" What the h*ll are you doing? Sino ang kausap mo?" biglang hinablot ni Kyle ang cellphone ni Ashley mula sa tainga ng dalaga.
" Nothing sir, kapamilya ko po!" kaila ni Ashley sa tanong nito.
" Nothing? Are you f*ckin' serious? This is a confidential information alam mo ba yun? " halos sigawan ni Kyle si Ashley sa sobrang galit, napatingin ang ibang nasa loob ng opisina sa kanilang dalawa.
" What are you talking about?" patay malisyang sagot ni Ashley na di umurong sa galit na boss.
" So mag deny ka pa? Baka ikaw ang mastermind nito!" nakaturo ang kamay nito sa parcel sa mesa.
Nagpipigil si Ashley sa galit, sa isip niya, ang sarap nang tadyakan ng playboy nato.
" Paano niyo po nasabi yan?" tanong niya dito.
" Now, tell me kung sino ang lagi mong kausap Ms. Sarmiento, para mawala ang pagdududa ko sayo." mariing sagot ni Kyle sa kanya.
" But this is my privacy sir!" galit niyang sagot dito.
"Get out, now!" sigaw ni Kyle sa kanya, nang hindi siya nakinig dito.
Hindi na nagawang lumingon pa ni Ashley, diretso siya sa pintuan sabay balibag ng pinto. Naiwang natigilan si Kyle at myembro ng security team.
Matapos ang inspection sa opisina niya, hindi pa rin nawala sa isip niya ang nangyari kanina. Napatingin siya sa relo malapit nang mag alas singko ng hapon. Tinawagan niya ang dalawang security na palagi niyang kasama saka lumabas sa opisina. Nag-iwan lang s'ya nang konting instruction sa secretary niya saka dumeretso sa elevator.
Habang papalabas nang hotel, namataan niya si Ashley na naglalagay ng helmet sa ulo. Himala maagang uuwi, sigaw ng isipan niya.
Nasa kahabaan siya ng highway nang tumawag ang kanyang ina, sinisiguro talaga nito na darating siya. Ano kayang meron at naisipan ni Dad na kumain sa labas. Maya-maya dumating siya sa malaking restaurant. Dito kalimitan ang mga bigating negosyante nagkikita-kita, dahil mayroon itong private rooms sa itaas. Syempre pamilya ng kaibigan niya ang may-ari nito, si Adrian De Vera.
" Bro, you are late," salubong sa kanya ni Adrian na nakangiti.
" Wala pang six o'clock ahhh!" he complain.
Tinapik lang ni Adrian ang kanyang balikat saka inakbayan siya. Dinala siya nito sa private room kung saan naroroon ang kanyang mga magulang. Pagbukas niya ng pinto, laking gulat niya sa nakita. Ang buong akala niya ay family dinner, pero bakit andito ang kaibigan ni Dad. Nagpaalam na rin si Adrian sa kanila, sabay kindat sa kanya na para bang may pinapahiwatig ito.
" Mom! Akala ko ba family dinner." he asked, nang lumapit ito sa kanya at dinala siya sa bakanteng upuan.
" Son, please meet Mr. and Mrs. Sarmiento, kaibigan sila ng Daddy mo." nakipag-kamay si Kyle sa mga ito, saka humalik sa pisngi ni Mrs. Sarmiento.
" I'm sorry tita, tito akala ko kasi family dinner, kaya kampante ako na ma-late kunti." pag hingi niya nang paumanhin sa mga ito.
" It's okay iho, hinihintay din namin ang aming anak na si Ashley sabi niya malapit na raw siya." sagot nito.
Napa-isip si Kyle, wag naman sana na ang babaeng kilala niya ay ang tinutukoy nito. Ngunit ang agam-agam niya ay nawala nang biglang lumitaw sa pintuan ang magandang mukha ni Ashley Sarmiento, ang babaeng nakasagutan niya kani-kanina lang. Ngunit iba ang awra nito ngayon sa suot na casual attire, black wide leg pants, white spaghetti strap top at black blazer. Para itong ipinako sa pinto, habang nakatingin sa kanya.
Anong ginagawa ng ugok nato dito, sa isip ni Ashley habang nakatayo at nakatingin sa mga tao sa harapan niya. Lumapit siya sa ina at ama saka nagmano. Tinitigan niya ang ina upang himingi nang paliwanag dito, tumawa naman ito.
" Ma!"
" Bumati ka muna sa tito at tita mo!" naguguluhan man sumunod siya dito, nagmano siya at humalik sa pisngi ni Mrs. Mondragon. Ngumiti naman ito sa kanya at niyakap siya.
" Sit down iha!"
" Okay po tita!" ngunit sa kasamaang palad, walang ibang bakante na upuan kundi sa tabi ni Kyle ang mortal niyang kaaway. Tumayo ito at hinila ang upuan upang maka-upo siya. Pakitang-tao bulong niya sa isip.
" Son and Ashley, I know kilala n'yo na ang isa't-isa, kaya kumain na muna tayo saka na natin pag-usapan ang mga tanong sa isipan n'yo." nakangiting sabi ni Frederick Mondragon.
Tahimik na kumakain sina Ashley at Kyle, samantalang masaya namang nagkwentuhan habang kumakain ang kanilang mga magulang.
Pasulyap-sulyap naman si Kyle sa dalaga, alam niya na galit ito sa kanya dahil sa nangyari kanina sa opisina. Habang abala sa pagkain ang lahat biglang tumunog ang cellphone ni Ashley, tumayo ito upang sagutin.
" Excuse me po! Sagutin ko lang po ito." paalam nito saka lumabas ng kwarto.
Tumayo si Kyle at nagpaalam para pupuntang restroom, naiwan namang nagkatinginan ang mga naiwan sa loob ng kwarto. Madaling nakita ni Kyle ang dalaga, nakatalikod ito habang may kausap sa phone. Palihim siyang nagtago sa pader na nasa likuran nito.
" Sir, paano po siyang nakatakas? Hindi ba mahigpit ang pagbabantay sa bilibid?" narinig ni Kyle na tanong nito sa kausap, nakita niya itong napahaplos sa mukha sabay tukod sa kamao nito sa pader, para itong tomboy kung gumalaw.
" s**t! Sobrang tiwala po sila sir, sigurado akong babalikan ako n'on! " napakamot ito sa ulo.
" Copy sir, okay po mag-iingat ako!" nagmamadaling nagtungo si Kyle sa banyo. Malaking palaisipan sa kanya ang narinig na pinag-usapan ng dalaga at sa kausap nito sa kabilang linya." Sino ka ba talaga Ashley Sarmiento " sigaw ng isipan niya.
Pagbalik ni Ashley sa loob, wala dito si Kyle.
Kaya pwede niyang sabihin sa ama ang nalaman.
" Dad, sad to say but.... nakawala si Mr. Brown." malungkot na balita ni Ashley sa ama. Nagulat naman si Frederick sa narinig.
" Naku iha, mag-iingat ka, kasi baka balikan ka n'on, hindi din basta-basta yang makakalaban mo." malungkot na paalala ni Frederick sa dalaga.
" Salamat tito, "
Papasok na sana si Kyle nang marinig niya ang pinag-usapan ng mga nasa loob, so alam ng mga magulang niya ang trabaho ng dalaga? Patay malisya s'yang pumasok, agad namang nagsi-tigil ang mga ito sa pag-uusap.
" Dahil tapos na tayo sa pagkain, wag na nating patagalin pa, para mapag-usapan na rin natin ang detalye," untag ni Laura ina ni Kyle, sa nakakabinging katahimikan.
" Fred, ikaw na magsabi sa kanila." napakamot sa ulo na mungkahi ni Rondel ang ama ni Ashley.
" Okay! Kyle anak, Ashley iha, nagkasundo kami na ipapakasal kayo sa susunod na buwan."
Parang malakas na tunog ng kampana ang narinig ni Ashley, kaya bigla s'yang napatayo.
" Me and the playboy, ikakasal?" paglilinaw ni Ashley sa narinig.
" Bakit, ayaw mo sa akin? " mapang-asar na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kyle.
" Of course, sino ba naman ang gustong makasal sayo, ehhh iba-ibang babae ang kasama mo gabi-gabi! " sagot ni Ashley. Nagkatawan naman ang kanilang mga magulang.
" This is exciting, " saad ni Elizabeth, ina ni Ashley.
" Ma'"
" This is for your own good anak, " sabi naman ng kanyang ama.
Nanghihina na napa-upo si Ashley, paano nasabi ng kanyang ina yun, hindi ba nila kilala ang ugok na'to? Binalingan niya si Kyle, " Ano? Magsalita ka, papayag ka na lang ba sa ganito?" tanong niya sa binata, habang busy ang kanilang mga magulang sa pagplano sa kanilang nalalapit na kasal.
" Kung yan ang gusto nila, ano pa bang magagawa ko, bakit ayaw mo ba sa akin? Gwapo naman ako, mayaman.... - playboy naman! " putol ni Ashley sa iba pang sasabihin nito. Napatawa naman ito nang malakas, nagkatinginan ang kanilang mga magulang, dahil akala ng mga ito ay okay sila.
Pakiramdam niya, nailabas niya lahat ng kinain niya. Lahat ng plano niya sa buhay ay biglang nagbago sa isang iglap. Hindi niya namalayan palabas na sila ng restaurant. Tuwang-tuwa naman na binati sila ng kaibigan nitong may-ari ng restaurant.