Chapter 7

1219 Words
Nakahilata si Ashley sa sala ng kanyang apartment, hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Bumangon siya bigla at nagpalakad-lakad habang hawak ang kanyang baba. " Panaginip lang ito, kalma self" bulong niya sa sarili. Pero hindi talaga ito panaginip, oh my goodness naman Mommy, Daddy anyare bakit n'yo ito naisipan. Agad-agad niyang naisip tawagan si Bryan ang kanyang kaibigan. " Beshie! Tulungan mo ako!" tawag niya rito, nang sumagot ito sa tawag niya. " Bakit, anyare?" alas nuwebe na ng gabi kaya hindi niya masisisi ito na tinatamad. " Basta pumunta ka rito bilisan mo!" asik niya rito. Maya-maya may kumatok sa pintuan niya. Pinagbuksan niya ang kaibigang gusot ang buhok para itong zombie na nakatitig sa kanya. " Ma'am Ashley Sarmiento, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo." humihikab na wika nito. Hinila ni Ashley ang kaibigan papasok sa kanyang kwarto saka pinaupo sa sofa. " May sasabihin ako sayo, makinig ka ng mabuti at wag kang mabibigla." saad ni Ashley dito. " Ano yun, sabihin mo na kaagad at ng makabalik na ako sa pagtulog." sagot nito na halatang nababagot. " Ikakasal na ako kay Kyle Mondragon!" lumaki bigla ang mga mata nito sa narinig. " Whattt? Ikakasal ka!...... Kay tigre?" hindi ito makapaniwala sa narinig. Napatango siya bilang sagot." Girl, napakaswerte mo pahawak nga ng kamay mo at ng maambunan naman ng swerte." saad nito sabay hawak sa mga kamay niya. Hinugot niya ang kanyang kamay." Anong swerte ka d'yan kamalasan siguro, wala pa sa plano ko mag-asawa Bryan alam mo yan wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Kaya nga di ba tinanggap ko ang misyon na'to." wika niya. " Sabagay tama ka d'yan, bakit kasi biglaan sino ba may pakana nito? " tanong nito. " Our parents Bry," nanlaki ang mga mata nito. " Ohhh myyyy lantang gulay, girl wala ka na talagang kawala d'yan! " tama ito, parang mahirap ng kumawala sa sitwasyong ito. Napailing na lang si Ashley, tinapik-tapik naman ni Bryan ang balikat niya. " Goodluck girl! " napatingin si Ashley sa kaibigan na para bang nakikiusap." Kung ano man ang iniisip mo, kalimutan muna matulog na tayo dahil may trabaho pa tayo bukas okay?" inirapan lang ni Ashley ang kaibigan, saka nagtungo na ito sa pintuan at lumabas. Nakatulog si Ashley madaling araw na, kaya hindi niya napansin ang alarm na tumutunog, saka napabalikwas ng bangon. " Omyghadddd, tanghali na! " mabilis ang mga galaw niya, nagtungo sa banyo dali-daling naligo saka nagbihis hindi na niya nagawa pang mag-agahan. Pagbaba niya sa parking area ng building, nakita niya ang kaibigan na naghihitay. " Bakla hindi mo man lang ako ginising! " sumbat niya rito. " Oi oi oi paki tingnan po ang cellphone n'yo ma'am, kung ilang miss calls meron ako sayo, tsktsktsk!" umiiling na sagot nito. " Okay po sorry na!" sagot niya habang binuhay ang motor saka pinainit muna saglit. Habang nasa daan sila, hindi maiwasan ni Ashley ang kabahan dahil makikita niya ang lalaki mamaya sa trabaho. " Handa ka ng makita siya girl ?" tanong ni Bryan nang dumating sila sa parking lot ng hotel. " Tumahimik ka! " irap niya rito saka tinanggal ang helmet na suot. Bumagsak ang lampas balikat niyang buhok. " Okay po," sagot nito sabay tingin sa kanya na nakataas ang isang kilay at ngumiti ng mapang-asar. " Lubayan mo ako, pumasok ka na at tatawag muna ako sa headquarter kung ano na ang update sa kaso ni Mr. Brown." aniya sa kaibigan. " Okay po! Bye, see you later mwaahhhhh!" Sagot nito saka nagmartsang pumasok. Papasok si Kyle sa hotel kasama and assistant niya, saktong makasalubong niya ang dalaga. Busy ito sa kausap sa cellphone, habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon na suot. Na-iimagine na niya ang buhay na makasama ito sa bahay, makatabi sa pagtulog. Napakurap siya sa iniisip, dahil palapit na siya sa dalaga. Bigla itong yumuko bilang paggalang nang dumaan siya sa tapat nito. Nagulat siya sa reaction nito. " Hindi niya man lang ako pinansin?" sigaw nang isipan niya. Nakita niyang dumiretso ang dalaga sa entrance ng hotel. " Nikki please inform Miss Sarmiento, na pumunta sa opisina ko mamayang lunch." utos niya sa kanyang secretary. " Noted sir!" sagot nito. Masyadong occupied ang araw ni Kyle, dahil sa maraming documents na kailangan niyang pirmahan. May bago kasi silang branch na ipapatayo sa Hong Kong kaya, kailangan niya na pag-aralan lahat ng pipirmahang papel. Masisilip niya pa rin kahit kaunting mali meron ang mga empleyado niya, pinapatawag niya kaagad ang mga ito sa kanyang opisina. Hindi naman maiwasan na kinakabahan dahil the way siya mag-approach sa mga ito napaka seryoso. Dahil sa tambak na trabaho, hindi niya namalayan na tanghalian na pala. Nakalimutan na niya ang tungkol kay Ashley. " Ano na naman kaya ang kailangan ng playboy na'to. " bulong ni Ashley sa sarili, habang palapit sa opisina ng lalaki. Ngumiti siya sa secretary nito ng makalapit siya rito. " Miss Nikki, pakisabi naman kay Mr. Mondragon na nandito na ako please." pakiusap niya sa secretary. " Okay po!" maya-maya inabisuhan siya nito na pumasok na. " Salamat!" Pagpasok ni Ashley sa loob ng opisina nito, sumalubong sa kanya ang mabangong air freshener sa room. Naabutan niya itong nagliligpit ng sandamakmak na papeles sa mesa nito " Sit down please!" alok sa kanya ng binata, sabay turo sa sofa. " Thank you!" sagot niya saka umupo. Nakatukod ang dalawang siko ni Ashley sa tuhod niya at magkasalikop ang mga kamay. Nagmumukha siyang tomboy dahil sa kanyang mga galaw. " I'm sorry to keep you waiting, andami ko palang pipirmahang papeles, I forgot." saad nito sa kanya. Umupo ito sa tabi niya, ngunit ilang pulgada pa ang kanilang pagitan. " It's okay sir," sagot niya rito. " Can I ask you something?" tanong ni Kyle sa dalaga. " Okay sir, what is it?" " Wala ka bang clue, why did they come up with that arranged marriage proposal? " tanong ni Kyle. " No! My mom, called me the other day, na may family dinner daw kami, kaya ayun pumunta ako. Why?" sagot niya rito. " Nothing, akala ko this is your idea! " mapang-asar na sagot ni Kyle sa dalaga. " What? Excuse me sir, kung pwede lang po mag back out sa arranged marriage na yan gagawin ko! " galit na sagot ni Ashley sa lalaki. " Relax, I'm just kidding." tumatawang sagot nito. " I'm sorry, hindi po ako natutuwa, goodbye!" saka tumayo at iniwan ang lalaki. " Wait! " tawag sa kanya nito. " What do you want? " tanong niya rito. " Let's have dinner later, gusto kitang makilala! " nagulat si Ashley sa narinig, himala ang playboy inimbitahan siya kumain sa labas. " I'm sorry, may pupuntahan ako, good day Mr. Mondragon." yun lang saka tumalikod na siya nagtungo sa pintuan ng opisina nito. Malalaki ang hakbang na nilisan ni Ashley ang opisina ni Kyle. Nagtungo siya sa locker upang magpalit. Kailangan niyang pumunta sa headquarter para sa next plan sa kaso ni Mr. Brown. Habang nakatayo sa may beranda ng opisina niya, nakatingin si Kyle sa baba, kahit napakaliit ng sasakyan nakilala niya ang dalaga. " Saan na naman kaya pupunta ang babaeng 'yon." bulong niya sa sarili habang nasa bulsa ang isang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD