bc

Pagtatagpo

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

[Teaser]

There are no such things like accidents, because everything happens for a reason. Tulad ng pagtatagpo nina Pure at Dolce na halagang LIMANG PISO lamang ay mabubuo na ang isang kakaibang love story.

Nagsimula man ang kanilang kuwento sa kasinungalingan, matatagpuan naman nila ang isa't isa na magmamahal ng tapat hanggang wakas.

A fairytale doesn't always begin with once upon a time. Sometimes it starts in an unexpected beginning.......................................................

chap-preview
Free preview
Episode 1
"HAYOP KA!" "Dolce?!" "Ano nagulat ka ba? Demonyo ka! Minahal kita ng buong puso, pero ito pa ang isinukli mo sa akin? Ang saktan ako ng sobra!" "Dolce, magpapaliwanag ako." "Magpapaliwanag ka? Anong akala mo sa akin may deperensiya sa mata? Kitang-kita ko ang panloloko mo!" Nagpakahinahon muna ang dalaga. Hindi naman siya iskandalosang babae. Kapag nag-iinit lang ang kanyang bumbunan, lumalabas talaga ang ugali niyang tigresa. Huling-huli sa akto ang nobyo niya na kalalabas lang sa hotel na abot-tenga ang ngiti. Sino bang hindi, e katatapos lang nitong mag-landing sa langit? Ang masakit sa lahat, magkahawak-kamay pa ang dalawa habang nakalarawan sa mga mukha ang kasiyahan. "Dolce, teka." Binitawan ni Gener ang kamay ng kasamang babae at hinabol ang tumalikod na nobya. "Mahal kita," mabilis nitong wika. Napatigil sa paghakbang si Dolce. Alam ng nobyo niya na ang salitang iyon ang kanyang kahinaan. Masarap kasing pakinggan at nakakakilig. Pero hindi sa ganoong eksena na nasaksihan niya ang panloloko nito. "Mahal?" Humarap siya, "May mahal bang sinasaktan, ha? At ang babaing 'yan!" sabay turo sa direksyon ng tinutukoy. "Mahal mo rin?" "Sorry, mahina ako." "Mahina? Kahinaan na lang lagi ang depensa mo!" "Kung pumayag ka lang sana na may mangyari sa atin-" "Shut up!" "Ipinagdadamot mo sa akin 'yang katawan mo kaya naghanap ako ng iba para ibigay ang kaligayahan ko. Mahal kita at handa kitang pakasalan, pero may pangangailangan din ako bilang lalaki." Masakit para kay Dolce ang narinig na katawan muna bago kasal. Hindi siya ganoong babae dahil mahalaga pa rin sa kanya ang kalinisan. "Umalis ka na sa harap ko...kayong dalawa! At huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!" "Dolce-" "ALIS!" Bumuhos ang luha ni Dolce habang hatid-tanaw ang nobyo na kinapitan sa braso ng kasama. Tinudo niya ang pag-iyak. Parang may nakadagang elepante sa kanyang puso. At wala siyang pakialam sa mga taong nagtitinginan. So what kung makita nilang pangit siya habang ngumangawa? Pakiramdam ng dalaga ay matutumba siya nang manghina ang kanyang magkabilang tuhod. Naupo muna siya sa semento at dito ipinagpatuloy ang pag-iyak. Unang pag-ibig niya si Gener at inakala niyang ito na ang kanyang first at last love. Nagkamali siya. Maling-mali na umasa siya agad sa happily ever after. "Sinungaling! Manloloko! Hudas! Demonyo! Ano pa ba? Ah! MALIBOG!" Ilan sa mga napadaan ang lumayo sa direksyon ni Dolce habang isang lalaki na tumapat sa kanya ang pinukol siya ng matalim na tingin. "Magsisisi ka, Gener!" Ramdam ng dalaga ang pagkalat ng kanyang make-up, eye liner at mascara sa mukha. Pero hindi niya iyon alintana. Wala siyang pakialam kung ang hitsura man niya ay parang pupunta sa halloween party. "Hindi kita mapapatawad, Gener. Hinding-hindi!" Nakalagpas sa nanlalabong mga mata ni Dolce dahil sa luha ang pagparada ng magarang kotse na muntikan pang mahagip ang kanyang mga paa. "Whoaaa! Bakit naman d'yan siya naupo?" kunot-noong bulalas ni Pure nang mapansin sa side mirror ang babaing nakayuko. "Baliw siguro o baka pulubi?" Napakapa sa bulsa ng pantalon ang binata nang makababa ng sasakyan. Hindi niya ugaling magdala ng cash dahil tatlo naman ang kanyang electronic card. "Puwede na 'to," wika niya nang madukot sa bulsa ang limang pisong barya na sukli kanina sa toll fee. Pahagis niya itong inilagay sa paanan ng babae na nagulantang naman dahil sa nilikha nitong ingay nang tumama sa latang eksaktong nasa harapan. "Huh?! Ano 'yan? Tama bang nilimusan ako? Sinong bastos- Ah!" Naniningkit ang basang mga mata ng dalaga nang mahagip ng tingin ang lalaking nakatalikod sa kanya at patungo sa direksyon ng hotel kung saan niya nahuling nangangaliwa ang kanyang nobyo. "Hoy!" Tumayo siya at mabilis itong hinabol. "Sandali, sandali!" Maagap na napahinto si Pure bago pa siya bumangga sa babaing humarang sa daan na idinipa pa ang mga braso. "What the hell?!" "Talagang gagawin kong impyerno ang araw mo!" "Wait! Are you talking to me?" Hinawi ni Dolce ang ilang buhok na tumatabing sa mukha. Tinuyo rin niya ang mga mata. At parang gusto yatang umurong ng kanyang dila nang malinaw na makita ang kaharap na posturang artistahin mula ulo hanggang paa. Pero kahit gaano man ito kaguwapo, hindi niya dapat palagpasin ang pambabastos na ginawa nito sa kanyang kagandahan. "Oo, ikaw nga!" "What do you want? Inaabala mo ang oras ko." "Ikaw ang naghagis nito?" sabay lahad sa limang piso. "Yes. Why? Kinulang ka ba kaya hinabol mo pa ako?" "Hindi ako tumatanggap ng barya-barya lang." Natawa si Pure. "Heto. Kunin mo." Kinuha pa ni Dolce ang kamay nito saka idinutdot ang limang piso sa palad ng lalaki. "Sa'yong-sa'yo iyan!" "Ano bang klaseng pulubi ka? Malaki na ang halatang baryang ito!" "Mukha ba akong pulubi?" Pinasadahan ng tingin ni Pure ang kaharap mula sa sabog-sabog na buhok hanggang nagkalat na make-up. "Well, you're worse than a beggar." Biglang nabaling ang mga mata ng dalaga sa kotseng nasa tagiliran. Sinipat niya ang sarili sa tainted window. "Am I right?" Nagpanting ang tenga niya sa nakakaasar na tuno ng kausap. "Ang yabang mo, ha?" "Next time, huwag kang mauupo kung saan-saan para hindi ka mapagkamalang pulubi." Plinantsa ng kamay ni Dolce ang buhaghag na buhok at inayos din ang nalukot na uniporme. "Here..." Napatingin ang dalaga sa inilahad na panyo. "Take it. Malayo pa ang Halloween kaya punasan mo 'yang mukha mo." Inis niyang hinablot ang panyo habang nakatuon ang matalim na tingin sa binatang iniitsa ang limang piso at sinalo ng palad. "Destiny," wika ni Pure nang paharap na tumaob ang barya. "Someone will come along." Umangat ang tingin nito sa dalaga. "And I hope hindi kamalasan ang kanyang dala." Napakunot ng noo si Dolce. Inisip niyang mabuti kung may iba bang nais ipakahulugan ang sinabi ng binata. Pero saka lang siya naliwanagan nang makaalis na ito. "Ang hudas na 'yun! Humanda ka! Tingnan ko lang kung lalo kang hindi malasin!" Palihim na sinundan ng dalaga ang lalaki hanggang pumasok ng hotel. Nakalagpas siya sa guwardiya na sinisita ang grupo ng mga palaboy na tumambay sa tapat ng gusali para manghingi ng limos. Gayundin ang tatlong receptionist na abala sa ilang kostumer. "Demonyo kang Gener ka. Kwek-kwek at fishball lang ang kaya mong ipakain sa akin tuwing date natin tapos ang maharot na 'yun dinala mo pa sa mamahaling hotel?" Mabilis siyang nagtago nang lumingon ang sinusundan. Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago sumilip at lumabas. Tinungo ng dalaga ang harap ng elevator. Isang beses lang itong huminto kaya tiyak niyang sa twenty-ninth floor ang destinasyon ng lalaki. "Ano bang ginawa ng unggoy na 'yun at parang halos gusto mo na siyang isumpa?" tanong niya nang makapasok sa nagbukas na lift. "Hindi mo ba nakita? Ginawa niyang pulubi ang kagandahang ito?" Napasulyap siya sa dingding na salamin. "Mukha nga akong hinugot sa basurahan," sabay punas gamit ang panyo. "Binigyan ka na nga ng limang piso, ikaw pa ang galit? Baka naman gusto mo 'yung mas malaking halaga? O sadyang sa kanya mo ibinubunton ang galit na hindi mo nagawa kay Gener? Tumahimik ka!" Napatingin sa dalaga ang mga kasama sa loob na sabay-sabay nagsilabasan nang magbukas ang pinto. "Paanong may nakapasok na baliw rito?" Napaawang ang bibig ni Dolce. Hihingi sana siya ng paumanhin nang magsara na ang elevator at muling magbukas sa pakay niyang palapag. Maraming kuwarto ang naroon. Tahimik at walang tao ang kahabaan ng pasilyo. "Saan ko ba siya hahanapin?" Humakbang siya sa kanang direksyon. Sinubukan niyang ilapat ang tenga sa mga pinto. At nang walang positibong resulta ay kaliwa naman ang kanyang pinunterya. "You're lying!" Itinulos sa posisyon si Dolce nang eksaktong pagdikit niya sa isang pinto ay bumukas ito at bumungad dito ang lalaking kanyang hinahanap. "I'm not lying. She's actually here...in front of me," wika ni Pure na kinindatan ang dalaga. "Sorry kung pinaghintay kita." Hinapit niya ito sa baywang at iniharap sa babaing nakasunod sa likuran. "Tania, please meet the woman of my life." "You cannot do this to me!" "I'm sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka." "Teka nga!" Itutulak sana ni Dolce ang binata nang bigla siya nitong siilin ng halik. "How dare you!" Hindi agad nakailag ang binata sa lumipad na palad mula kay Tania, kababata niya ito na labis siyang minahal at nakipagkasundo pa sa arranged marriage ng kanilang mga magulang. "Ako ang pakakasalan mo, Pure! Akin ka lang!" "I loved her, Tania." Tumingin siya sa nakatulalang kayakap na dalaga na nakaawang pa ang nabasang labi mula sa kanyang paghalik. "She's everything to me." "No, please. Don't do this, Pure." Natuon ang tingin ni Dolce sa babaing luhaan. At bigla niyang nakita ang sarili rito. Naniningkit na bumaling ito sa binata. "Hoy, ikaw-" "Shut up or I'll gonna kiss you again." Hinatak na niya ang kamay nito. "Let's go." "Pure, bumalik ka rito! Pure!" Tila walang narinig ang binata. Dere-deretso ito sa direksyon ng lift. "Bitiwan mo nga ako!" Pinakawalan lang ni Pure ang kamay na hawak nang makapasok sila sa elevator. He sigh of relief. "Anong nangyayari, ha?" "You just broke our marriage." "What? Anong pinagsasasabi mo?" "Kabayaran 'yun sa ginawa mong pagsunod sa akin." "Alam mong sinusundan kita?" "And you just came on time." "Hoy, lalaking limang piso..." "My name is Pure and I worth more than a five-peso coin." "Mayabang!" singhal niya. "Hindi kita kilala kaya huwag mo akong gawing dahilan sa nangyari sainyo ng babaing 'yun!" "Hindi mo naman pala ako kilala, pero bakit mo ako sinundan?" A devilish smile crooked on his lips. "Na-love-at-first-sight ka ba sa akin?" "Ouch! Sa layo kong ito, umabot dito ang kakapalan ng mukha mo!" Humakbang palapit sa dalaga si Pure at maagap na binakuran ng dalawa niyang braso ang tangka sana nitong pag-iwas. "Damn! You looks so innocent!" Tinitigan ni Dolce ang kaharap na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. Damn! He looks so angelic! "Do you really liked me?" "Huh?!" Napangisi siya upang itago ang pagkapahiya sa ilang segundong pagkakapako ng mga mata sa binata. "Baliw lang ang magkakagusto sa'yo!" sabay tulak dito. "And you're insane, right?" Hindi na nailabas ni Dolce ang ngitngit dahil nagbukas na ang elevator. Walang paalam na itong tumalikod. "Until next time, Miss Pulubi!" "Wala nang next time, Mr. Limang Piso!" ganti niyang sigaw. "We're destined to meet today!" Binilisan na niya ang paglakad hanggang makalabas ng hotel. Lumingon siya ng makalayo. Walang nakasunod sa kanya. "Destine-destine ka d'yan! Unggoy! Pareho lang kayong mga lalaki na paasa!" Kinapa ni Dolce ang tapat ng puso. Dapat ay nagluluksa siya dahil sa paghihiwalay nila ng nobyo, pero bakit parang nakaramdam siya kanina ng kilig? At... Sinapo niya ang labi. And curved on her lips "GOOD MORNING!" Magkaharap sa hapag-kainan ang mga magulang ni Pure nang pumasok siya sa komidor. "Napakaganda ngayon ng sikat ng araw sa labas," magiliw na wika ng binata nang makaupo. "At hindi masama kung sasabayan natin ito ng malapad na ngiti." "Is it true that you broke your marriage with Tania?" Sinulyapan ni Pure ang ama habang naglalagay ng pagkain sa plato. "Sa simula pa lang ay alam na ninyong walang espesyal na relasyon sa pagitan namin maliban sa pagiging magkaibigan at magkababata." "Malaking iskandalo ang dadalhin mo sa pamilya sa oras na hindi matuloy ang kasal." Hindi tinugon ni Pure ang naging kumento ng ina na mas piniling abalahin ang sarili sa pagsubo at pagnguya.  "Alam mo ba kung anong klaseng pamilya ang kinabibilangan ng babaing gusto mong talikuran?" dagdag ni Aurelio. "She's precious. Kung magpapakasal kayong dalawa lalong titibay ang pundasyon ng ating negosyo." "Dad, hindi pa ba sapat kung ano ang mayroon tayo ngayon? We can live a wealthy life even without them. Napaunlad natin ang negosyo kahit wala silang tulong. And besides, hindi rin magiging maayos ang isang relasyon kung nagsimula sa pilit." "All we want for you is 'the best'," singit ni Purita. "And Tania is the best choice. Hindi 'yong babaing kung saan-saan mo na lang nakilala." Napangiti si Pure nang maalala ang pulubi kanina na humatak sa kanyang interes. Bahagya pa niyang nahimas ang sariling labi. "Don't smirk!" sita ng ginang. "Seryoso ang pinag-uusapan natin. This is all about your future. Our future. So, listen!" "I don't want to have the best. Ang gusto ko lang ay 'yong babaing makakasundo ko sa lahat ng bagay. At ang pinakaimportante sa lahat, pinili siya ng puso ko." "Tania is sweet and caring. She loves you." Pinalambot ni Purita ang tinig sa pag-asang makukumbinse ang anak. "Magkakasundo kayo kung bibigyan mo siya ng pagkakataon." "Naiintindihan ko ang punto ninyo, pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Can you trust me again this time? Tulad noong ipinagkatiwala niyo sa akin ang buong kompanya. Please, let my heart decide." Tumayo siya at nilapitan ang ina. Hinalikan niya ito sa ulo. "Gotta go. Thank you for understanding. I love you both!" Kinindatan pa niya ang ginang at kumaway sa ama bago tuluyang iniwan ang mga ito. "I can't let him do what he wants. Kailangang makilala natin kung sino ang babaing ipinagpalit niya kay Tania." Hindi na nagsalita pa si Purita. May lungkot siyang naramdaman sa isiping hindi ang dalaga ang magiging manugang niya. Ngunit mahirap din namang pilitin ang anak kung hindi talaga nito magawang mahalin si Tania. PASIPOL-SIPOL si Pure nang pumasok sa sariling opisina. Gumaan ang kanyang pakiramdam matapos ang nangyari kahapon. Ayaw niyang ipahiya si Tania at ayaw din niyang umasa ito na matutugunan ang pag-ibig na kahit minsan ay hindi niya naramdaman para sa dalaga. Mas umuukilkil pa sa kanyang isipan ang babaing hinalikan kahapon. Ang mga mata nitong matalim kung makatingin. Ang labi na bagamat walang tigil sa kabubutaktak, but he felt some kind of sweetness when he kissed her. Muli niyang nahimas ang sariling labi. "Hello! I'm here!" bahagyang pinukpok ni James ang table upang agawin ang atensyon ng kaibigan. Nakapasok na siya sa opisina nito ngunit tila lumilipad ang isipan ni Pure. Daydreaming to be exact. "Oh! Kanina ka pa d'yan?" gulat na tanong ni Pure. "Huwag mo naman ipahalata na masayang-masaya ka ngayon na hindi matutuloy ang kasal ninyo ni Tania."  "Ulol! Sa tingin mo ba ay ganu'n ako kasama? We've been friends since college. Pero kahit gaano pa kami katagal na magkasama, hindi naging espesyal ang tingin ko sa kanya." Naupo si James paharap sa binata. Magkakaibigan silang tatlo simula kolehiyo. Sa mga panahong nagdaan, nakatuon lang ang atensyon ni Tania kay Pure. Paano niya nalaman? Dahil ang atensyon niya ay nakasentro sa dalaga. Love triangle ngunit isa man ay hindi nagkaroon ng katugong damdamin. "Wait. Sino 'yong babaing tinutukoy ni Tania? The one you love? Are you kidding me?" Hindi maiwasang mapatawa si James. Matapos siyang tawagan ni Tania, pinuntahan agad niya ang kaibigan upang kumpirmahin ang narinig na balita. "Ah, 'yon? I don't know her. Inisip ko na lang na ipinadala siya buhat sa langit upang tulungan akong makatakas sa kasal namin ni Tania." "What? You kissed her without knowing who she is?" "James, alam mo na kaya ko ito sinasabi sa'yo ay dahil may tiwala akong hindi mo ito sasabihin kahit kanino, specially, kay Tania. Ayokong dagdagan pa ang paghihirap niya kung matutuloy ang kasal naming dalawa. Dahil kahit kailan ay hindi ko siya magagawang mahalin. There's someone who can love her without exemption." Buntong-hininga lang ang naisagot ni James. Natitiyak niyang pipilitin siya ni Tania na aminin kung ano ang pinag-usapan nila ni Pure. Ngunit this time, gusto niyang maging makasarili. Tutulungan niya ang dalagang ibaling sa iba ang paningin nito kung saan ay naroroon siya. ----- NATUON ang tingin ng ilang naroon sa loob ng spa sa pagpasok ng isang ginang na regular nang kustomer doon. "Ma'am, welcome po. Ipapaayos ko na po ba ang VIP room para sa inyo?" tanong ng babaing nasa counter. "Yes, please. At pakisabi na rin kay Ms. Butlig na ihanda ang paborito kong aroma. She knows it, so there's no need of details." "Naku, ma'am. Sorry po, pero hindi pa free si Ms. Butlig. Halos kauumpisa lang niya sa isang kustomer." "Ganu'n ba? Hihintayin ko na lang siyang matapos." "Ho? Pero aabutin pa ng forty five minutes bago siya makatapos. May mas magaling po kaming therapist. Baka gu-" "I want, Ms. Butlig." Nakangiting putol ng ginang sa nais pang sabihin ng kaharap. Simula ng magpamasahe siya sa lugar na iyon, ito na ang nag-handle sa kanya. She liked her. Magaan ang mga kamay nito bukod pa sa mabait at maganda. "Kayo po ang masusunod." Naupo ang ginang sa waiting area at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine. ----- UMINAT si Dolce matapos masahehin ang kanyang kustomer. Whole body massage ang ginagawa niya kaya umaabot ng halos isang oras bago natapos. Minasahe niya ang sariling batok at ang mga braso. "Dolce, 'yong costumer mo kanina pa naghihintay sa'yo." Paalala ng katrabaho ng dalaga. "Ha? Sino? Wala namang akong naka-schedule, 'di ba?" "Ay, 'yong suki mo." "Ha? Wala naman siyang schedule ngayon. Sa makalawa pa," ani Dolce. Minadali niya ang kilos upang puntahan ang ginang. Three times a week kung magtungo doon ang kanyang 'suki' at laging siya ang hinihiling nitong magmasahe. "Ma'am, pasensiya na po! Hindi ko alam na pupunta kayo rito ngayon." Hinging paumanhin ng dalaga ng tuluyang makaharap ang ginang. "Walang problema. Ako ang biglang sumulpot dito na hindi ka man lang inabisuhan. Hindi naman sa ayokong magpamasahe sa iba, pero sanay na ang katawan ko sa mga kamay mo." Nakangiting wika ng ginang. Tipid na ngiti lang ang isinukli ng dalaga. Mabilis niyang inayos ang kuwarto para sa ginang. Hindi niya alintana ang pagod dahil sa katatapos lang na session. Espesyal na kostumer ang ginang para sa kanya. Ito ang una niyang minasahe at agad na pumuri sa kanyang kakayahan. Naglagay ng ilang scented candles si Dolce hanggang sa tuluyang maihanda ang silid. "Maghubad na po kayo," aniya sa ginang. Nakangiting sinunod ng ginang ang sinabi ng dalaga. Hanggang sa humiga siya patihaya. Sinimulang masahihin ni Dolce ang mukha ng ginang. Ramdam niya ang tensyon sa mga ugat nito. "May problema po ba?" tanong niya. "Hindi talaga ako nagkamali na malalaman mo ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng paghawak sa aking katawan. Sa tuwing may session tayo, madalas kong ikuwento sa'yo ang tungkol sa anak kong binata. Ang kanyang pagpapakasal sa babaing gusto ko ay mahalaga para sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan na sisirain niya iyon." "Bakit po?" Dahil hindi daw niya mahal ang babaing pinili namin para sa kanya. Pero ang dalagang iyon ang nararapat." Napabuntong-hininga si Dolce. "Parang ako lang po. Akala ko kami na talaga ni Gener, pero hindi pala." "Bakit? Nag-away kayo ni Gener?" "Hiwalay na po kami. Nahuli ko siyang may kahawak-kamay na babae habang palabas sa isang hotel." "Really?" Ganoon silang dalawa tuwing may session. Nagkukuwentuhankahit pa tungkol sa kani-kanilang personal na buhay. Palagay na ang loob nila sa isa't isa. "So, anong plano mo ngayon?" tanong ng ginang makaraan ng ilang sandaling katahimikan. "Move on na lang po. Mas mabuti na ang ganito kaysa habangbuhay niya akong lokohin." "Tama 'yan." "Kung hindi niyo mamasamain, hayaan mo na lang po ang inyong anak na mag-desisyon kung sino ang babaing gusto niyang makasama habang buhay. Pagdating sa pag-ibig, walang magandang kahihinatnan ang isang pilit na relasyon. Pareho lang po silang magdurusa." "Maaaring tama ka. Pero ang babaing ipinalit niya sa kanyang fiance ay hindi pa namin nakikita. Paano kung nagmula siya sa masamang pamilya? Paano kung pera lang ng anak ko ang habol niya?" "Hay! Sa panahon ngayon, sino po ang hindi nangangailanganng pera? Marami ang gumagawa ng masama dahil sa salapi. Ang iba ay pumapatay pa nga. Kung hindi kayo matahimik, bakit hindi kayo magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa babaing sinasabi ninyo?" "Iyan nga ang balak gawin ng aking asawa. Gusto lang naming makasigurado kung ano talaga ang plano ng babaing 'yon sa anak ko." "Okay. Ngayon pong may plano na kayo, bakit hindi ninyo i-relax ang inyong sarili? Alisin ang anumang bigat sa dibdib at i-enjoy ang session natin." Napangiti na ang ginang. "Palibhasa't wala akong anak na babae kaya nakaka-relax sa tuwing kausap kita. Lahat ng bagay na hindi ko masabi sa aking asawa ay nasasabi ko sa'yo. Sana ay biniyayaan din kami ng anak na babae para hindi ako nalulungkot ng ganito." Ngumiti na lang si Dolce. Nararamdaman na niya ang katiwasayan sa mga ugat ng ginang. Nare-relax na ito at 'yon naman ang nais niya dahil parang isang ina na din ang turing niya rito. ----- GABI NA nang makauwi sa kanilang bahay si Dolce. Tulad ng nakagawian, naghihintay na sa may tarangkahan ang kanyang dalawang nakababatang kapatid. Si Tikoy na sampung taong gulang at si Tekla na pito. Siya? Beinte y singko anyos na. Mahabang istorya, ngunit paiikliin na lang niya. Dise-osto nang mabuntis ang kanyang ina at siya ang naging bunga. Iniwan sila ng kaniyang ama. After fifteen years, nabuntis ulit nanay niya kay Tikoy. Iniwan ulit at makalipas ng tatlong taon, iniluwal si Tekla, iniwan din sa huli. Magkakaiba ang kanilang mga ama, ngunit pare-parehong silang inabandona. Magkaganoon man, ipinagpapasalamat pa rin niya ang pagkakaroon ng dalawang kapatid. Mahirap solohin ang maaaring ipamana ng kanilang ina. Ang 'sige nang sige' ay nakuha na niya. Ngunit isa lang ang ayaw niyang sundan ng yapak, 'yon ay ang 'sige nang sigeng pagbukaka'. Or, maaaring mahal lang talaga ng ina ang kanilang mga ama. Oh, pag-ibig, 'pag pumasok sa puso ninuman, tatamaan talaga ng lintik. Hindi maiwasang mapangiti ni Dolce sa huling naisip. "Oh, nasaan si inay?"  "Nagluluto na po, ate!" sabay na sagot nina Tikoy at Tekla. "Ganoon ba? Tayo na sa loob at gutom na gutom na ako," yaya ng dalaga sa mga kapatid. Inakbayan pa ang mga ito at sabay-sabay na silang pumasok. "Ate, may pasalubong ka sa amin?" "Oo naman. Tikoy para kay Tikoy at peklat para kay Tekla," sagot ni Dolce na sinabayan pa ng pagtawa. "Ate!" Halata ang pagmamaktol sa tinig ng dalawa, ngunit nanatili ang ngiti sa labi nila. "Dinig ng mga kapitbahay ang ingay ninyo," ani Aling Baning. "Inay." Iniabot ni Dolce ang supot ng pasalubong matapos ditong makapag-mano. "Pansit, pampahaba ng buhay. Maghugas na kayo ng mga kamay at kakain na tayo," wika ng ina. Nakangiting sumunod ang magkakapatid. Wala man silang nakagisnang ama, ngunit ang pagkakaroon ng ina na hindi nang-iwan sa kanila ay sapat na. Balewala ang sasabihin at iniisip ng iba dahil walang sinuman ang nakakaalam sa pinagdaanan nila. Pagmamahal o kalibugan, alinman ang dahilan kung bakit sila nabuong tatlo ay hindi na mahalaga. Masaya sila dahil ang bawat isa ang naging miyembro ng kanilang pamilya. MAAGANG gumising si Dolce, ini-unat niya ang dalawang braso. Naghikab nang maka-ilang beses, hindi niya pansin ang natuyong laway sa gilid ng kaniyang bibig at maging ang natuyong muta sa mata, kasabay ang pagbati sa sarili. "Good morning Dolce," aniya na may ngiti. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang ngiting iyon.  Bigla na lamang umasim ang anyo ng dalaga. Sinabayan pa niya ng mabilis na pagtindig, lumapit sa dingding malapit sa pinto. "Walanghiya kang lalaki ka! Hayop ka! Masunog sana ang iyong sandatang maitim. Makagat mo sana ang bibig ng kaulayaw mo habang naghahalikan kayo!" pasigaw na turan ng dalaga. Pinagdu-duro pa n'ya ang larawan ni Gener.  Humahangos na pumasok si Aling Baning, may hawak itong kalawanging itak. Kasunod nito ang dalawa pang anak, si Tekla ay may hawak na mahabang kahoy at Tikoy nama'y mahigpit na hawak ang bakal na palihim pang kinuha sa kapitbahay.  "Nasaan? Nasaan ang walanghiyang lalaking nanloko sa maganda kong anak?" Nanggagalaiting hiyaw ni Aling Baning. Napangiwi si Dolce sa nakita, "Inay, ang OA niyo ha!" wika pa niya.  "Ate naman, ikaw nga itong OA! May pasigaw-sigaw ka pa nang walanghiya kang lalaki ka! Hayop ka! Masunog sana ang maitim mong sandata." Napakamot si Tekla, lumingon ito kay Tikoy. "Ano pa nga ba ang sabi ni Ate? Nakalimutan ko na!"  "Baliktad ang sabi mo, sandata mong maitim! Teka Ate, ano ba 'yong sandatang maitim ni Kuya Gener? May laban ba ang aming sandata d'un?" sunod-sunod na tanong ni Tikoy ngunit maagap ding tinakpan ni Aling Baning ang bibig ng anak.  "Tumahimik kang bata ka! Hindi mo alam kung ano ang sinasabi ng Ate mo. At ikaw naman Dolce, aba'y aatakehin ako sa iyo sa atay! Kung makasigaw ka ay wagas." Turan ng kanilang ina.  "Malakas bang talaga Inay?"  "Subrang lakas," panabay na tugon ni Tikoy at Tekla. "Sorry naman kung gan'un. Sige na, alis na kayo. Magsipagligo na kayo, ang aasim n'yo na." singhal ni Dolce, kasabay ang pagtulak sa mga kapatid.  Mabilis na inamoy ng dalawang bata ang kanilang kili-kili. "Maasim nga." Mahinang turan ni Tikoy.  Napangiti ng malawak si Dolce. Alam na ng kaniyang pamilya ang nangyari sa kanila ni Gener at gusto pa sanang sugurin ng kaniyang ina ang binata, pinigilan lamang niya ito.  Matapos makapag-ayos ng sarili ay umalis na rin ang dalaga upang magtungo sa salon. Ganoon araw-araw ang ginagawa niya. Minsan ay hatid-sundo siya ni Gener ngunit hindi na ngayon.  Nais muli niyang sumigaw nang maalala ang ginawang kahayupan sa kaniya ng nobyo. Nanginginig talaga ang katawan niya.  "Sa oras na makita ko ang babaing iyon ay kakalbuhin ko siya!" matigas niyang tinig.  Maka-hulogang napatitig ang katabi ng dalaga, kasalukoyan siyang nasa jeep at maging ang kaharap nito ay tila nagulohan din. Umasim ang anyo ni Dolce nang mapansin ang matang mapag-usig. "Anong tinitingin-tingin n'yo riyan? Baliw na naman ang tingin ninyo sa akin, dahil nagsasalita akong mag-isa. Ganoon ba?" pahiyaw pang turan ng dalaga.  Umiwas na lamang ng tingin ang mga kasakay ni Dolce. Ngunit ang iba ay impit ang naging pagtawa dahil sa inasal ng dalaga.  Nakangusong bumaba si Dolce sa sasakyan. Naglakad ang dalaga papunta sa salon, ang puwet niya'y tumatalbog pa at nakaliyad ang dibdib. Walang anu-ano'y may bumangga sa kaniya.  "Ouch!" daing pa ng dalaga.  "Hindi ka kasi Miss tumitingin sa dinaraanan mo."  "Ang angas mo 'teng magsalita ah! Haller! Ikaw kaya ang nakabungo sa akin. Next time Miss, doon ka pumunta kung gusto mo na magpakamatay. Huwag mo akong idamay! Hindi ka mamamatay kung ako ang babanggain mo." Angil ni Dolce, kasabay ang pagturo sa kalsada at tinalikuran na niya ang kausap.  Hatid-tanaw na lamang ni Tania ang dalagang ipinakilala ni Pure. Nang maipakilala ito sa kaniya ng binata ay hindi na siya tumigil na hanapin ito.  "Nandito ka lang pala!" Sa isipan ni Tania ay lumabas ang katagang iyon.  PINAGMASDAN ng dalaga ang salon na pinapasukan ng inaakalang nobya ni Pure. Napangiti pa si Tania sa nabasang pangalan ng salon 'Fantastic Four'. "Siguro ay apat lamang ang nagta-trabaho rito o kaya ay apat lamang ang costumer." Napailing pa ang dalaga.  Makaraan ang ilang minutong pagmasid sa naturang salon ay pumasok rin si Tania roon.  "Hello Ma'am, welcome po sa Fantastic Four salon." Bati ng babaing nasa counter.  "Ahm Miss, may itatanong lang ako. Sino 'yong babaing pumasok kani-kanina lang?"  Bahagyang napa-isip ang babaing nasa counter, "Hmm, si Ms. Butlig po ba?"  "Ms. Butlig?" Lihim na napatawa si Tania sa nalamang pangalan ng babaing nang-agaw sa puso ng lalaking minamahal. "I don't know kung siya nga iyon, pero kung iyon nga ang tinutukoy ko'y matagal na ba siyang nagta-trabaho rito?" Muling tanong ng dalaga.  "Yes Ma'am, sa katunayan po ay siya ang pinaka-maramingcostumer dito sa salon at ang iba ay mga bigating tao pa." Pagbibida ng babae.  Marahang tumango si Tania, hindi rin nagtagal ay umalis na siya roon. Ngunit, bago iyon ay nagkaroon ng kakatwang isipin ang dalaga.  Sakay ng kaniyang kotse ay tinungo naman ni Tania ang office ni Pure. Nagulantang pa ang nag-iimagine na binata. Kayakap nito diumano ang babaing naka-engkuwentro nang nakaraang araw.  "Pure, can we talk?" paulit-ulit na tanong ni Tania sa nangingiting binata.  Ipinilig ni Pure ang ulo at kunot-noong napatitig sa dalaga.  "What are you doing here Tania?"  "Kanina pa ako nagsasalita pero wala rito ang isipan at sa ayos ng anyo mo ay mukhang alam ko na kung nasaan. O, sa madali't salita ay naka-nino." Umayos ng upo si Tania, pinag-krus ang mga binti.Natanaw ni Pure ang mapuputi at makinis na binti ng kaharap. Ngunit hindi siya nito naapektuhan. Salubong ang kilay na itinuon ng binata ang paningin sa mukha ng dalaga.  "Ano bang gusto mo pang pag-usapan natin Tania? Hindi ba't ang sabi ko sa'yo ay lubayan mo na ako dahil hindi talaga kita kayang mahalin." Baritonong tinig pa ng binata.  "Ouch! Ang sakit!" Sa isip ni Tania ay lumabas ang katagang iyon ngunit hindi siya nagpahalata. Sa halip ay ngumiti siya ng ubod-tamis. "Pure naman, sa tuwing magkikita ba tayo ay palagi na lamang iyan ang pag-uusapan natin? Hindi ba puwedeng kinukumusta lamang kita?" Pahayag ni Tania. Sa kaibutoran ng puso ng dalaga ay naroon pa rin ang pag-asang mamahalin din siya nito.  "Hindi nga ba Tania?" balik-tanong ng binata, "Please at kung maari lang maging masaya ka na sa kung anumang relasyon mayr'un tayo ngayon. Ibaling mo sa iba ang iyong pagmamahal at nakakasiguro ako makakatagpo ka rin nang lalaking para sa iyo."  Sa narinig na pahayag ay hindi na nakayanan pa ni Tania ang bugso ng kaniyang damdamin. Lumagapak sa pisngi niya ang luhang kanina pa pinipigil. "No!" Mariin niyang tanggi na labis na ikinagulat ni Pure. "Hindi ko kailanman matatanggap na hindi ka mapapasa-akin. Kung kinakailangang gawin na miserable ang buhay ng babaing ipinagpalit mo sa akin ay gagawin ko." Hiyaw pa niya.  Hindi naman natinag si Pure, nilabanan niya ang matang nag-aapoy sa galit. "Huwag na huwag mo siyang maisali-sali sa galit mo sa akin! Kung hindi'y ako ang makakabangga mo." May diing sambit pa ng binata.  Hindi na nakayanan pa ni Tania ang sakit. Mabilis na tumakbo palabas ang dalaga. Nabunggo pa nito ang papasok na si James.  "P're, anong nangyari?" nagugulohang tanong nito nang tuloyang makapasok sa office ng kaibigan.  Napabuga ng hangin si Pure, "Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap." Kasunod noon ay ang marahang pag-iling at muling napabuga ng hangin.  At sa tingin mo ba ay matatanggap niya nang ganoon kadali lamang iyon? Pare, ang tagal nang may pagtingin siya sa'yo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook