oh my God!” reaksyon ni ma’am Jyn nang makalapit sa duguang katawan ni sir Marlo na nakabulagta sa damuhan. Nilapitan namin ito ni Phi at ininspeksyon. May tama ito sa bandang puso.
“Kailangan nating tumawag ng ambulansya!” sigaw ni Yvonne sabay kuha ng cellphone nito. Nanginginig pa ang kamay na nagdial ito. “Sh*t! Walang signal!”
Pinulsuhan ito ni Phi at pagkatapos ay napailing ito.
“He’s dead?” napalingon ako kay Noemi na matamang nakatingin sa katawan ni sir Marlo. Tumango lang ako.
Bakit si sir pa?
“Iniisip mo ba kung bakit si sir ang inunang patayin ng killer?” tanong ni Phi habang nakatingin sa butas na dibdib ni sir. “Tingnan mo yung mga kasama natin!” nilingon ko sila. Takot na takot sila habang nakatingin sa bangkay ni sir.
Ano yun?
Suminghot-singhot ako. Gunpowder.
“Amoy gunpowder dito,” sabi ko sa kanya.
“Isa sa kanila ang may gawa nito. Si sir Marlo ang inuna dahil siya ang may pinaka-potensyal na malabanan ang killer kung pisikal ang labanan. Isa pa, siya ang tinuturing nating leader dito,” sabi niya. Tiningnan ko si ma’am Jyn, mukhang shock pa rin ito. Tama siya… para kaming nawalan ng masasandalang pader.
It’s like we’re exposed.
“Ayoko na! Uuwi na ko!” nanginginig na sigaw ni Pampy.
“Oo nga! Ayoko pang mamatay! Sabi na nga ba’t may gan’tong mangyayari!” sigaw ni Wayne.
“Let’s get out of here!” yakag ni Arnie sa mga ito. Nagsitakbuhan na ang mga ito.
“Wait! Sama ako!” sumunod sa pagtakbo si Steffi.
“Teka! Wag kayong umalis!” sigaw ko pero tumuloy pa rin sila.
“Mapanganib para sa’tin kung maghihiwa-hiwalay tayo,” seryosong sabi ni Noemi. Ayan na naman siya sa mga weirdo niyang banat.
“Susundan ko sila’t pababalikin! Tara Keiichi!” sabi ni Cyril. Sumunod dito si Keiichi. Naiwan kasama namin si Elize at Christine na namumutla pa rin habang hindi makatingin sa bangkay ni sir.
Mga ilang minuto pa lang ang lumipas nang dumating kami dito ahh… Teka…
Tiningnan ko yung tama sa dibdib ni sir. Hinanap ko yung basyo ng bala sa malapit.
Nasaan na yun?
“Hindi mo rin makita?” tanong ni Phi.
“Nakakapagtaka naman,” sabi ko.
Dapat nandito lang yun sa malapit… Teka, hindi kaya…
Tiningnan ko ang reaksyon sa mukha ni sir Marlo. Mukha itong nagulat bago barilin base sa facial expression nito. Malapitan siyang binaril. Pero kung ganun nga, dapat naabutan pa namin dito ang salarin. Kanina pagtakbo namin dito, ang nakita lang namin ay si Steffi na namumutla at mangiyak-ngiyak pagkatapos niyang sumigaw ng malakas. Sa itsura niya kanina, imposibleng siya ang may gawa nito.
Teka, posible kayang…
“Posibleng dalawa ang baril na ginamit niya,” mahinang sabi ni Phi at saka ako tiningnan ng seryoso.
“Isang may silencer at isang normal na baril,” dugtong ko sa gusto niyang sabihin. “O kaya naman, isang baril na may silencer lang talaga ang gamit niya at gumawa siya ng paraan para makarinig tayo ng putok ng baril para hindi natin malaman kung nasaan siya.”
“Yeah right, this really looks like a planned murder,” sang-ayon ni Phi at saka naglakad palayo sa bangkay ni sir. Mukhang may hinahanap ito sa damuhan. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
“Ito ba ang hinahanap niyo?” napalingon ako kay Noemi nang bigla na lamang itong lumapit sa’min at saka inabot ang isang basyo ng bala. Paano niya nalaman ang hinahanap namin?
“Saan mo nakita?” tanong ni Phi dito. Itinuro naman ni Noemi ang lugar kung saan niya nakita ang inabot niya sa amin ilang metro ang layo mula sa bangkay ni sir.
“May problema tayo!” napalingon kaming tatlo nang marinig ang sigaw ni Cyril na nakabalik na pala. Kasunod nito sila Keiichi, Wayne at Steffi. Lumapit na rin kami papunta sa kanila.
“Bakit?” tanong ni Yvonne dito. Mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla kanina.
“May pumutol nung hanging bridge!” balita nito.
“Nahulog si Pampy saka si Arnie!” umiiyak na sabi ni Steffi.
“Sinubukan namin silang pigilan dahil napansin naming may kakaiba sa tulay pero tumuloy pa rin sila!” malungkot na sabi ni Wayne.
“Ano nang mangyayari sa’tin ngayon?” alalang tanong ni Christine.
“Tatlo agad ang namatay,” naiiyak na sabi ni Elize. Lumapit si Cyril dito para icomfort ito.
“Wala ng balikan ito! Kailangan nating humanap ng ibang daan pabalik!” sabi ni Keiichi.
“Y-Yung care-taker ng lodging house, I’m sure may alam silang ibang way!” sabi ni ma’am Jyn na mukhang natauhan na.
“So we have no choice but to continue this?” tanong ni Edison. Katabi nito si Aaron na tahimik lang na nagmamasid.
“We have no other choice..,” mahinang sabi ko.
We’re trapped.