Chapter 5

1153 Words
Unti-unting humiga si Ashley, upang maabot nang kanyang mga kamay ang lubid sa may tabi nang unan. Nakita niyang naaliw ang lalaki sa kanyang ginawa, bigla itong pumaibabaw sa kanya. Mabilis ang mga kamay na naabot ni Ashley ang tali, at sa isang iglap naitali niya ito sa leeg ng lalaki. Nagulat naman si Mr. Brown, na napahawak sa leeg niya, dahil nahihirapan itong huminga. " What are you doing?" tanong nito, na pilit kumawala sa pagkakatali. Nakita ni Ashley ang mga bodyguard na naalarma at tinutok ang mga baril nila sa kanya. " Ibaba ninyo ang inyong mga baril, kung ayaw n'yong may mangyaring masama sa boss niyo!" banta ni Ashley sa kanila habang nakatutok ang maliit na kutsilyo sa leeg ni Mr. Brown. Maya-maya dumating ang mga kasamahan ni Ashley na mga police. " Walang gagalaw! " utos nang sarhento sa mga bodyguard ni Mr. Brown." Ibaba ang mga baril! " ngunit ang di inaasahan nang mga pulis, may ibang bodyguard na nakatambay sa likod at biglang pinaputokan sila. Natamaan ang isang pulis, at nag-umpisa ang barilan ng mga pulis at bodyguard ni Mr. Brown. Hindi naman binitiwan ni Ashley si Mr. Brown habang nakadapa sila sa ilalim nang kama. Mabilis n'yang naitali ang mga kamay nito sa likod upang hindi makawala. " So! This is your plan?" saad ni Mr. Brown, habang nakadapa. Nakatutok naman dito ang baril na hawak ni Ashley. " Pagsabihan mo ang mga bodyguard mo na tigilan na ito, at palayain mo lahat ng mga babae sa loob nang kwarto, kung hindi wawasakin ko itong bungo mo! " sagot ni Ashley na para bang mauubusan na siya nang pasensya sa tuwing maiisip niya ang kalagayan nang mga babaeng biktima nito. " Hahaha, are you kidding me?" sagot nito na tumatawang parang demonyo." Kasamahan ka din ba nila? Ohhhh, parang alam ko na, nagpanggap ka na waiter para mahuli ako? Napakagaling, pakitanggal nga nang tali sa kamay ko, at nang mabigyan kita nang palakpak." pang-uuyam na saad nito. Sa sobrang galit ni Ashley tinadyakan niya ito sa likod. Bigla s'yang nakarinig nang isang putok ulit. Hindi makagalaw ang mga pulis, dahil mas siniguro nila ang kaligtasan ng mga biktima. Inikot ni Ashley ang kanyang paningin. Limang kwarto ang nakapalibot, at sa labas nito ay may malalaking drum, at sa bandang kaliwa ay ang malaking kama na napalibotan ng maraming tali at may iba-ibang klase nang pamalo. Maya-maya narinig niya ang sarhento na nagsasalita sa maliit na earphone sa tainga niya. " Ashley roger, naririnig mo ba ako?" tanong nang sarhento. " Copy, opo naririnig kita!" sagot niya. " Ano ang sitwasyon d'yan ngayon?" narinig n'yang tanong nito. " Wala pong problema dito, pero kailangan na- - - -" hindi natuloy ni Ashley ang sasabihin dahil naramdaman niya ang dulo nang baril na nakatapat sa kanyang ulo. Mabilis ang kanyang mga mata at kamay. Bigla n'yang tinaas ang kamay at sabay ikot ng paa upang matumba ang lalaki, naagaw niya ang baril nito. Tinutok niya dito ang baril. " Luhod!" utos niya dito. Napakurap naman si Mr. Brown dahil akala nito may magliligtas na sa kanya. Habang busy ang ibang pulis sa pag clearing sa lugar, naitali na ni Ashley ang mga kamay nang isang bodyguard. Dalawa naman ang natamaan sa walong bodyguard ni Mr. Brown, at isang kasamahan nila ang may tama sa balikat. Safe nilang nailabas ang mga babaeng biktima. Laking pasalamat naman ni Inspector Magbanua sa nagawa ni Ashley. Pauwi na si Ashley sa kanyang apartment nang tumawag ang kanyang ama. " Dad! Kumusta po kayo?" tanong ni Ashley sa ama. " I'm fine anak, how is your mission?" saad nito sa kabilang linya. " Success Dad!" proud na sagot ni Ashley. " Good job Ashley anak, pero sana palagi kang mag-iingat." saad nito na halatang malungkot. " Okay po Dad, wag kayong mag-alala, lagi po akong mag-iingat. " sagot ni Ashley sa ama. Kinabukasan, habang nasa pasilyo si Kyle papasok nang kanyang office, namataan ulit ni Kyle si Ashley sa may dulo. Nagtataka siya kung bakit ito laging may kausap. Biglang uminit ang kanyang ulo, dahil may lalaking lumapit dito at niyakap ang dalaga. " Wala talagang pinipili na lugar ang babaeng 'to" galit na bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Kyle ba't siya nagagalit tuwing nakikita ang dalaga na may kasamang ibang lalaki. Hindi niya pinansin ang pagbati ng secretary n'yang si Nikki nagtuloy-tuloy s'yang pumasok sa loob ng opisina. Hindi n'ya makalimutan ang nakita kagabi sa club, napaka iksi ng suot na damit nito, kitang-kita ang magandang hugis nang katawan, at mabilog na dibdib nang dalaga. Napailing siya sa iniisip, umiral na naman ang pagka playboy n'ya. " Nikki!" tawag niya sa kanyang secretary. " Yes, Sir!" sagot nito na nagmamadaling lumapit sa kanya. " Ano ang schedule ko ngayon?" tanong niya dito. " May meeting ka po mamayang 10:30, with the board of directors, after that mamayang 12:00 o'clock may lunch po kayo kasama si Sir Reyes. At sabi ninyo kahapon mag-iikot ka sa kitchen area para ma check...- -! " itinaas niya ang kamay hudyat para tumigil ito sa pagsasalita. " Okay na, buti hindi ako loaded ngayong araw. Thank you, you can leave now. " utos niya sa nalilitong secretary. Balak n'yang tawagan ang bagong girlfriend, ngunit bago pa siya maka-dial nauna nang tumawag ang kanyang ina. " Mom! Maaga pa ahhh, namimis niyo na ako agad? " biro n'ya sa ina. " Hmmm puro kalang biro Kyle, anak bakante ba ang oras mo mamayang alas sais?" tanong ng ina n'ya. " Balak kong pumunta sa club mom." nakangiting sagot niya, dahil alam niya na ang reaction nito. " What? Club na naman Kyle? Wag kang tumuloy kasi may dinner tayo mamaya kasama Daddy mo. " protesta nang ina niya. " Okay, okay! I will come, send me the address mom, see you later bye!" hindi na nakapagreact ang kanyang ina. Naghahanda na sana siya papuntang conference room nang kumatok si Nikki, pumasok ito may dalang parcel. " Excuse me Sir, may dumating po na parcel para sayo! " sabay bigay sa akin. " Okay! Thank you! " Hindi niya maintindihan kung bakit parang iba ang kutob niya sa kahon na hawak, dahil baka katulad na naman ito dati. Dahan-dahan niya itong binuksan. " s**t! " napamura siya sa nakita. Isang ulo nang puppet na may bahid nang dugo na naka marka sa mukha nito. May sulat na kasama at ang nakasaad," AKIN KA LANG KYLE MONDRAGON". Tinawagan niya ang security upang ma-imbestigahan ito. Dumating ang security team kasama si Ashley. Palihim namang pinagmasdan ni Kyle ang dalaga habang nakaupo siya sa kanyang upuan. Nakita niyang lumapit si Ashley sa parcel, at mataman nitong iniinspeksyon ang kahon. Maya-maya kinuha nito ang cell phone at may tinawagan, nagdududa si Kyle sa mga galaw ng dalaga dahil palagi itong may kausap. Bahagya itong lumayo sa karamihan habang nakikipag-usap sa cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD