KABANATA 21 “Kaya sobrang thank you. Kung hindi dahil sa ‘yo, nakakulong pa rin siguro kami doon and who knows kung ano pang masaklap na pwedeng nangyari sa ‘min,” sabi ko kay Liam matapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari. “Kung hindi ikaw ang nagkwento niyan sa’kin, hindi ako maniniwala. I know your parents, and lagi ko silang nakikita sa mass every Sunday. Wala sa itsura nila na magagawa nila ‘yun.” “They’re not my parents anymore. May something sa bahay na ‘yun na naging dahilan kung bakit sila nagkaganon. I need to find someone who can help us. I have to turn my parents back to normal.” Napalingon ako kay Enzo na natutulog sa kandungan ni Ate Rose at napatanong ako sa isip ko. Maibabalik ko pa nga ba ang pamilya ko sa normal? *** Dahil sa kawalan ng tulog at pagod, hinat

