KABANATA 23 “Gwen, sige na. Payag ka na. Lagyan kita make-up,” sabi ni Ate Lilly habang inilalapit sa mukha ko ang hawak na brush. Isa sa mga pasyente rito sa mental hospital si Ate Lilly. Base sa narinig kong kwento rito, dati siyang beauty queen na pinagpalit ng asawa sa ibang babae na mas bata sa kanya. “Mas lalo kang gaganda kapag naayusan na kita. Tingnan mo si Gael…” ngumuso siya sa direksyon ng lalaking nurse na nagbabantay sa amin. “…kanina ka pa tinitingnan. Wala ka pang ayos niyan.” Napatingin ako kay Gael. Nginitian niya ‘ko. Halos linya na lang ‘yung singkit niyang mata kapag ngumingiti siya. Pinigilan kong matawa. “Gusto ka niya,” bulong ni Ate Lilly. Walang kaalam-alam ang mga tao sa mental hospital na isang taon na kaming magkarelasyon ni Gael. Sa loob ng apat na taon, iba
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


