KABANATA 22 Hindi ko maimulat nang ayos ang mga mata ko. Mabigat ang pakiramdam ng ulo ako. Nakaramdam ako nang matinding kirot. Mahinang ingit lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa busal na nakalagay dito. Hindi ako makakilos. Kahit nahihilo pa ako, naaninag ko ang lubid na nakapulupot sa katawan ko. Nakagapos ako sa upuan kaya hindi ako makakilos. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Nasa bahay uli kami ni Inang, sa harap ng poon na basag-basag na ang mga nakapatong sa rebulto ng mga santo. Tulad ko nakagapos din sa upuan at may busal sa bibig sina Liam, Ate Rose at Enzo. Gising na rin ata si Ate Rose dahil bahagyang nakabukas ang mga mata niya at bahagyang gumagalaw ang kanyang ulo. Mukhang tulad ko hinampas din siya ng matigas na bagay dahil puno ng dugo ang mukha niya. Si Liam naman w

